Chapter 1

58 2 1
                                    

It feels so good to sleep on weekends, I feel so relax. I think of nothing, nothing at all...or so I thought. I woke up at the sound of my screaming alarm clock.

"Gosh! It's saturday! Why the hell did my alarm clo--" I stop at the thought of the word "saturday".

"What time is it?" I talked to myself.

When I looked at the time, my jaw dropped...literally. It's already 10 am and my sister's wedding is at 10:30 am!!!

I hurriedly took a bath and wore the white gown that my sister, Krystal, picked. I also put on some light make-up and other things.

After everything was already ready I took my phone and called a taxi. Minutes later the taxi I called came.

~~~~~~~~~~

*pip pip*

"Ah manong ano pong problema? Bakit po tayo huminto?" Tanong ko kay manong driver.

"Eh ma'am, traffic po, mukhang may aksidenteng nangyari" pagpapaliwanag ni manong driver.

"Ah ganon po ba? Sige maglalakad na lang ako. Salamat po manong hah" sabi ko kay manong driver.

Ang bad timing naman ng traffic eh! Bakit ngayon pa? Pwede bang bukas na lang para naman hindi ako papatayin ng ate ko?!

On top of that para akong baliw na tumatakbo dahil sa suot ko, baka isipin pa nila runaway bride ako! Jusko! Ang ganda ganda ko pa naman!

Habang tumatakbo ako biglang nag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko si ate Reanne ang tumatawag, sinagot ko ang tawag ni ate.

"Hello?"

"Hoy, Jessica! Nasaan ka na?"

"Uhm, nandito pa ako sa may...uh..."

"Nasaan ka na?!"

"uh, nandito na ako sa loob ng taxi, papunta na ako, na traffic lang ng kaunti" what a lie.

"O sige, bilisan mo na dahil magsisimula na ang kasal ni ate Krystal, kung gusto mo pang mabuhay pumunta ka dito kahit umulan man o bumagyo!"

"Yes ate, darating po ako sa kasal ni ate Krystal"

Pagkatapos kong sumagot binaba agad ni ate Reanne ang tawag. Ang sama niya 'no?

Basta ang dapat ko lang isipin ay kung paano ako makakarating doon na hindi nagmumukhang street child dahil alam ko ngayon, ang gulo gulo na ng hitsura ko.

Huminto ako sa kakatakbo at huminga ng malalim at nagsimula na naman akong tumakbo kaso bigla akong natapilok dahil may naka-apak nang gown ko, paglingon ko lalaki ang naka-apak nang gown ko, bigla niya naman tinanggal ang paa niya at tinulungan akong tumayo.

"Ah, sorry miss, hindi ko sinasadya" pag-hihingging tawad niya.

"It's okay, it was partly my fault" I fake smiled.

"Matanong ko lang, bakit iniwan mo yung husband-to-be mo?" Tanong niya.

"Huh? Anong husband-to-be? Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan ako sa tanong niya. Anong husband-to-be? Eh No Boyfriend Since Birth nga ako eh.

"Naka white gown ka, tumatakbo ka, at umiiyak ka, ano pa bang ibig sabihin nun?" Tanong niya, at ngumiti siya, yung mapaglarong ngiti.

"Excuse me lang hah, hindi porke't naka white gown ako at tumatakbo ako eh runaway bride na ako! At hindi po ito luha, pawis to dahil kanina pa ako tumatakbo!" Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Ah sorry, sorry, I didn't know" sabi niya, pero nakangiti pa rin siya. Argh! Nakakainis na siya hah!

"Huwag ka kasing assuming! 'Yan ang napapala ng mga assumerong kagaya mo!" Sigaw ko sa kanya sabay dilat ng aking mga mata.

"I know that, alam kong hindi ka runaway bride, I just wanted to tease you" Natatawang sabi niya.

"Excuse me? Do I know you?" Mataray kong tanong.

Hindi pa nga ako tapos sa lalaking naka-apak nang gown ko may biglang tumawag sa akin.

"JESS! JESS! Anong ginagawa mo dyan? Diba dapat nandoon kana sa simabahan?" Tanong ni Natalie habang tumatakbo papalapit sa amin.

"Ito kasing lalaking bwisit na 'to! Pinaglalaruan pa ako!"

"Ano ka ba! Kung makikipaglandian ka lang naman sana gawin mo 'yan pagkatapos na ng kasal ng ate mo!" Sigaw naman ni Sophia.

"Hindi ako nakikipaglandian sa kanya! Hindi ko kaya siya gusto! Mas gusto ko pang mamatay kaysa makipaglandian sa kanya!"

"Ouch, that hurts" sabi niya sabay fake smile.

"Don't talk to me like you know me!" Sigaw ko sa kanya, si Natalie naman sinimulan nang ayusin ang magulong buhok ko.

"Well, what if I know you?" Tanong niya, at lumabas na naman ang mapaglarong ngiti niya.

"Ah, Jess...siya kasi si..." pagsasabat ni Natalie.

"I know exactly who you are, Miss Jessica Claire Monteclara" he said seriously.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Jess! Nat! We need to go! Nagsimula na ang kasal ni ate Krystal! Tinawagan na naman ako ni ate Reanne!" Biglang sigaw ni Sophia kaya hinila na ako ni Natalie at sumakay na kami sa kotse ni Sophia.

Ah, ako nga pala si Jessica, at itong mga kasama ko sa loob ng kotse ay sina Natalie at Sophia, sila yung mga besfriends ko simula nung bata pa ako.

"Jess! Bakit mo siya kanina inaway?" Tanong ni Nat.

"Sino? yung lalaking yun?" Tanong ko ulit.

"Yes" sagot ni Nat.

"Bakit Jess? hindi mo ba kilala kung sino yung lalaking yun?" Tanong ni Sophia habang nagmamaneho.

"Uh...bakit? Kailangan ba siyang kilalanin?" Pilosopong tanong ko sa kanila.

"Oh my gosh!" They both shouted.

"Why? What's wrong with you guys?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.

"The man you met earlier was...Tristan Jeanno Torres!" They said in unison.

Oh my gosh! What have I done?

--------------------

Hi guys! How was the chapter 1? Sorry kung ngayon na lang ulit ako naka update, I have been very busy with my studies. Thank you for your support guys!

All Rights Reserved

The Road To My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon