01: Dear my other self,

27 4 2
                                    


❝ Dear my other self, ❞

e p i s o d e : 01

"Naniniwala ba kayo sa parallel universe?"

"Do you believe that while I am speaking here, my other self is probably sleeping right now or maybe he has a different career? And just like me, you might have another version of you. Somewhere else... Not here, but somewhere out there."

The whole class remained quiet as they pay attention to the male teacher before them. Sa lahat yata ng topic nila sa maghapon ay ang klase lamang na iyon ang kahit papaano ay hindi nagpa-antok sa kanila.

Maliban sa isa.

"The idea of parallel universe or multiverse do not just remain as a fictional idea. In fact, many experts have studied it and tried to prove its existence. At first iisipin niyo na simpleng bagay lang siya that you can read in fantasy books but it more complex than that since it also requires knowledge about science, physics... Mathematics."

Nang marinig ang subject na nabanggit ay tila nawalan na ng gana na makinig ang karamihan sa mga estudyante. They realize that it all boils down to their most hated subject. Napatawa na lamang ang guro sa naging reaksyon ng mga estudyante niya nang mag landing ang mata niya sa nagi-isang natutulog sa klase.

"Miss Sapphire Wingston..." Mahinahon niyang pagtawag sa dalaga nang malapitan ito subalit wala siyang tugon na natanggap. Batid sa itsura ng babae ang pagod nito. Nakapatong ang pisngi niya sa patong-patong din na libro, bahagyang naka-nganga at may kaunting laway na tumutulo. Maririnig ang mahinang tawanan ng ilan sa mga kaklase niya dahil sa itsura ng dalaga.

"Miss Wingston!"

"MATHEMATICS!" wala sa huwisyong sigaw ni Sapphire kasabay ng biglaan niyang pagtayo. Ang kaninang mahinang tawanan ay naging malakas na halakhakan. Huli na ng mapansin ni Sapphire ang guro sa tabi niya kaya gulat siyang napayuko habang pinupunasan ang laway sa gilid ng bibig niya.

"Hindi ito ang unang beses na natulog ka sa klase ko, Miss Wingston."

"S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit--"

"That's what you said last time, am I wrong?" Kagat-labing umiling-iling si Sapphire.

"Alam kong matalino ka pero that will never be an excuse para magpa-easy-easy ka sa klase mo."

"Sorry po..." Napabuntong-hininga na lang ang guro.

"I will give you an assignment. I suppose you are aware of our topic today." tumango-tango si Sapphire.

"I want you to write a letter to your other self."

"Po?"

"I know the topic is hypothetical but I expect you to take this seriously. Do you understand?"

"Y-yes, Sir."

The class was dismissed after that. Walang ganang naupo na lang si Sapphire saka nagpapadyak sa inis. Imbis na magpapahinga na lang siya pag uwi ay may aasikasuhin pa siyang assignment.

"Ang school kasi, lugar para sa mga estudyante. Hindi lugar para sa mga nanlilimos ng pera at awa." Napataas ang kilay ni Sapphire sa narinig. Hindi niya na kailangang lingunin pa kung sino man iyon dahil si Amanda lang naman ang palaging may nasasabi tungkol sa kaniya.

eleven elevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon