Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Ngprya 04

96.4K 2.7K 405
                                    


Ngprya 04 // Okay? No.

Masasabi bang tanga ako kung naniwala akong baka may mangyaring kakaiba sa buhay ko once na mas mapalapit ako kay Eddard? Siguro gusto ko lang ng kaunting kalayaan. O kaya mabali ang tradition sa buhay kong boring.

Feeling ko masyado akong umasa dahil sa mga pinagkukwento ni Maureen tungkol sa romance at kung anu-ano pang kahibangan na binabasa niya.

Masyado kasing paasa!

O ako lang ang umasa na may something na mag-iiba?

Wala akong dapat ireklamo dahil totoong binayaran ni Eddard Vane Yboa ang mga utang ko sa tuition. Nairaos ko ang buong school year nang matiwasay. Tinanong ko siya pagtapos ng exams kung may ipapagawa siya at ang sinagot niya ay 'mamaya'.

Natapos na ang buong school year, walang nangyaring sa 'mamaya' niya. Para tuloy siyang nagtapon ng pera para sa akin dahil wala lang, wala kasi siyang mapaglagyan ng pera.

Mga mayayaman talaga.

Pagkarating ng bakasyon, second week pa lang, bored na kaagad ako. Paulit-ulit na rin ako sa pakikinig ng kanta ng The Vamps dahil sila na lang halos nagbibigay buhay sa akin. Next week pa ang simula ng summer job ko, mabuti na lang napapadalas ang group messages namin nila Maureen kapag naka-unli.


Maureen

swimming tau pls..

Marie

Swimming mo mukha m0

Maureen

(.u n u.)

Marie

Effort emotic0n

Maureen

pls!! mari?? mao??

Mao

May yummy guys b?

Marie

MARI 2 KC DAPAT MAUREEN DE LACERDA!

Maureen

Marie: Hahaha :P

Mao: iiwas nga lang sila sau...

Mari2: ano na???

Ako

Gusto ko! Paalam nyo q kay auntie?

Mao

Wag kna lng sumama samen hahaha

Ako

Grabe! :(

Maureen

may point si mao.. tag na lang sayo pics namin..

Marie

Kitakits sa pasukan Mari 2!!!

Ako

Hala :(


Sa sumunod na araw, nagising ako dahil sa walang sawang tunog ng phone ko. Nabingi ako sa sigaw pagkasagot ko ng tawag ni Mao.

"NASA KANTO NIYO KAMI GISING NA!"

Mabilis akong gumayak para makalabas. Bago pa ako makababa ng hagdan, narinig ko na ang boses ni Auntie na mukhang galit. Nakasalubong ko ang pinsan ko na tinulak pa ako para makaraan siya.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon