Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Ngprya 09

76.9K 2.5K 670
                                    


Ngprya 09 // Baby Steps

Para akong tanga.

Talon ako nang talon at nagsasasayaw sa loob ng CR, hindi iniinda ang lamig ng tubig sa bawat buhos. Kumakanta pa ako sa pag-shampoo at sabon saka tumalon-talon ulit sa pagbuhos ng malamig ng tubig.

Kung pwede lang gumulong-gulong, ginawa ko na.

Noong Saturday na ata ang pinaka-the best Saturday sa buhay ko – kung hindi lang nakiepal si Auntie. Bago ko pa kasi makalahati ang pagkain ko, tinawagan ako ni Auntie at pinagmamadaling pinauwi. At kung hindi man daw ako umuwi kaagad, wala na akong aabutang bukas ng pinto para tulugan ko.

Kahit inutusan lang ako ni Auntie, hindi mawala ang ngiti ko dahil nakita ko sa mata ni Eddard Vane na para bang nagmaakawa na huwag akong umalis. Ginusto pa niya akong ihatid, pero humindi ako kaagad.

Baka kung ano ang gawin ni Auntie kapag nalaman niyang kung anu-ano ang inuuna ko kaysa sa kanya.

Parang si Cinderella ako at si Eddard si Prince Charming. Pinagkaiba lang namin ni Cinderella, suot ko pa rin ang magarang damit pagkauwi ko na hindi ata napansin ni Auntie. Tapos madaling araw ang timelimit ni Cinderella, ako pinauwi ng tanghali.

Pero kahit na. . . kahit na!

Nararamdaman ko pa rin kasi ang bilis ng tibok ng puso ni Eddard Vane sa palad ko na para bang nakalapat pa rin ang kamay ko sa dibdib niya. Ganoon kalala ang epekto sa akin kahit Monday na ngayon.

Tumili ulit ako habang nagbabanlaw.

"HOY MARI SOLEI!" natigil ako sa nakakagulat na sigaw ni Auntie mula sa labas. Malakas ang pagkalabog niya sa pinto. "Manahimik ka nga d'yan at para kang biik kakasigaw!"

Huminga ako nang malalim at bumulong, "Kill joy."

Hinanap ng mga mata ko si Eddard Vane pagkapasok. Nagtataka kasi ako dahil hindi siya nangulit sa akin kahit hindi ako tumawag para gisingin siya. Turns out, hindi talaga siya pumasok ng araw na 'yon. At ganoon din the next day.

Ngunit pagdating ng Wednesday, nagulat ako nang nagising ako dahil sa isang tawag sa phone ko. Akala ko si Chino pero pagtingin ko sa phone, para akong pinapatay sa kilig nang makita ang pangalan ni Eddard Vane sa screen.

Gusto ko agad sagutin pero huminga muna ako nangmalalim bago ni-receive ang call. Hindi ako nagsalita at pinakinggan ang nasa kabilang linya.

"Maris."

Tumalon ang puso ko sa simpleng tawag niya sa nickname na ginawa niya sa akin.

"Hm?" halos pabulong kong react, para kunwari ay hindi ako excited sa pagtawag niya. "Napatawag ka?"

"You didn't call me for two days."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagngiti. Niyakap ko ang katabi kong unan at pumikit nang mariin. "Ano kasi, wala akong load."

Narinig ko ang pagngisi niya sa kabilang linya. "Lo-load-an ba kita?"

"Ha?!" Mabilis akong sumagot. "Huwag na, papa-load ako mamaya."

"Okay," tapos katahimikan bago siya nagsalita ulit. "I miss your voice."

Kung matigas lang ang unan ko, kanina pa ako may bukol sa pag-untog dito ng ulo ko. Para na talaga akong tanga kung hindi lang ako natauhan sa malakas na katok at sigaw ni Auntie.

"Maliligo ka ba o hindi? Male-late si Cheche sa kakuparan mo!"

Kaya ayaw ko man, binaba ko na ang tawag ni Eddard Vane pero hindi ko maikakaila na napangiti ako sa huling narinig ko kay Eddard Vane.

Nagparaya (NagpaSeries #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon