Playing with Fire
Flash News
Isang warehouse sa Maynila ang nilamon ng apoy bandang alas onse ng gabi. Ayon sa mga saksi, Wala namang kakaibang pangyayari bago nangyari ang sunog. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang nangyari at kung ano ang pinagmulan ng sunog.
Napabuntong hininga na lang si Eli ng marinig ang balita. Wala ng bago dahil normal na ito sa mundong ginagalawan niya. Kung siya ang tatanungin, may ideya na siya kung anong puno't-dulo ng sunog na iyon.
"Anong oras na? Bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ni Atticus na kakalabas lang sa kwarto niya.
He shares the same space with Atticus. Noong una ay pareho silang nakatira sa magulo at maingay na tenement para makatipid pero ngayon, nakatira na sila sa paupahang bahay na may dalawang kwarto.
"Mamayang tanghali pa. May mga lakad pa yung iba." Kibit balikat na sagot ni Eli habang nagtitimpla ng kape. "Ikaw, saan punta mo?"
"Raket." Maikling sagot ni Atticus bago pumasok sa banyo upang maligo.
That's how their life works. In order to make both ends meet, doble kayod. Aside from being a band member, tattoo artist din siya. Dahil hindi naman siya fulltime, tamang porsyento lang ang nakukuha niya. Sapat na pandagdag sa pangangailangan sa araw-araw. Si Atticus naman ay bartender sa gabi, raketero sa umaga. Kahit anong trabaho basta kaya niya ay pinapasok nito. Perks of being jack of all trades ika nga.
Tumunog ang cellphone ni Eli kaya agad niyang pinuntahan ito. Nakita niyang tumatawag si Lux. He quickly pressed the answer button.
—
Eli: Oh? Napatawag ka.
Lux: Busy ka ba mamaya? Pwedeng pasundo?
Eli: Basta ba sagot mo gas ko, pwedeng-pwede.
Lux: Sa dati pa rin.
Eli: Bakit nandiyan ka na naman? Ilang beses ka na naming sinasabihan na baka kung anong mangyari sa'yo.
Lux: Gusto ko lang naman makibalita. I'm safe, I promise.
Eli: Ewan ko sa'yo. I'll pick you up bago ako pumunta sa practice.
Lux: Alright. Thank you!
—
Agad na pinatay ni Lux ang tawag. Hindi mapigilan ni Eli ang mainis. Ilang beses na kasi nilang napagsabihan si Lux na gawin yun pero ginagawa niya pa rin.
Hindi lingid sa kaalaman nilang pamangkin ng isang politiko si Lux. Wala sila gaanong alam sa buhay niya maliban sa nakwento niya na pamangkin siya ng isang politiko dahil minsan na siyang nagpasundo sakanila ni Atticus.
Ayon kay Lux, mula ng maupo ang tito niya sa mas mataas na pwesto sa gobyerno, bigla na lang nawala ang pinsan niya. He was reported to be kidnapped. Being the one who's closest with him, malaki ang naging epekto kay Lux at hindi niya agad natanggap ito. He was fuming mad with everyone lalo na sa mga magulang nito na parang wala ng pake sa pagkawala ng anak nila ng makaupo na sa pwesto. Hanggang sa kasalukuyan ay namuhay na lang sila na para bang kahit kailan ay hindi nag-exist sa buhay ang anak na nawawala.
BINABASA MO ANG
CHASING DIOR
Mystery / ThrillerFull of secrets, questions and hidden intentions. Life is full of betrayals. Be careful on your next move.