Zahara POV
Maingay ang loob ng silid-aralan ng Stem 1, merong nagkwentuhan, nagbi-video ng tiktok, kumukuha ng litrato sa kanilang selpon, merong nagbabatuhan ng papel, merong kumakain at nagsusulat.
Sa sulok ng silid-aralan malapit sa bintana nakaupo si Zahara habang pinagmamasdan ang papalubog na araw at mga langgam na nagliliparan sa himpapawid.
"Hara, nakita mo ba yung cellphone ko?" natigil ang aking pagmumuni ng merong tumawag sa akin. Tumingin ako kay Kiana, ang aking kaibigan.
"Hindi eh, saan mo ba nilagay?" tumayo ako at lumapit dito. Hinalungkat ni Kiana ang kanyang bag, ng walang makita na cellphone sa loob ng kanyang bag ay umupo ito sa kanyang upuan at ang kanyang mukha ay para ng maiiyak. Nakita ko naman na papaiyak na si Kiana kaya tiningnan ko rin ang aking bag, nagbabasakali na nandoon pero wala.
"Saan ka ba galing kanina? Baka naiwan mo doon?" tanong ko sa kay Kiana.
"Hindi ko dinala yung cellphone ko sa CR, iniwan ko lang yon' dito tapos pagbalik ko wala na." malungkot na sagot ni Kiana sa akin.
Tumingin ako sa aking mga kaklase na may kaniya-kaniyang ginagawa. Tatanungin ko sana ang mga ito ng makita ko si Trevor na nagpipigil ng kanyang tawa.
Lumapit ako sa upuan ni Trevor. "Na sayo ang cellphone ni Kiana noh." diretsong akusa ko sakanya. Umiling lang siya sa akin bilang sagot.
"Ibigay mo na yan' Trev." galit na saad ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Sinunod niya naman ako at kinuha ang cellphone ni Kiana sa bulsa niya saka nilahad ito sa akin. Kinuha ko ito sa kanya saka ibinalik ito kay Kiana na masayang makita ang kanyang cellphone ulit.
*Kring!!! Kring!!!
Tunog ng bell hudyat na pwede ng umuwi dahil tapos na ang last subject namin. Isa isang lumabas ang mga kaklase ko. Inayos ko na rin ang aking mga gamit sa loob ng aking bag upang umalis. Lumabas ako ng aming room at inantay si Kiana na lumabas rin.
'Woii, alam niyo ba ang nangyari kay Eve?'
'Oo, ang sabi-sabi naglayas daw ito...'
'Baka nga dahil sa problema sa bahay kaya naglayas...'
Dinig ko ang chismisan ng magkaibigan na babae kay Eve ang aming kaklase na bigla na lang umabsent ng tatlong araw pero nalaman namin kahapon na hindi daw ito umuwi sa kanilang bahay. Inireport ito sa pulis pero hindi daw nila ito nakita.
"Ano kaya ang nangyari kay Eve?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Kiana sa gilid ko.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng shs building. "Ewan, baka sa problema kaya naglayas na lang ito." sagot ko sakanya.
"Oh, baka na karma dahil sa sobrang bully niya sa ibang estudyante." masungit na sabi nito. Tumawa na lang ako sa sinabi niya at nagpaalam sa kanya ng nasa labas na kami ng gate.
Kinabukasan hinatid ako ng aking sundo sa paaralan. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad papasok ng gate. Habang naglakad ako papuntang shs building dinig ko ang usapan ng mga jhs student.
'Totoo ba iyong nawawala na shs student?'
Hanggang ngayon usapan pa rin nila iyan, sinabi na ng mga pulis na baka naglayas nga si Eve. Wala kasi silang nakita na bangkay na tao at ang nakita lang nila yong' bag ni Eve malapit sa bahay nila baka iniwan doon pagkatapos ay naglayas siya.
'Oo nga dalawa na ang nawawala sa Stem 1, nakakakilabot naman...'
Ano dalawa?!!! Sino naman ang nawala o baka naglayas...
BINABASA MO ANG
Between Good and Evil
Short Story(Short Story) "The battleline between good and evil runs through the heart of every man." - Aleksandr Solzhenitsyn . . . • Nov. 27, 2022 • Nov. 29, 2022