AN: Sorry for Spelling & Grammar.
HAPPY READING! 💋❤Apollo's POV
"It is true that the Teacher and Student can fall in love with each other?" Tanong sakin ni Prof habang nagpapaypay gamit ang index card namin.
"Yes Ma'am." Sagot ko na sa kanya na may halong kaba.
"And why? " dagdag niya pa na nakataas ang isa niyang kilay na pawang di niya ginusto ang sagot ko.
"Because according to the Code of Ethics that ... " sandali ako nahinto dahil nagbago ang ekspresyon ng mukha niya "does not prohibit a teacher and student to fall in love with each other but, the teacher shall exercise utmost professional discretion to avoid preferential treatment of the learner." Patuloy ang paliwanag ko sa kanya kahit pa nag aalala ako kung ano man ang sasabihin niya a sinagot ko
"I didnt expect na yan ang maisasagot mo sakin Mr. Apollo Dwaine Vista.." Napatango tango siya "nakailang estudyante ko na tinanong yan.. Pero panay sabi nilang hindi pwede kesyo ganon pero ikaw, pinabilib mo ako. Congratulations" patuloy ang kanyang komento sakin ni Prof at nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.
Nagkaramdam na rin ako ng kaginhawaan sa aking sarili dahil sa tanong na binigay sakin lalo pa't on the spot ang Oral recitation namin kay Ma'am Buenavista may pagkastrikto siya kapag siya ay nagtuturo pero mabait iyon.
Pahamak talaga ang index card na yan dahil diyan ay ilan samin ay nagkanda letche letche ang buhay naming mga estudyante kapag bitbit niya ito. Strikto pa naman siya pagdating sa oral recitation, reporting at quizzes. Gusto niya lahat kami makapasa dahil kami raw ang susunod sa yapak nilang maging isang guro.
Buti na lang ay isa iyon sa mga pinag-aralan ko gabi at sinuwerte dahil iyon ang tanong na binigay sakin. Hindi ako nagfocus na basahin ang ibang Code of Ethics Lawn kasabay ang ilang araw na di makatulog ng maayos dahil sa babaeng nakilala ko sa Amphi Theater na umabot na lang ng biyernes ay di ko pa rin nakikita.
Ibat ibang SocMed na pinuntahan ko pero di ko naman alam ang pangalan niya kaya doon ako sa campus sinubukang hanapin ang babae.
Baka di iyon taga St. Benedict.
Baka kamag-anak iyon na binisita lang ito relative nila sa school.Ito ang palagi kong iniisip pero umasa parin ako na makikita ko siya balang araw.
Noong Miyerkules inilabas ang resulta sa mga nakapasa a screening para sa Theater club at top 3 ako sa mga nakakuha ng mataas na scores ganun rin si Kenneth na nakapasa at l top 5 naman siya sa dancing category.
Break time ay nandito kami sa labas ng campus na kumakain ng street foods ngayon lang kami magsecelebrate dahil sunud sumod ang klase namin nung lunes at martes. Makatabi lang naman ang building namin kaya madali ko siyang makikita.
"Kuya isang baso pa nga ng Kwek kwek" hingi ko kay kuya tindero, tsaka nilagyan ng sauce.
"Magkakaroon daw ng meeting ang Theater Club. Sa wakas kasama na tayo doon. " sabi ni Kenneth na walang tigil sa pagnguya ng tempura.
"Oo nga . Excited na ako sana magkaroon tayo ng bagong kaibigan doon." Aniya ko at kumukuha ng bagong luto na Betamax.
"Ayaw mo na ako maging kaibigan tol?! Porket mas gwapo ako sayo." Pagtataka niya sakin pero may kayabangan nga lang.
"Mandiri ka sa sinasabi mo." napangiwi na lang ako na aakmang susuntukin niya ako.
Kaso bago pa niya ako suntukin sa braso kay tumunog ang kanyang cellphone at agad naman niya sinagot habang di pa niya iniinom ang mountain dew.
BINABASA MO ANG
JOPAY
FanfictionApollo Dwaine Vista, isang Education Student and a Band Vocalist sa kanilang Campus. Nakilala niya ang babaeng na taga Engineering, naging Fan Girl at kaibigan na rin niya ito dahil sa Treatro. Sa bawat sulat na binibigay niya ay umaasang papansi...