(ONE SHOT STORY)

483 14 3
                                    

"Class dismmiss" anunsyo ng Math teacher namin na ikinahiyaw ng malakas ng mga kaklase ko, pati ako napangiti narin .

             Ngunit ang ngiti ko'y biglang nabura sa aking labi nang magsalita ulit ang aming guro bago ito lumabas ng aming classroom

                "Oh before I forget , bawal kayong lumabas . Magmemeeting lang ang 4rth year teachers . Just stay here, baka makaistorbo pa kayo sa ibang klase,. Hintayin niyo nalang na magrecess ,Goodbye! "

                Bagsak ang balikat ng mga kaklase ko at napuno ng buntong hininga ang buong classroom namin .

                 Ano bay'an ?! Bakit kaseh hindi nalang tayo pinalabas para everybody happy ?! At ano namang gagawin natin dito sa room ?! Mag ilang ng butiki ? Manghuli ng utot ?! Nakakayamot!!

Parang gusto ko paluin ng tsinelas Yung bunbunan ng lintik naming Math  teacher .

Maya-maya lang umingay na naman ang paligid na parang mga naglalako ng kung anu- ano. Napaigtad ako nang maramdamang may kumalabit sa magkabilaan Kong braso .

" Omg Kira tingnan mo daliiii!"

Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro ng dalawang lintik nakaturo ang mga hintuturo nila sa likod ko-sa upuan ni Denzel . Nangunot ang noo ko at napabaling ulit sa dalawa na ngayo'y nagngingiting aso na Naman dahil may naisip na Naman ito na kapilyahan.

"Oh ano'ng mayro'n diyan kay Denzel? Nakangiti lang eh kinilig Naman kayo."

Halos lahat siguro ng kaklase ko ay alam na may paghanga Ako sa top one namin na si Denzel , well sobrang gwapo niya naman talaga kasi at ang talino niya pa. Secret lang talaga Yung pagkagusto ko sa kanya at tanging itong dalawang ulikba lang ang sinabihan ko , Ewan ko kung may secret bang ganon . Kaso 'yun na nga yung sekreto ko nabulgar, eh yung mga walang hiya piangkalat ba naman kaya iyon sa marami na tulog ang nakakaalam . Mayro'n pa ngang mga nagalit sa 'kin , ba't bawal bang magkagusto ang magandang tulad ko ?Palibhasa mukha silang mga paa sa akin kasi maganda ako to the highest level na yuyuko ang mga tao at dadapa ang mga langaw at titingalain ako.

Natigilan ako sa pag-iimagine nang biglang may humampas ng libro sa ulo ko nang mahina ,tama lang para maalog ang utak ko.

"Ang hina mo talaga ' no!Hindi lang iyan bastah nakangiti ,tulog 'yan ! Kaya perfect timing !"sambit ng litseng Aeza na nasa kaliwa ko at sinamahan pa ng sundot sa tagiliran ko.

"Eh ano naman ngayun kung tulog 'yan gusto niyo sapukin ko total hindi mo naman ako pinapansin ng gagong to-- teka nga tulog ba talaga yan ? Bakit nakangiti ?Napapaginipan niya kaya ako?"Nagsimula na namang gumuhit ang matamis kong ngiti sa aking labi.

"Hoy yung ngiti mo nakakakilabot ! Pero tulog kaya 'yan kitah mo na ngang nakapikit !kaya go tabihan mona ,kukuhanan namin kayo ng pic hehehe para remenbrance ",gatong naman ng isa pang maharot ng Kayen .

"Ayaw ko! Baka gising 'yan ano!! Ipapahamak niyo pa ako alam niyo naman mainit ang dugo ng lalaking iyab sa akin diba? Kasi galit siya sa magaganda .Baka" pag-umupo ako sa tabi niyan at nagwaki-waki bigla nalang iyang dumilat tapos kagatin ako at sipain papuntang basurahan kasi gising pala!".

"Tulog nga kasi ' yan eh 'wag ka na ngang maarte kaya dali na pumuntos kana habang tulog pa.Pustahan pa tayo ng piso' diyan magigising "!pangunguntra naman ni Aeza at dinilatan pa ako ng mata niyang may muta 😂

Author:di jwk lang haha

"Sige na ,promise bukas may libreng ano ka mula sa 'kin ano...libreng tubig ,tama"Karen.

"Sife na nga bastah rsmihan niyo ng luha ha? Dapat maganda ako!"

Maingat at dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Denzel.Ok Kirs kalma!

"1...2...3...smile" pabulong na bigkas ng dalawa .

Akmang ngungiti na ako sa camera ng bigla akong natigilan at naestatwa dahil sa may kumabig sa akin pakanan at inakbayan ako!!

  Paglingon ko ay halos malaglag ang bilog ng mga mata ko. Denzel! Gising ka palang g*go ka ! Pabilis nang pabilid ang pagtibok ng puso ko na animo'y hinahabol ng aso.

"G-Gising k-ka?" gulat kong tanong at napakurap-kurap.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay bigla itong ngumisi saka humarap sa camera at ngumiti . May ibinubulong ito sa 'kin na mas lalong ikinabilis pa ng pagkabog ng dibdib ko .

                      "Smile Baby"

It's my first story so expect some wrong grammars and correct me if I'm wrong...



Me And My Highschool Crush Where stories live. Discover now