10years ago...
" Pwede bang makipagkaibigan?"
Bata pa lang ako nung lumipat kayo malapit sa bahay namin.Natatandaan ko panun nung araw na dumating kayo sakay sakay ng isang truck,naglalaro kasi kami nun ng batuhan bola kasama ang iba kung kaibigan.
*BOOOGGSSHHH*
Natamaan pa nga aku nun ng bola sa mukha dahil lumingon ako sayo.
nakita kitang tumawa ng bahagya at saka umalis..sa sandaling yun parang may kung anung maningning na bagay ang nakita ko sayo.
unang kita ko pa lang sayo...
gusto na agad kitang maging kaibigan.
" Bigay mo sa amin yang baon mo kung ayaw mong masaktan"
Isang araw sa school nakita mong binubully ako ng ibang estuyante sa canteen,pinipilit nilang kunin ang dala kong baon.
Dika agad nagdalawang isip na tulungan ako;panaghahampas mo ng dala mong bag yung mga nambubully sa'kin,tumakbo naman sila ng mabilis habang umiiyak.Umiiyak parin ako nun,nakita mo pa ngang lumabas yung sipon ko buhat ng sobrang pag iyak. Tumawa ka ng palihim pero nakita ko parin yun mas lalong lumakas yung iyak ko pero agad mo kong pinatahan.
sa sandaling yun parang may kuryentang dumaloy sa katawan ko ng hawakan mo yung likod ko upang patahanin ako ...
sa sandaling yun naging kaibigan na kita.
"Uy!!pwede bang sumali sa inyo?"
Dumating ang mga araw na nakipaglaro ka narin sa amin,mapa piko ,patintero o kahit anung laro game na game ka.Naalala ko pa nga na sa tuwing maglalaro tayo ng taguan,lagi tayong sabay na natataya;panu lagi kasi tayong magkasama.
"Hello tita!! makikikain po."
Dumating din ang araw na pumupunta kana sa bahay namin,mula umaga hanggang hapon nandun ka.Sabay tayong kumakain ng paborito nating spaghetti na luto ni nanay.Naglalaro panga tayo ng bahay-bahayan,
ako yung Mommy tapos ikaw naman yung Daddy.Tapos di ba nagkakasal-kasalan patayo,alam mo nagulat akonun nung halikan moko....
Kasi ikaw ang first kiss ko....
Sabay na tayong pumasok sa school,pati sa pag-uwi magkasama tayo.Tinutukso panga tayo ng mga classmate natin na mag boyfriend girlfriend daw tayo;tinatawanan nalang natin tapos sinasabing magkaibigan lang tayo..
pero hanggang dun nga lang ba?Friends lang ba tayo? o ako lang ang nagiisip na balang araw magiging tayo?
"WHHHAAAAA!!! SI SPONGEBOB KO!!!" naalala mo nun nung unang mag away tayo.Dahil sa kadamutan ko?Gusto mo kasing hiramin yung manika kong si spongebob ,eh dahil nga sa madamot ako..inagaw mo sya este-pinag agawan natin sya...hanggang sa ayun..parang chinopchop ang katawan nya dahil itoy hiwahiwalay na.umiyak ako ng umiyak.Di kita pinansin ng isang araw kahit tinatawag mo ko o pinupuntahan sa bahay.
BINABASA MO ANG
BEST FRIEND
FanfictionBEST FRIEND. Pinaghiwalay ng tadhana.patuloy na tinatago ang mga lihim na pagtingin. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagtagpo.Tuluyan na kaya nilang masabi ang kanilang mga lihim o patuloy parin itong nakabaon at kailan man a...