CHAPTER THREE: FEELINGS

13 0 0
                                    

Chapter three: Feelings

SAMUEL'S POV

Mainit ang sikat ng araw na dumadampi sa balat ko...

Katamtaman lang ang ihip ng hangin, pero hindi parin sapat para mapawi ang init..

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada nang biglang tumunog ang dala kong cellphone.

"
From: 09*********

Hi! Samuel! . Punta ako sa inyo mamaya, may ibibigay ako kay tita!

Yun lang Ingat!"

Agad ko ng pinasok sa bulsa ang dala kong cellphone at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Tahimik lang ang buong paligid..

Kakaunti ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada..

Muli akong pumunta sa playground kung saan dati kaming naglalaro..

Nagka'lat ang mga tuyong dahon sa paligid..

Kamusta na kaya sya?

Siguro nakalimutan na nya ko.

Sampung taon narin ang nakalipas ng paghiwalayin kami..

Marami naring nagbago..

Pero hindi ang nararamdaman ko..

My name is Samuel dela Vega. Im17 years old.

Naalala ko pa nung bata ako, dito mismo sa playground nato
madalas kaming maglaro..

Pero di ko na alam kung nasaan na sya ngayon..

Nangako ako sa kanyang babalik ako..

Ngayon tinutupad ko na, sa halos sampung taong paghihintay..

Sana maalala nya pa ako.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

REMHEL'S POV

"PRE ! Anu? Di pa ba tayo baba?" Tanong ni Junard, classmate ko. 

Kasalukuyan ako ngayong nagsusulat ng assignment ko pero itong si Junard gusto nang bumaba, nagugutom na raw sya.

"Sige pre, una kana sa baba sunod nalang ako. Tapusin ko lang saglit tong sinusulat ko." Sabi ko sa kanya na nasa papel ko parin yung tingin.

"Anu ba yan pre? Love letter? Hahaha! Dalaga kana!"

"Ugok! 'Di to love letter!" Sabi ko sa kanya. Loko talaga tong mokong nato!

"ASUS! Dalaga na si Remhel!"

"Abat- " akmang tatayo na dapat ako ng bigla nalang syang tumakbo, at tawang tawa pa ang mokong !

Baliw!

Ako nga pala si Remhel Takashi.

At yung kaninang kausap ko ay ang ugok kong kaibigan!

4th year nako ngayong taon sa akademyang to. Ang papa ko ay isang Japanese at mama ko ay isang Pilipinong businesswoman. Ako ay nasa first section, di man sa pagmamayabang , ako ang laging top sa klase. Haha! pero ang yabang ko no!

'Teka, anung oras naba?' tanong ko sa aking sarili , Bigla kong naalala na ipapasa ko pa pala tong schedule sa registar office.

Agad na kong tumayo at lumabas ng classroom ,dahil sa nag mamadali ako, hindi ko namalayan na meron na pala akong mababangga.

"Ay sorry miss!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon