Chapter 20

857 35 0
                                    

A gentle pat wakes me up at ang nakangiting imahe ng driver ni Kuya Fintan ang bumungad sa aking harapan kaya naman dagli akong napaayos at ginawaran din ito ng ngiti.

"H-hello po," bati ko rito habang maliit na nakangiti.

"Nandito na po tayo Ma'am. Kanina pa po kita ginigising," ani nito at bahagya pang nagkamot ng ulo.

Mabilis naman sa alas kuwatrong lumabas ako ng kotse at syempre nagpasalamat din ako sa driver ni Kuya Fintan na siyang naghatid sa akin. Masaya akong sumakay ng private plane na pagmamay-ari ni Maxon kaya naman pala kampante si Kuya Fintan kanina, iyon pala private plane ni Maxon ang gagamitin ko.

"Welcome aboard Ma'am Carol, coffee?" nakangiting bati sa akin ng flight attendant.

I smiled back at her and said, "Yes please, with two spoon of sugar."

Habang wala pa ang aking kape ay inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng magazine at mukhang inihanda talaga iyon para sa akin because the magazine is all about Greece, Royalties and beautiful different sites in the country I'm going into.

Hindi ko maiwasang mamangha sa mga magagandang lugar at tanawin na nakikita ko sa magazine at paniguradong mas maganda pa ito sa personal and I am really excited na mapuntahan na ang mga ito. But, I'm a little bit disappointed about Royalty magazine because there's no picture of the new King of Greece at ang tanging naroroon lamang ay description and then a crown picture.

"Here's your coffee Ma'am," pukaw ng flight attendant sa aking atensyon.

Binalingan ko naman ito ng tingin at nginitian bago tinanggap ang kape. The flight attendant bid goodbye for a while to give me my privacy which I'm thankful about.

I continued reading the magazines while sipping my coffee until I fell asleep. And the moment I woke up, my older brother's face greeted me. May malawak itong ngiti sa labi na siyang dahilan para mairita ako lalo.

"Puwede ba Kuya, ilayo mo mukha mo sa'kin? Ang pangit mo," iritableng wika ko dahilan para ito ay mapasinghap.

"You're so mean Carol! Dapat pala hindi na kita sinundo rito," wika naman nito at inirapan pa ako.

"Edi sana hindi mo ako sinundo dzuh," I sarcastically said.

Kuya Charles pinches my cheeks making me groan in annoyance kaya naman ay malakas ko itong hinampas sa braso at tumayo na mula sa aking pagkakaupo.

Ako ay bahagya pang nag-inat at humikab dahilan para tumawa ang aking Kuya kaya naman ay tiningnan ko ito ng masama.

"May nakakatawa ba?" salubong kilay na tanong.

"Oo, meron. Ikaw," mabilisang sagot naman nito kaya ako ay napabusangot.

"Alam mo Kuya dapat talaga hindi mo na lang ako sinundo e, I can manage," I said and roll my eyes.

Kuya Charles ruffles my hair, smile and said, "I can manage my ass. It's your first time here in Greece kaya paniguradong maliligaw ka."

"Ano ang akala mo sa akin Kuya bata? Uso na kaya ngayon ang Google Map at Waze," pangangatwiran ko.

"Kahit naman uso ang mga iyon wala pa rin itong maitutulong sa'yo," sagot naman nito at iginaya na ako papalabas ng eroplano.

Ako ay nanahimik na lamang at hinayaan itong alalayan ako tutal ako ay nanlalanta ng husto. I really hate long travels because it's draining me pero wala e, Greece have Royalties and I have to see them in my own eyes.

"Buti napapayag mo si Mom na mangibang bansa ka," pagbasag ni Kuya Charles sa katahimikan.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse nito at ayon kay Kuya ay tutungo kami sa isang hotel na kung saan doon siya nananatili for his business trip.

Astaroth's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon