Hi! This is completed and pay to read on patreon apps and vip group.
Book bundle of this book and M.A series 12 Azul Escarra is also available for pre order.
"Sabel! Dalian mo sakay na." Sigaw ng tatlumpu't tatlong taong gulang na si Pablo habang hindi maiwasan na matawa sa itsura ng dalaga. May bitbit na naman itong kung anu-anong dalahan at alam niyang sa hangganan ng kanilang hacienda ito pupunta kung saan nandoon ang mga tauhan nilang nag-aani.
Kahit pawisan na ay binilisan ko ang paglalakad para makalibre ng sakay sa sasakyan ni Kuya Pablo. "Hayyy hindi ka man lang talaga bumaba para tulungan akong magbuhat." Kunwari kong reklamo matapos mailagay ang pagkain at tubig sa likod ng truck niya. Inayos ko din ang termos na dala ko para hindi 'yon matumba sa biyahe malubak pa naman ng kaunti sa dadaanan namin at sayang naman kung matatapon.
"Oh, oh, oh hindi mo ako driver Sabel kaya dito ka sumakay sa tabi ko." Sabi pa ng binata ng sasakay sana ang dalaga sa likuran na upuan.
"Hay naku ang dami mo talagang reklamo Kuya, eh driver ka naman talaga." binuksan ko ang pintuan sa harapan at tsaka sumakay na doon. Pasado alas sais na ng umaga at siguradong hinihintay na ako ni Itay at mga kasamahan niya. Ako kase ang naaatasan na magluto ng pagkain nila kapag ganitong araw ng sabado, madami pa naman ang trabaho ngayon sa hacienda dahil umpisa na ng anihan at syempre tutulong din ako doon.
"Bakit ngayon ka lang? Siguro inaabangan mo ako ano?" Panunukso ni Pablo kay Isabel na prenteng nakaupo sa kanyang tabi.
"At bakit naman kita Kuya hihintayin? Eh ikaw nga malamang ang naghihintay sa akin dahil makikikain ka na naman sa mga luto ko." Humawak ako ng maigi sa nakabukas ng bintana, malubak pa naman sa parte na ito ng hacienda kaya masusubsob ka talaga sa unahan ng sasakyan kapag hindi ka humawak at umayos ng upo.
"Alam na alam mo talaga ang gusto ko ano? Hindi pa talaga ako kumakain sa bahay kaya makikisalo talaga ako sa luto mo."
"Sabi na nga ba, ikaw lang talaga ang anak ni Donya Jacinta na palaging gutom at palaging binabantayan ang mga luto ko samantalang ang dami niyo namang pagkain sa mansyon niyo."
Ginulo ni Pablo ang hanggang beywang na buhok ni Isabel. "Nakakasawa na kase ang mga pagkain sa sa mansyon kaya gano'n. Isa pa sabi ko sa 'yo diba doon ka na lang sa amin magtrabaho? Tanggap ka agad kapag nag-apply kang taga luto doon." Suwesyon pa niya, kahit bata pa kase si Sabel at disi otso anyos pa lang ay mahusay na ito sa kusina at masarap talaga magluto.
"Ayoko nga, gagawin mo lang akong utusan doon panigurado tapos lagi lang kita isusumbong kay Kuya Tiago." Tukoy ko sa nakakatanda niyang kapatid. Tatlo lang naman silang magkakapatid at ang bunso nga nila na si Kuya Fabio ay sa Maynila naman nakatira at sila lang ang nandito sa hacienda.
"Isumbong, isumbong susss pagbuhulin ko pa kayo ni Kuya eh." Ani ni Pablo, "Teka alam mo na ba ang balita ha?" Pag-iiba niya ng usapan.
Napakunot noo ako. "Balita? Anong balita? May kuryente man kami sa bahay Kuya Pablo pero wala naman kaming tv."
"Hindi balita sa tv ang sinasabi ko."
"Eh ano? Hala wag mong sabihin na may bago ka na namang babae? Naku lagot ka na talaga sa magulang mo!" Sabi ko sa kanya, ganito kami ka komportable mag-usap na dalawa kaya siguro nabibigyan ng masamang kahulugan ng ibang tao. Hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit naging malapit ako sa magkakapatid na Bermudes dahil mabait at maganda naman ang trato ng pamilya nila sa aming mga nagtatrabaho dito. Tsaka gano'n talaga eh, mabait siya sa akin kahit lagi kaming nag-aasaran na dalawa.
"Wala akong babae Sabel, ikaw talaga 'yan agad ang iniisip mo." Napasimangot na sabi ni Pablo.
"Eh ano lang? Siguro may nabuntis ka ano? Mas lalong lagot ka kay Donya Jacinta!"
Napaismid lalo si Pablo, lagi talagang ganito ang sinasabi sa kanya ng dalaga. Na para bang babaero siya at kung sino-sinong babae ang papatusin niya. "Lalong wala akong nabuntis, alam mo naman ayoko pang mag-asawa diba."
"Ayaw mong mag-asawa kaya tatanda kang binata. So ano nga Kuya ang balita mo? Dalian mo na magkuwento at malapit na tayo sa hangganan."
"Darating mamaya si Fabio galing sa Maynila at dito na muna siya sa hacienda."
"A-ano?" Ang kapatid niyang salbahe uuwi dito?
"Pinapauwi siya dito ng magulang namin dahil may ginawa na naman yatang kagaguhan sa Maynila." Biglang seryoso na kuwento ni Pablo, sa kanilang tatlo na magkakapatid ay ang bunso nila ang pinaka matigas ang ulo at talagang pinaka pasaway na kahit nasa edad na ito ng bente kuwatro ay pa easy easy lang ito sa buhay at talagang go with the flow lang.
"Parang hindi nga magandang balita 'yan Kuya, siguradong lagot na naman siya sa inyo ni Kuya Tiago." Tatlong beses ko pa lang nakita ang bunso nilang kapatid at kung ano nga ang iniisip ni Kuya Pablo tungkol sa kapatid nito ay gano'n na din ako. Ang huling beses ko nga siyang nakita ay noong nakaraang taon kung saan ang walang modong lalake na 'yon ay pinag-isipan kami ng masama ng Kuya Pablo niya. Sino ba namang hindi maiinis at magagalit? Eh inisip niyang nilalandi ko daw ang kapatid niya at may relasyon daw kami kaya malapit kami ni Kuya Pablo sa isa't-isa. Diba? Nakakainis ang ganoong klase ng lalake. Naturingan pa namang may pinag-aralan pero gano'n mag-isip.
"Patitinuin naman siya ni Kuya Tiago habang nandito siya sa hacienda, dahil hindi puwedeng tumanda siya ng paurong." May kaseryosohan ang boses na sabi niya.
"Naks! Kaya sa 'yo talaga ako eh. Dapat pagsakahin mo siya dito o kaya naman pagtanimin mo siya Kuya Pablo."
"Yan, 'yan diyan ka magaling. Ikaw talaga Sabel." Napapailing na lang na sabi ng binata. "Kamusta pala ang pag-aaral mo? Lagot ka kay Mama at Kuya Tiago kapag may bagsak ka."
"Wala kong bagsak Kuya, dean lister nga ako diba." Isa 'yon siguro sa puwede kong ipagmayabang na kahit magsasaka lang ang itay ko at kaming dalawa na lang sa buhay ay sisiguraduhin kong bibigyan ko siya ng magandang buhay pag nakatapos ako ng pag-aaral.
"Aba dapat lang, para sulit ang scholarship na binigay sa 'yo ni Kuya Tiago." Sabi ni Pablo, Mayor kase sa kanilang bayan ang panganay nilang kapatid at dahil matalino naman si Sabel ay tinulungan niya itong makapag-kolehiyo at ngayon nga ay nasa ikatlong taon na ito sa kursong Hotel and restaurant management. Lagi kase itong tinutukso na hanggang high school lang ang mararating at magtatanim lang dito sa hacienda o kaya naman ay mag-aasawa na daw ito agad. At hindi niya nagustuhan ng marinig niya na ginaganon si Isabel ng ibang kabataan dito sa hacienda nila. Kaya ng kausapin niya ito at malaman na mataas ang grado sa eskuwelahan ay tinulungan niya na ito makakuha ng scholarship.
"Wag kang mag-alala Kuya Pablo hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay niyo sa akin para makapag-aral. Nakangiti kong sabi sa kanya, kaya hinahayaan ko na lang ang mga hindi magagandang naririnig ko na sinasabi sa akin ng ibang tao. Basta ang alam ko ay nagsisikap ako ng husto para makatapos ng pag-aaral.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
Dalaga na si Sabel (R-18 story)
RomanceIsabel Alcantara and Fabio Bermudez Story🖤 Completed now on patreon apps and VIP group.