"Do you understand me Fabio? You will stay here for now." Seryosong sabi ni Tiago sa nakaupong kapatid, siya ang apatnapu't taong gulang na panganay sa magkakapatid na Bermudes at bilang nakakatanda ay kargo niya ang mga kapatid sina Pablo at Fabio.
"I can stay here for one day or two." Balewalang sagot ng binata habang nilalaro-laro ang toothpick sa kanyang bibig.
"Then what? Your going back to Manila again? Para ano? Lulugiin mo ang kompanya natin Fabio!" Galit na sabi ni Tiago, kulang na lang talaga at bugbugin niya ito eh. Ang magaling lang naman kase niyang kapatid ay inalis halos ang mahigit limampu nilang empleyado. Their mother trusted him to manage their business in Manila pero ang gago inalis ang halos kalahati ng empleyado nila dahil daw sa gusto lang nito. See? Dahil gusto lang nito, 'yon lang. Kaya naman nag-rally at binoycott ang negosyo nila sa Maynila at ng malaman nga niya ang nangyari ay agad niyang pinasundo si Fabio at pinauwi dito.
"I can't stay here, hindi ako sanay dito Kuya. At isa pa wala akong gagawin dito sa hacienda beside Kuya Pablo is the one managing here right?"
"Then help him, o kung gusto mo siya ang mamamahala ng negosyo sa Maynila pero ikaw ang nandito. I don't know what to do to you anymore Fabio, tumatanda kang paurong at gago!" Dagdag pa ni Tiago na galit pa din, wala ang kanilang Mama dahil may pinuntahan itong okasyon sa kanilang bayan pero siguradong makakatikim din ang kapatid niya ng sermon mula dito.
"'Kuya Pablo don't like the city life, beside tinanggal ko lang naman ang empleyado dahil ang kukupad nila sa trabaho. We paid them but then what? Hindi nila inaayos ang trabaho nila." Pangangatwiran pa ni Fabio sa kapatid, their family business is into exporting fruits and vegetables not here in Philippines but all over Asia. At ang nasa Maynila nga ay ang tumitingin ng mga ineexport nilang produkto bago ilabas ng bansa.
Nasa gano'n silang pag-uusap na magkapatid ng biglang pumasok naman sa loob ng mansyon si Pablo kasunod si Isabel.
"H-Hi!" Bati ko pero napangiwi ako ng maabutan ko si Kuya Tiago na may kausap. Kaya naman sumenyas ako agad kay Kuya Pablo para lumabas muna ng mansyon.
"No need to go out Sabel, come here." Ani ni Tiago na umupo sa upuan doon.
"H-Hi Kuya Tiago, hmnnn.. sinama lang ako ni Kuya Pablo dito." Nahihiya kong sabi, nakilala ko agad ang kaharap niya. So nandito na pala ang black sheep ng pamilya Bermudes. Palihim kong tiningnan ang kapatid nilang si Fabio na siguradong sinesermunan ng Kuya nila.
Buti nga, puro ka daw kase kalokohan sa Maynila."Kumusta ka Sabel? Sa school? Tanong ni Tiago sa dalaga." Sabi ni Pablo maganda daw ang mga grades mo."
"Opo Kuya, matataas po ang grado ko. Pinag-bubutihan ko po ng maigi sa eskuwela." Magalang kong sagot, ganito talaga ang awra lagi ni Kuya Tiago, laging seryoso at parang laging galit pero mabait naman siya.
"That's good to hear, mag-aral ka ng mabuti at huwag kang tutulad sa siraulong ito." Tukoy ni Tiago sa bunsong kapatid na tiningnan niya. Ewan ba niya at napaka pasaway nito, hindi katulad nila ng kapatid na si Pablo na isang salita lang ay sumusunod na pero pagdating dito ay kailangan ulit-ulitin mo pa ng ilang beses.
"Isabel? siya 'yong anak ng isa sa magsasaka ng hacienda diba?" Fabio said while looking on her.
"Siya nga, at scholar 'yan ni Kuya." Pagmamalaki ni Pablo. Linggo ngayon at inaya niya ang dalaga sa bayan para magsimba at pagkatapos nga ay dito na sila dumiretso sa bahay nila. Hindi naman niya inaasahan na nandito na pala ang kapatid nila.
Tiningnan ni Fabio ang Kuya Tiago niya. "Scholar nga lang ba?" Nakangisi pa niyang tanong.
Para naman naintindihan ni Tiago ang sinabi ng kapatid at agad nilapitan ito bago sinuntok ng malakas.
"Kuya Tiago!"
"Mayor!" Magkasabay naming sabi ni Kuya Pablo.
"Umayos ka ng pananalita mo Fabio at baka may ibang taong makarinig niyang sinasabi mo at bigyan ng ibang kahulugan. Umayos ka dahil sobra-sobra na ang pagtitimpi ko sa 'yo." Ani ni Tiago matapos suntukin ang kapatid.
Nagulat ako sa ginawa ni Kuya Tiago, pero mas nagulat ako sa sinabi ni Fabio. Ibig sabihin iniisip niya na may relasyon kami ng kapatid niya? Pero may asawa na si Mayor at isa pa hindi ko magagawa 'yon!
"Just asking, masyado kayong malapit sa babaeng 'yan simula pa noon." Pinunasan ni Fabio ang labi na dumugo. "Dalaga ka na Sabel, at mukhang--"
"Sige subukan mo pang ituloy ang sasabihin mo at hindi lang suntok ang aabutin mo sa akin." Sikmat ni Tiago sa kapatid na hinawakan naman ito sa kuwelyo.
Yumuko ako sa kanila, dapat yata hindi ako sumama ngayon dito. Kung bakit kase nagpapilit pa ako kay Kuya Pablo eh. "Uuwi na po ako, sige po Kuya Tiago, Kuya Pablo." Paalam ko sa kanila.
Tiningnan naman ng tatlong magkakapatid si Isabel na lumabas ng pinto. Alam nilang nagulat ito sa nangyari, lalo na sa ginawa ni Tiago. Sinundan naman ni Pablo ang dalaga palabas.
"Hindi ka na nahiya, napaka walang modo mo talaga."
"Wala naman akong sinabing masama, ikaw lang ang nagbigay ng masamang kahulugan." Paliwanag pa ni Fabio.
"Wag mo akong gaguhin Fabio kaya ngayon pa lang pinapa-alalahanan na kita huwag mong lalapitan si Sabel kung ayaw mo na tayong dalawa ang magkagulo." May warning sa boses na sabi ni Tiago. "Tuturuan ka ng Kuya Pablo mo mamahala dito sa hacienda at hindi ka muna babalik sa Maynila." Pinal na desisyon niya bago umalis at iwan ang kapatid.
Kinagabihan ay naupo si Fabio sa veranda ng kanyang kuwarto. Hindi siya sumabay sa hapunan dahil siguradong sesermunan lang siya ng mga kapatid niya. Isang taon na din halos ng huli siyang nakauwi dito sa hacienda nila at 'yon ay ng mamatay ang kanilang ama. Tumingin siya sa labas, madilim na pero maliwanag sa paligid ng mansyon dahil napapalibutan 'yon ng mga ilaw.
Napangiti siya ng maalala ang nangyari kanina, kita niya kung gaano ka protekta ang Kuya Tiago niya kay Isabel na para bang may gagawin siya ditong masama. Naaalala niya ang babaeng 'yon lalo pa at 'yon ang laging kasa-kasama ng Kuya Pablo niya noon pa man.
"Nag-aaral na pala siya.." sabi niya sa sarili, natatandaan niya si Isabel dahil ito ay madalas magpunta noon pa sa mansyon nila at tulad ng dalawang kapatid ay kinagigiliwan din ito ng kanilang ina. Sino ba naman ang hindi? Eh napakaganda nitong dalaga at masunurin pa. Alam din niyang madami ditong nang-liligaw pero wala naman itong pinapansin sa mga 'yon. Para tuloy siyang na-excite na bwisitin ito katulad dati. At bukas uumpisahan niya 'yon.
This story is completed and pay to read on patreon and vip group.
BINABASA MO ANG
Dalaga na si Sabel (R-18 story)
RomanceIsabel Alcantara and Fabio Bermudez Story🖤 Completed now on patreon apps and VIP group.