CHAPTER TWO

50 0 0
                                    

NAPAILING na lamang si Emily nang kantiyawan siya ng mga kasama sa shooting range. Parang hindi matataas ang posisyon ng mga ito sa isa sa matatag na kompanya sa Pilipinas, ang Chemicals Incorporated, o kilala sa acronym na CI. Kompanya iyon ng mga gamot at kilala ang mga produkto ng CI dahil bukod sa mura ay talagang epektibo. Iyon ang negosyong itinatag nina Dwight, Belle at Blue – isa pa sa kaibigan ng dalawa na nakilala niya nang isama siya ng mga ito patungong Maynila pitong taon na ang nakakaraan. Ang huli ang siyang tumatayong utak ng grupo at ngayon ay senior chemist sa CI.

            "Wow, Emily! Grabe, ang galing mong umasinta, ah. Bull's-eye lahat!" namamanghang sabi ni Marcus. He was one of the general managers in CI. "Want to date me?" biro pa nito.

            Napangiti na lamang siya nang maghalakhakan ang iba pa nilang kasama roon. Nang tanggapin niya ang alok ni Belle na sumama sa mga ito ay saka niya natuklasan na apo si Dwight ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Habang si Belle naman ay anak ng kilalang heneral na tumutuligsa sa mga druglord o malalaking grupo ng sindikato. Kaya naman pala wala itong kinatatakutan.

Nagkataon lamang na nagbabakasyon ito at si Dwight noon sa probinsiya nila nang makatagpo siya. Dala ng kuryosidad sa sinapit niya ay inalam ng mga ito ang trabaho ni Rocco. At sa loob lamang ng maikling panahon – noong dalawang araw siyang walang malay – at sa tulong na rin ng koneksiyon ng ama ni Belle ay mabilis na nahuli si Rocco.

            Sa pitong taon na kasama niya ang mga ito ay wala siyang pinagsisihan sa naging pasya niya. Naging matapang siya; minsan nga ay napapagalitan pa siya ng mga ito dahil sumosobra raw ang tapang niya na para bang gusto na niyang mamatay. She's in-charged when it comes to CI's security, specifically the owners of the company. Pero bago niya nakuha ang posisyong 'yon ay napakahirap ng pinagdaanan niya, pinaturuan siya ng mga ito ng iba't ibang martial arts at kung paano humawak ng kahit na anong baril. Hindi siya kailanman nagreklamo sa mga pasa at sakit na dulot ng practice at pakikipag-sparring niya. It made her think that she gained more power for every bruise.

Linggo noon at nasa bahay lamang sina Dwight at Belle, nag-uusap tungkol sa lumalagong negosyo. Pinilit siya ng mga ito na lumabas muna kasama sina Marcus. Apat silang magkakasama ngayon sa practice range pero siya lamang ang babae sa grupo.

Si Dwight ang nagpondo sa negosyo ng mga ito at the age of twenty-two pero si Belle ang lumalabas na presidente ng kompanya. Alam ng lahat na ang mga utos at desisyon ay madalas na nagmumula sa dalaga at walang reklamo do'n ang binata. No one dared to question Belle's decision not because they were afraid of her but because they trust and respect her completely.

"No thanks, Marcus. I'm happy to stay with Belle's side forever. I owed it to her," seryosong sabi niya sa kaibigan.

"Alam naman naming lahat kung gaano mo siya kagustong protektahan. Pero, Ems, hindi ka na bumabata, you're already thirty years old! Mas masarap na matulog sa gabi na may kayakap na asawa kaysa sa mga baril mo, ang lamig kaya no'n!" natatawa pang sabi ni Dino. Kasamahan niya ito sa security team.

Asawa. Tumawa siya ng pagak nang maalala ang bahagi ng buhay niya kung saan masasabi niya na ang pag-aasawa ang isa sa mga desisyong pinagsisisihan niya. Ilang araw pagkatapos niyang sumama kina Belle ay nabalitaan na lamang nila na namatay si Rocco sa engkwentro habang nagtatangkang tumakas. She became numb and didn't feel anything about the news. Iyon ang araw na tuluyan siyang lumaya mula sa asawa.

"Ang yabang ninyong magsalita about marriage and yet all of you are still single. At least, ako na-experience nang ikasal kahit hindi maganda ang naging resulta, eh, kayo?" nakataas ang kilay na sabi niya sa mga ito.

Masasabi niyang naghilom na ang mga sugat sa puso niya pero pinangako niya sa sariling hindi na muli pang magmamahal. Marami ang nanliligaw sa kanya pero kapag nalaman na ng mga ito kung ano ang trabaho niya ay hindi magawang itago ang pagkadismaya. Dismayado ang mga ito dahil siguro hindi siya iyong tipo ng babae na magagawang pasunurin ng kahit na sinong lalaki dahil sa tigas ng kanyang ulo. She now loved being free and no man can make her changed her mind kahit pa ang mga lalaking nasa harapan niya ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER SCARRED HEART (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon