CMAP 1:

2.3K 56 12
                                    

KURT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KURT

"Get off me, Ara," I hissed sabay ng pagtanggal ko sa pagkakaakbay niya sa akin.

I looked at her with dismay on my eyes. Lumayo naman siya sa akin nang kaunti habang ang mata ay halatang hindi natutuwa sa reaksiyong nakuha niya mula sa akin. I scanned her totality. She is wearing a fitted dress that makes her curves noticeable like a supermodel. She's not that tall. Long-legged lang talaga. Siguro ay nasa 5'8 lang. Pulang-pula ang mga labi at tinatamad na binuksan ang kaniyang maliit na bag. Kinuha niya mula roon ang kaniyang cellphone at saka mabilis na tumipa.

"Mom, he doesn't want to come with me." She started talking suddenly. "Ewan ko ba rito sa boyfriend ko. Alam naman niyang birthday ko na next week, eh. Ayaw niya pa ring pumayag na sumama sa akin. I know he's shy and a very busy person but please, h'wag mo na siyang pilitin, okay?"

Napailing ako, muli pang tiningnan nang dismayado si Ara.

"All your cousins will be there. Hindi ka ba magsisisi na wala kang maihaharap sa kanilang boyfriend?" dinig kong boses ng tinawag niyang Mom. "I mean, you're twenty-five. Dapat lang na mag-asawa ka na at bigyan mo na ako ng apo. Aba, eh, para kanino mo ba binuburo ang pechay mo, ha? It's 2022, Ara. Have some fun. Do some trial and errors. H'wag na h'wag kang magpapakasal sa lalaking hindi mo pa nasusubukan sa kama or else, your life won't have fun at all."

"Mom, are you really my mom?"

"Eh, saan ka naman magmamana ng kagandahan at blessed na katawan? Eh 'di siyempre, sa akin, anak. Come on. Pilitin mo na kasi ang boyfriend mong pumunta rito. Kung kailangan, pikutin mo. Aria is pregnant. Naunahan ka pa ng bunso mo. Hala ka, kapag nagtagal pa 'yan, hindi ka na magkakaasawa."

Pinanood kong ngumuso si Ara habang kausap pa rin ang tinatawag niyang Mom. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit habang ginagawa niya iyon ay hindi ko pa nakuhang umalis nang mabilis.

"My mom wants another grandchild," she said nang ibaba ang kaniyang cellphone at muling inilagay iyon sa kaniyang maliit na bag na halatang mamahalin. "Available ka bang maging ama, Kurt Valenzuela?"

I cursed inside my head. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng ito. She has been chasing me for a month now simula nang makasama at makilala ko siya sa isang beach resort nang dahil sa isang business event ng kaibigan kong si Josh. Hindi ko na nga alam kung paano nagsimula at kung paano niya nahanap ang contact ko. Basta ang alam ko na lang, halos lahat yata ng pupuntahan ko ay susulpot siya.

"Don't play with me, Ara. May mahalaga akong pupuntahan. I can't miss it again because of you. Mahalaga ang kakausapin ko ngayong araw."

"I'll be waiting here, then," prente niyang sambit.

Napailing ako nang mag-umpisa itong maglakad. Pinanood ko siya at sa huli ay naupo siya sa sofa sa lobby. Kumaway pa nang marahan na animo ay nang-iinis.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon