CMAP 3:

1.3K 41 0
                                    

KURT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KURT

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakikita ko o maiinis. Nasa harapan na kami ngayon ng cake shop at tapos na rin kaming kumain ni Ara ngunit itong si Gian ay mukhang hindi nakakabasa ng sitwasyon. Prente akong nakatingin sa kanila nang magyakap sila dahil paalis na si Gian. May lakad daw ito.

"See you soon, Ara," he said. Tinapik-tapik pa ang likuran nito.

Gladly, he's quick to pick up warnings. He did not massage her back like the way he did the first time I saw it. Dapat lang.

"Siyempre naman, d'yan ka lang pala sa kabilang building, eh." Si Ara at saka itinuro ang building na katapat namin. "Dito lang naman ako, eh. Malapit lang. Kapag may free time ka, d'yan ka pumunta. Building 'yan nina Kurt, eh. Madalas siya d'yan kaya madalas din ako rito. Wala namang problema kung gusto mo ng kausap para mag-unwind."

"Sus, nakakahiya naman. Kukunin ko pa ba ang alone time n'yo ni Kurt? That's not good. Anyway, una na talaga ako." Tumingin pa ito sa kaniyang wristwatch. "Nagmamadali kasi ako, eh. Siningit ko lang ang pagkain kasi hindi ako nakapag-umagahan. Bye, pare. Nice meeting you!"

Hindi ko na siya sinagot. Hinayaan ko na lang siyang umalis nang nagmamadali habang kinakawayan ni Ara. Matapos iyon ay tumingin siya sa akin. Sinisipat ang mukha ko na ngingiti-ngiti pa. Para bang may iba na namang ibig sabihin at ikinatutuwa niya iyon.

"Boyfriend na kita?"

"No," mabilis kong sambit. "Who told you I am your boyfriend?"

"Ikaw." She giggled. "Alam ko 'yang mga galawang ganiyan, Kurt, eh. I wasn't born yesterday. You were mad seeing me getting too close with other men, especially in front of you. Nagseselos ka at ang gusto mo ay sa 'yo lang ako. Ganern!"

She bit her lower lip as to stop herself from giggling, while I gave her the confused look. Sa tantiya ko, kung makikita ko ang repleksiyon ko ngayon ay halatang magkadugtong na ang makakapal kong kilay habang nakatingin kay Ara. Para siyang baliw. She's playing with me and my system right now. Siya lang ang may kakayahang magyabang at magsalita nang harap-harapan sa akin na hindi ako makakatangging mali at hindi rin naman tama. I'm confused.

Is she a witch or something?

"I was madly concerned you're letting yourself be massaged like that in public by a stranger." I hissed at her.

"Massage lang naman. At saka, hindi naman stranger si Gian sa akin. He was my first love at more than massage naman na ang nagawa namin alone. Kahit nga sa public, minsan ay ginagawa namin ang—"

"You're insane."

"Aba, bakit? Ikaw ba hindi mo pa nagawa? Kurt, sa isang buwang pagmamatyag ko sa 'yo, I saw how wild you were. Nakailang babae ka ba ngayong buwan? Isang naiuwi sa bahay, dalawa sa hotel, at anim na naka-make out in bars. Kianna told me last night na nahuli ka raw niya noong isang linggo yata or was that last, last night? Basta recently daw sa master's bedroom. No worries naman kasi kaka-text niya lang sa akin that you used rubber—"

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon