Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KURT
Pagkalabas namin ng ospital ay agad kong ibinaba si Ara sa pagkakakarga ko. Inis na dumiretso sa loob ng kotse at iyon din ang agad na ginawa niya. I let out a deep sigh as silence took over. I don't know what to say all of a sudden. Ang pakiramdam na gusto ko siyang sigawan dahil sa kabang ibinigay niya, sa doubt dahil akala ko ay mabaho lang ang hininga ko nang halikan ko siya kahit aware naman ako na I put my hygiene on top of all, and even the embarrassment I just had upon screaming at the nurse. Lahat iyon nagsasama-sama at unti-unting nagsi-sink in na naman.
"Kurt . . ."
"Don't talk to me," agad na putol ko sa balak niyang pagsasalita na naman. "Please, h'wag na. Pagod na ako."
She stopped. Tiningnan lang ako sandali and put her attention outside the car. Hindi makapaniwalang nag-umpisa naman na akong magmaneho. Naghihimutok ako sa loob-loob ko dahil nagsayang lang ako ng enerhiya at oras para isugod siya rito, gayong hindi naman pala siya mamamatay. Three minutes of driving back ay napansin ko ang pink na kotse ni Kianna. Medyo malapit na ito sa amin kaya naman ibinaba ko ang bintana ng kotse, bumusina nang tatlong beses, and gladly, Kianna's mind is still intact. Gumagana pa iyon at agad kaming napansin. They pulled over near where we stopped and I almost cussed nang pati si Mommy pala ay kasama nito sa kotse.
"What happened?" sabay nilang tanong. Dali-daling tiningnan si Ara nang buong pag-aalala.
"Is she okay? Ara, hija, are you good? Namumutla ka raw at nahimatay, sabi ni Kianna." Si Mom na sumugod pa sa amin pagkababa ng kotse. "Tell me if you're fine or sick still!"
Tiningnan ko ang reaksiyon ni Ara habang kinakausap siya ni Mommy at sa tantiya ko ay kinakain siya ng halo-halong emosyon sa ngayon. She's maybe embarrassed na napasugod pa kami sa hospital nang dahil sa allergic reaction niyang agad din naman palang nawawala na parang bula. But considering it is Ara, embarrassment doesn't seem to be in her vocabulary. Kahit hampasin pa siya ng pinakamakapal na diksyunaryo, hindi niya iyon mahahanap.
"Ara, what is it? Okay ka na ba? Kurt, bakit pabalik na agad kayo?"
"She just had an allergic reaction, Mom. Nothing to worry about," I calmly said yet my tone seemed annoyed. "H'wag na kayong mag-alala. Don't make this a big deal. Sumama ka pa talaga kay Kianna. Heto namang si Kianna, ang sabi ko lang i-inform ka na nagpunta kaming hospital, ang ginawa, eh, sumunod kasama ka. I don't know what's happening with you people."
"Hoy, hindi kami concerned sa 'yo," Mom hissed back at me. "Ara, are you sure you're good? Malapit pa tayo sa hospital. We can turn again and get you medication sa allergy mo. Teka, what allergy nga pala?"
"Sa kalderetang iniluto mo, Mom. She's allergic to peanuts."
"What? Sorry naman kung gano'n, Ara. Hindi ko pala nasabi sa 'yo."
"Why are you suddenly apologizing, when it's her fault she doesn't even know what she's eating, Mom?" Nagdurugtong na naman siguro ang kilay ko dahil sa pagkakayukos ng aking noo. "It's not your fault she's dumb."