CMAP 19:

889 26 0
                                    

KURT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KURT

"Kianna, do I look good?" I heard Ara asking.

Nasa sala na kami ngayon. Handa na rin kaming lumabas dahil as promised, magsasaya kami ni Ara. We will drink in bars. She's all dolled up. Pinahiram siya ni Kianna ng damit at dahil parehas lang naman sila halos ng katawan ay kasyang-kasya iyon kay Ara. It's just a fitted red strapped dress na tinernohan niya ng itim na sapatos.

"You look gorgeous, Ate Ara. Kaya lang, napakapangit ng kasama mo." Kianna shook her head and gave me a disappointed look. "Nakakahiya kung kasama mo ang maid mo na uminom."

"Don't start now, Kianna."

"Eh, bakit ba? Hindi naman talaga ako napopogian sa 'yo? Ha? At saka, bakit ayaw ninyo akong isama, eh, 18 naman na ako? Malapit na rin akong mag-nineteen at saka kapag kasama kayo ay hindi na ako haharangin ng guard. Take note, mas mapapalagay ang loob mo na walang mangyayari sa akin dahil kasama ko kayong dalawa."

"May pasok ka bukas, hindi ba? Um-absent ka na nga ngayon, eh. Matulog ka na pagdating ni Mom, ha? Kaka-update niya lang sa akin kanina at ang sabi niya ay on the way na raw siya."

Ngumuso si Kianna nang dahil sa sinabi ko. Si Ara naman ay abala pa rin sa pag-aayos niya sa kaniyang sarili. Maya-maya pa ay lumapit sa kaniya si Kianna at kinuha ang cellphone nito.

"Here. Let me take a picture of you, Ate Ara. Sobrang ganda mo talaga. Sobra." Hindi maputol ang pagkomplimento niya ngayon kay Ara, habang si Ara ay hindi mapawi ang ngiti sa mga naririnig niya. "Isa pa. Sige, d'yan ka lang. One, two, three, aura!"

I watched their little photoshoot for more than a minute bago ako yayain ni Kianna na lumapit sa kanila.

"Dito ka naman, Kuya, para may picture na rin kayo ni Ate Ara," she hissed. "At saka, para may before going into the club and after a few drinks shots kayo para mamaya. H'wag ka nang maarte d'yan."

They are giving me the looks, so I really do not have the chance to talk. Si Kianna na mismo ang pumunta sa akin at hinila ako tungo sa kinaroroonan ni Ara. Ipinuwesto niya ako katabi nito.

"Smile!"

I just stood there while Kianna is taking the shot. Nang ipinakita niya ang picture kay Ara ay agad na ngumuso ito.

"Heto, akala mo'y allergic sa picture. Sayang naman ang kaguwapuhan mo kung wala kang memories niyan," she hissed. Muling bumalik sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "Since you're giving us the serious face, let's do the serious posing. Turuan kita, ha?"

I do not know what they are telling me and what they are doing the entire time, but I just did what they told me to. Kaunting mga galaw lang naman ang ipinagawa nila. Ang ilan pa ngang pictures ay hindi kasama ang mukha namin ni Ara. Kianna took pictures of our hands, the shoes, and even Ara's neck. Nagsagawa pa talaga ng photoshoot dito sa bahay.

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon