CMAP 39:

715 19 0
                                    

KURT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KURT

Nahiga na rin ako sa tabi ni Ara pero hindi na dinalaw pa ng antok. Sa sobrang kaba ko siguro iyon at hiya kaya naman hindi na bumalik ang antok ko pero itong si Ara ay mukhang kayang-kaya pa ring matulog.

"Love, why did your Papa call you bunso?"

Nagmulat si Ara. Ngumiti sandali bago sagutin ang tanong ko.

"Nakita mo si Ariosh? 'Yung nagtanong kung sino ka? Iyon ang bunso ko pero may mas bunso pa sa akin, 'yung buntis na si Aria. Bunso pa rin ang tawag sa akin hanggang ngayon kasi matagal akong nabunsuhan noon. So, nasanay sila na ako ang tinatawag na bunso kaya hindi na pinalitan 'yung tawag sa akin. Gets mo na?"

"Aria is the youngest pero ikaw ang tinatawag na bunso."

"Yes. She is turning seventeen."

"What?" I almost screamed.

"I know, I know." Tumatango-tango si Ara. "Don't judge her. She'll be a young mom. Also, hindi ko naman niro-romanticize ang teenage pregnancy, but we know she can survive at wala na rin kaming magagawa. Ano'ng akala mo sa amin, pababayaan namin kapatid namin? Her husband-to-be is from a close family. Barkada ni Papa 'yung parents kaya madalas dito. Best friend ni Aria 'yon kaya alam namin na okay na okay. Besides, Ara is a vlogger. Hindi mo alam? They are both earning at a young age."

"Vlog? YouTube?"

"Yes. Aria has 9.8M subscribers as of now and Jake have 10M subscribers as of now. Kaka-ten million niya lang last day and he is just seventeen turning eighteen sa July."

"What? That's crazy."

"I know."

Pumikit na ulit siya. Ako naman ay hindi mapakali at bumangon. Pinalo ko rin siya sa puwet niya kaya napamulat siya.

"I need tips," seryoso kong sambit. "I need information about all the members of your family."

"Baliw. Aabutin tayo ng maghapon kapag sinabi ko sa 'yo ang buong family tree namin."

"No, it's not that. Bangon ka dali." I helped her get up kahit labag sa loob niya. "From your Papa to your youngest na lang."

"Oh, ano namang information? NBI ka ba?" Tinatamad niya akong sinagot. Umayos na rin sa pagkakaupo.

"Just the pointers bago mo ako ipakilala sa kanila."

She looked at me still on the lazy face. Mukhang inaantok pa talaga pero pinipilit ko siyang magsalita.

"Oh, sige. Nawala na antok ko, buwisit ka. Si Papa, Ramil ang pangalan no'n. Tawag sa kaniya rito, Boss. Tame sa family and Tamundong ang tawag sa kaniya ni Mama. House husband siya. Si Mama, Dahlia ang pangalan no'n, okay? Dayang ang tawag sa kaniya kapag family, 'tapos ang tawag sa kaniya ni Papa, Butot."

"Butot? What's that?"

"Those little shrimps sa ilog. Basta 'yon. H'wag ka nang matanong. Si Kuya, 'yung panganay naming, matagal ko nang isinumpa 'yon. Archie ang pangalan. Nasa Caloocan, kasama ang anak nila ng asawa niya. I don't know what happened with him dahil ayaw kong makasagap ng balita abouta sa kaniya. Don't ask me why for now. Si Ate Aryen, 'yung pangalawa, teacher. May asawa na rin at isa lang ang anak. Nasa Manila sila. Hindi makauwi. Ang asawa niya ay isang manager ng bangko. 'Tapos ako na middle child, Ara. Okay? Walang asawa, walang jowa, ganda lang talaga."

Chase Me, Ara Portia (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon