ONE LAST MINUTE (BOOK2): PLEASE REMEMBER ME
CHAPTER 11
Jacob's POV
agad kong dinala si Eunice sa pinaka malapit na Hospital sa ngaun nasa emergency room kami at ginagamot si Eunice tarantang taranta ako nun napansin ng nurse ang pagkataranta ko kaya pinalabas ako, ano gagawin ko? bakit ba kasi nangyari to? baka masira ang lahat. hindi! hindi! HINDI YUN PWEDE MANGYARI! DI NILA DAPAT MALAMAN NA SI EUNICE AY SI NIA! DI SYA PWEDE MAWALA SAAKIN AKIN LANG SI EUNICE AKIN LANG SYA! makalipas ang ilang oras lumabas ang doctor na gumagamot kay Eunice
"ligtas na ang pasyente pero wala pa rin syang malay nabagok ang ulo nya at eto ang cause kung bakit wala pa rin syang malay, excuse me" pumasok ako sa kwarto at nakita si Eunice may nag aalaga sa kanya na nurse
"kayo po ba ang pamilya ng pasyente?"
"ako nga"
"sumama po kayo saakin may pipirmahan po kayo kailangan pong e admit ang pasyente upang ma obserbahan ng mga doctor" sumama nga ako sa nurse at pina ayos ang pag pa admit kay Eunice ng balikan ko sa emergency room si Eunice nakita ko si Andre na kausap si Eunice na may malay na.
"what is the meaning of this?"