Ms. Kpopper

192 8 0
                                    

Ms. Kpopper

Chapter 1

Jhanra Joy Kim's POV

Naglalakad kami ng best friend kong gay na na si Ren dito sa mall namin. Nag hahanap kami ng Korean restaurant, we're both kpopper kaya naman parehas kami ng trip sa life. In first impression hindi mo mahahalata na bakla s'ya kasi lalaking lalaki s'ya manamit at mag salita at higit sa lahat super pogi n'ya. S'ya ang pinaka poging bakla na kilala ko.

Minsan napag kakamalan kaming mag jowa, ang sweet kasi namin eh. Tulad ngayon, mag ka-holding hands kami.

Bigla nalang tumugtog yung super familiar song kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ren "Ouch naman Jhanara!" Sabi ng best friend kong 40% lalaki 60% babae.

"Hold the fuck up everyone! That's my husband's song!" Tumugtog kasi yung Growl ng EXO kaya hindi ko mapigilan yung sarili kong sabayan yung kanta. Andun kasi yung isa sa mga asawa ko si Sehun my loves! Sumayaw ako na parang nasa bar lang, hindi ko kasi kaya yung steps ng Growl kaya kung ano-ano nalang sinasayaw ko.

"Jhanara pinahiya mo na naman yung sarili mo" bulong ni Ren, tumingin ako sa paligid at tama nga s'ya pinahiya ko na naman  yung sarili ko. Halos lahat kasi tao nakatingin sakin na parang sinasabi nilang adik ako.

"So what?" Taas noo ko pang sabi kaso bigla nalang n'ya ko hinila at dinala sa may parking lot ng mall "Ano bang problema mo Ren?"

"Jhanara naman kasi! Hindi kaba nahihiya?" Irtadong sabi n'ya.

"Hindi" I replied.

"Fine bumalik ka dun at sayawin mo yung Growl ng EXO. Malay mo naman may abnormal na mag video sayo at i-upload sa YouTube, baka makilala ka pa ng Sehun mo." Sabi n'ya in a sarcastic tone. Yun nga yung plano ko kaso hinila ako ni Ren.

"Tinatamad na ko! Sa susunod nalang" 

Tumingin s'ya sa wrist watch n'ya "Jhanara I have to go na, manlalalaki pa ko"

"Okay bye Ren" nag beso kami at sumakay na s'ya sa kotse n'ya.

Tinext ko yung driver ko para sunduin na ko dito sa mall, maya-maya lang dumating na s'ya at binuksan n'ya yung door ng car para makapasok ako. "Uuwi na po ba tayo ma'am?"

Naisip kong maaga pa, tinatamad akong makita si kuya sa bahay. "No, punta tayo sa park manong."

Nag simula na s'yang mag drive papuntang park at ilang minuto lang nakarating na kami.

Binuksan ni manong yung door ng kotse. "Manong, I'll text you nalang kapag susunduin mo na ko."

"Okay po ma'am" bumalik na s'ya sa loob ng car at nag drive na paalis.

Umupo ako sa ilalim ng puno at pumikit. I want to feel the air that touches my face.

"Next!" Nasira yung moment ko dahil sa sigaw ng isang bwisit na nilalang, tumayo ako at pumunta sa kinatatayuan n'ya.

Ang daming naka pilang babae "excuse me?" Sabi ko dun sa matandang lalaki na sumigaw ng next at tumingin naman agad s'ya sakin. "Ano meron dito?" Turo ko dun sa mga babaeng nakapila.

"Audition miss, if you want na ma-" pinutol ko na yung sinasabi n'ya, bad breath kasi s'ya eh.

"Omo! Audition sa pagiging artista? Baka 'pag naka pasa ko lumaki yung chance ko maging kpop" tuwang-tuwa kong sabi with matching pag talon at pag hawak pa sa kanya.

"Kung 'yon ang pag kakaintindi mo pumila kana."

Tumingin ako sa pila, ang konti nalang, ang bilis naman ata mabawasan. Tatlo nalang yung naka pila hanggang sa naubos na. Ang bilis naman ata nila sa loob ng tent. Malaking tent yung gamit kaya kasya kahit maraming tao.

"Next!" Sigaw ng lalaki sa loob.

"Aki sorry naubos na" sabi naman nung lalaki na katabi ko dun sa lalaki sa loob ng tent.

"I want to audition" sabi ko dun sa lalaking katabi ko.

"Fine if you want just go inside the tent" sabi n'ya.

Pumasok ako sa loob, gusto ko talaga mag artista. I think chance ko na 'to para mas lumaki yung pag-asa kong makilala ng mga bias ko.

"Good looking and sexy" sabi ng poging lalaki, s'ya siguro yung nag papa-audition "Do you know how to kiss?" Baka leading lady yung role ko.

"Yes I know" marunong naman talaga ko eh. Hihihi

"Prove it. Kiss me" siguro s'ya yung makaka partner ko. Para sa pagiging artista kakayanin ko 'to! Pogi naman s'ya eh.

Lumapit ako sa kanya and I put my arms to his nape. Then the next thing I did, I kissed him. Siguro mga 10 seconds yung tinagal ng kiss namin at bumitaw na agad ako.

"Pasado kana" sabi n'ya at inakbayan ako.

Tinanggal ko yung kamay n'ya sa shoulder ko. "Reall? Artista na ko?" Masayang sabi ko sa kanya.

"Artista?" Tinignan n'ya ko na para bang sinasabi n'yang 'stupid ka'.

"Why? Is there something wrong?"

"Did you think that this audition is for artista search?"

"Yes, why?" I replied.

"I made this audition because I'm searching for my new syota, my syota for this week, and your hire."

"WHAT! A-YO-KO! Bakit ka nag pahalik sakin?"

"Simply because I want a good kisser syota."

"What the fuck are you saying?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Pabebe kapa, 75 lahat ng humalik sakin pero ikaw yung napili ko."

Kadiri naman, halo-halo na yung mga laway ng babae sa kanya tapos hinalikan ko pa. "I don't want to be your girlfriend! Ang landi mo!" Iniwan ko s'ya sa loob ng tent pero bago pa ko tuluyang umalis tumingin ako sa kanya at naka tingin lang din s'ya sakin.

"Correction, syota! Not girlfriend. Mag kaiba yun!" Ang daming alam nung kumag na yun sipain ko kaya s'ya eh!

"Watevs ang landi mo pa rin." I hate malandi! Lalo na kapag lalaki.

Ang dami na talagang malalandi sa panahon ngayon! Ang harot n'ya nakakainis! Kulay orange na rin yung paligid, it means sunset na. Pero ayoko pa rin umuwi, I just want to go somewhere na alam kong mare-relax ako.

BTW bago pa mag init ng sobra ang ulo ko, mag i-introduce muna ako. I'm Jhanara Joy Kim 16 years old, half-filipino half-korean. Maraming asawa at maraming boyfriend, pero hindi ako malandi ah. Ako'y 30% maganda at 70% dyosa na nag aaral sa Nagasaki high.

Pangarap kong maging kpop hindi para yumaman o sumikat kundi para makilala ako ng mga bias ko.

Hindi ko na kailangan ng fame because I'm already famous, model kasi ako eh. Hindi ko na lalo kailangan ng money because marami kami n'yan, pautangin ko pa kayo.

May allergy pala ako sa panget at muse din ako ng school namin. Takot ako sa math, science saka sa multo.

Mukhang nasabi ko na ata lahat about sa dyosa kong pag katao. Wait, may secret pala ko, lahat kasi ng lalaki sa school alam nila bitter at man hater ako na totoo naman talaga. Pero may crush ako si Hitoshi Shimuza Nagasaki, anak ng may ari ng school namin.

Yung lalaking hinalikan ko kanina familiar s'ya sakin but I don't want to talk about him! Super landi kaya n'ya!

Now, I want to go somewhere that I can forget what happened.

____

Chapter 1 palang may kissing scene na, continue reading lang guys.

Mr. Otaku meets Ms. KpopperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon