Chapter Six: I'm sorry Dave

110 1 0
                                    

Hello. :)

Chapter6 here. pasensya na po kung maikli.. ^___^

--------------

Pumunta ako sa rooftop since malapit na mag-5pm. Nakita ko si Kyung Joon.

“Hi Sena.” nagSmile sya.

“bakit?” yun lang sinabi ko.

“dahil niligtas kita yesterday dun sa mga Chicks. Do me a favor?”

“ano?” nakatahimik lang ako.

“Lets date.” Sabi nya ng seryoso.

“What!!?” napanganga nanaman ako. Bakit ba pag sya ang kausap ko, lagi na lang ako napapaNganga?

“Nganga? Haha. Yup date lang naman. Wala ka namang boyfriend diba? Kahit one time lang?”

Gwapo sya pero ayoko pumayag! Hindi ko pa sya ganun kakilala. Wala naman akong boyfriend pero….

“I have a boyfriend.” Nagulat ako sa sinabi ko.

“ha? Oh, I see. Sige, pwede ba malaman kung sino sya?” tanong nya. Emotionless yung feshlak nya!

Wait? Sino ba sasabihin ko? Isip… Sena, isip! Ah.

“Si Nigell!”

“Ah. Sige. Uwi ka na, bye. Una na ko ha. Ingat ka” Bumaba na sya. Nakita ko sya na likod ng school dumaan palabas.

Patay! Hindi naman siguro magagalit si Nigell? Wait, si Dave nga pala? bumaba ako at pumunta sa room nila. Eksakto, mag-isa na lang sya, nakatingin sa bintana.

(a/n: si Dave po yung nasa multimedia.. :D ) ---------------->

“Dave.” Nahihiya kong bulong sabay pasok sa room nila. Lumingon sya.

“What are you doing here!?” galit nga sya.

“gusto ko lang magSorry about dun sa paghatid mo sakin pauwi.” Nakatingin lang sya sa bintana.

“Yun ba? Kahit naman magsorry ka wala naming mangyayari e. maibabalik pa ba ng sorry mo ang relationship namin ng GF ko?!” tumingin sya sakin. Kita sa mata nya ang galit at lungkot.

Humawak ako sa dibdib ko. Sumakit dahil may GF pala sya, galit sya sakin at mas lalong wala ng pag-asang magustuhan nya ko.

“Sorry talaga! Alam kong wala na kong magagawa dahil nangyari na pero sana tanggapin mo ung sorry ko. please!” lumuhod ako sa harapan nya at naramdaman kong tumutulo na yung luha ko.

bigla syang lumuhod sa harapan ko.

“anu ka ba! Nagagalit man ako sayo pero hindi kita kayang kamuhian.” Inangat ko yung ulo ko.

“bakit namaaa-an? Diba ako nga naging dahilan ng paghihiwalay nyo ng girlfriend mo?”

“Oo, pero ayaw ko nakakakita ng babaeng umiiyak lalo na’t ako ang dahilan. Nawawala ang galit ko. Tsaka wag ka ngang lumuhod, masyado mong binababa yung pride mo. Ang ganda mo pa naman.” Feeling ko namumula ako. Bigla syang tumayo.

“umuwi ka na. dumidilim na oh.” Lumabas na sya ng room.

After 30minutes, lumabas na rin ako ng room at naghihintay ng jeepney sa labas ng school. Ayaw ko kasi na nagpapasundo ng kotse. Malapit lang naman yung bahay namin dito sa school.

Nagulat ako ng may biglang tumabi sakin. Nakita ko si Dave. Ngayon pa lang din sya uuwi?

“bakit ngayon ka pa lang uuwi? Madilim na, alam mo bang delikado yon? Lalo na’t babae ka.” Sabi nya.

“ha? May inayos lang ako.”

Sumakay na kami ng jeep. Magkatabi kami. Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa sobrang kilig. ENEBE, sobrang nikikilig ako! xD

Napansin ko yung tatlong nakakahinalang lalaki. Binulong ko yun kay Dave.

“Dave, napapansin mo ba na may kakaiba sa tatlong lalaki na nakaitim?”

“napansin mo din? Wag mo silang tingnan, baka mahalata ka nila.”

After 5minutes..

“Hold up to!” sabi na nga ba eh. May kakaiba talaga. Naiinis na kinakabahan tuloy ako. Biglang may lumabas na salita sa bibig ko na kahit ako ay nagulat.

“Potek! Hindi po namin tinatanong Manong!” yun yung nasabi ko. Bigla kong tinakpan yung bibig ko.

“Pare, narinig mo yun? Mukhang sinusubukan tayo nitong chiks na to ha.” Sinabi ng isang Holdaper.

“ang ganda pare. Sino gusto mauna? haha” sabi nung pangalawang holdaper. Kinabahan na ko. Bakit kasi ang daldal ko eh. Mapapahamak tuloy ako.

Nanginginig na ko sa takot. Biglang hinawakan ni Dave yung kamay ko. Tinignan ko sya. Ngumiti lang sya.

“Mga pare! Wag naman ang babae ko! Marami naman jan iba..” sabi ni Dave.

“Wala kaming pakialam kung babae mo sya! Kahit buntis o panget pa sya! Panglaman tyan din yan. haha!” tumawa yung tatlong holdaper

“Eh gago pala kayo eh!” nagulat ako ng biglang kinuha ni Dave yung baril nung dalawang holdaper. Tinutukan nya sila ng baril. Pero mas nagulat ako ng tinutukan si Dave ng baril nung holdaper na katapat ko.

Nakita yun ni Dave pero hindi nya pinansin.

“Ibaba mo yang mga baril mo kung ayaw mong maligo sa dugo yang girlfriend mo! Haha” sabi nung isang manong na holdaper.

“Ikaw ang magbaba ng baril mo kung ayaw mong sumabog ang ulo ng dalawang to.” Sigaw nya.

Kalahating minuto nang walang gumagalaw sa loob ng jeep.

Biglang may kumalbit sakin sa gilid. Yung katabi kong bata may inabot saking fifteen inches na bakal.

“ate, nakuha ko po sa likod ng upuan namin ni mama.” Bulong nung bata. Tumingin ako sa kanya at sa Mama nya.

Nginitian ko lang sila. Kinuha ko yung bakal at nagReady na ihampas sa baril nung nasa tapat ko. At the count of three..

One,, Two,,, Three!

*Blag!*

Biglang bumagsak yung baril nung lalaki. Nagkatinginan kami at bigla kong kinuha yung baril sa lapag.

“Manong Holdaper. Pano ba yan? Mukhang goodbye Philippines, goodbye earth na tayo ha?” sabi ni Dave.

“huling habilin?” sabi ko at ngumisi.

Bigla nilang tinaas yung kamay nila. Bigla din dumating yung mga pulis.

-------

pasensya na po kung ang corny ng part na to. =.=

lalo na dun sa holdaper thingy. hehe. sensya na po tlaga.

btw,, thanks sa pagRead,, (kung meron man?? xD)

My Crazy Heart (Which one am I dating?) >O.n.G.o.i.n.g< (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon