Chapter Three: Si Crush =">

60 0 0
                                    

Yay. Chapter 3 na po..

Sana magustuhan nyo.. <3

------------------

^^^Chloe's P.O.V.^^^

 “yehey! Waiter! One bottle of tequila and Soju please!” sigaw ni Sena. Hindi naman kami malakas uminom dahil bata pa kami kaya konti-konti lang.

*inom-inom* ayan, lasing na sya. Umorder na naman sya ng isang soju at pulutan. Hindi ako naglalasing dahil kapag dalawa kaming nalasing, panigurado wala na ang virginity namin paggising namin bukas. Hay..

“alam mo Chloeee, crush ko si Nigell pero mahal ko si Dave..”

“alam ko naman yon.” Sabi ko..

“alam mo naman pala eh! Ba’t mo pa tinatanong?!” loka-loka talaga to. Hindi ko naman tinanong eh. Ba’t ba kasi ako nakikipag-usap sa lasing. -.-

Tumingin ako sa orasan, 9PM na. kaylangan na naming umuwi. Hindi ko naman sya kayang buhatin. Pahirap talaga tong babaeng to! Tatawagan ko na lang si Nigell… no, si Dave na lang pala. wahaha! Kahit walang pakialam yun, alam kong pupunta yun.

“[Hello?]” si Dave.

“Dave, nandito kami sa ***** bar, lasing na si Sena kaso hindi ko sya kayang buhatin. Sunduin mo naman sya dito. Iiwanan ko na sya, bye!”

“hoy, bak---“ hindi ko na sya pinatapos at binababa na yung phone. bwahaha! Lumabas na ko ng bar at hihintayin ko lang si Dave na pumunta dito bago ako umalis. Ayun na sya.

 (a/n: si  Sena Hong po yung nasa multimedia.) :D

----Dave’s P.O.V.----

Ano ba problema nong babaeng yon! Hindi ko naman close si Sena eh. Dun sya magpauwi sa Nigell nya! Tss. Wala naman akong magagawa kaya pumunta na rin ako. Babae yon eh, baka anong mangyari sa kanya. Pagpasok ko sa Bar, wala na nga si Chloe, anong klaseng bestfriend yon? Hay.. nilapitan ko si Sena.

“Sena??” niyugyog ko sya.

“Hmm?” lasing na nga to.

“san bahay mo, hatid na kita.” Biglang umangat yung ulo nya. Nanlaki yung mata nya nung Makita nya ko.

“Hoy, anong ginagawa mo dito?” sigaw nya sakin.

“Yung bestfriend mo tumawag sakin na iiwan ka na daw nya dito at ako na daw bahala maghatid sayo!” sigaw ko sa kanya. Naiinis kasi ako.

“ano?! Pano nya nagawa----“ tumba na sya. Chinubabu ko na lang sya. Paglabas namin ng bar biglang may nagFlash. Si Chloe, kinuhanan kami ng picture!

“Hoy Chloe! Ihatid mo tong kaibigan mo! Hoy!” pero umalis na sya. Tumakbo sya. Akala naman nya mahahabol ko sya gantong may buhat ako. Nag-iisip ba yon?

Nagtext sakin si Chloe. niSend nya yung map papuntang bahay nila Sena. Pahirap talaga oh.

*Ding-dong* *Ding-dong*

“Sino yan?” Mom yata yon ni Sena.

“ah, kaibigan po ako ni Sena.”

“oh? Ano nangyari sa anak ko?” mukhang alalang alala yung mom nya.

“ah, eh, si Chloe po kasi. Sabi nya hindi nya daw po kayang buhatin si Sena pauwi dahin nag-inom sila. Pinapunta nya po ako para ihatid si Sena dito sa bahay nyo.” Pagpapaliwanag ko.

 “ah ganun ba.. salamat. Tara pasok ka.”

“ay naku, hindi na po. Maggagabi na rin po kasi may pasok pa kami bukas.” Sabi ko.

“ganun ba? Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi.”

Nakauwi na ko sa bahay. Perwisyo talaga yang babaeng yan oh! Makatulog na nga.

---------

thanks for reading. ( kung meron man ) :D

Love Lots<3

My Crazy Heart (Which one am I dating?) &gt;O.n.G.o.i.n.g&lt; (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon