CHAPTER 1

7 4 1
                                    

"Ely gising na may pasok kapa!"

rinig kong sigaw ni mama agad akong tumayo, naginat-inat muna ako bago kumuha ng towel bago pumasok sa cr para maligo may klase ako ngayon pangalawang linggo kona ngayon ang pagpasok sa university

isang first year college palang ako and im taking the course of business management dahil yun ang gusto ng tita ko na nasa ibang bansa hindi naman tutol sila mama kaya wala akong nagawa dahil sumusuporta naman din siya sa pag-aaral ko saka undecided pa ako kaya ito nalang ang kinuha ko at okay naman hindi nakakapag regret

Natapos akong maligo ay sinuot kona ang nakahandang susuotin ko, ng matapos ako agad akong bumaba

"Good morning" bati ko kay mama na naghahanda ng almusal

"Good morning anak halikana dito mag breakfast kana" nilagyan ni mama ng kanin ang pinggan ko "Ako na ma kaya kona" hinayaan nalang ako ni mama dahil may iba pa naman siyang gagawin

"Mama oh si Alyssa inaagawan ako diba akin to??!!" inagaw ni Alex yung green na lunch box

"Ano ba naman kayo mga anak pareho lang naman yung laman niyan" rinig kong saway ni mama "Ikaw Alex ang tanda tanda mona nakikipag agawan kapa sa kapatid mo hindi maganda yun"

11 years old na si Alex habang 9 years old naman si Alyssa pareho silang nag-aaral sa malapit na paaralan ako lagi ang naghahatid sa kanila dahil madadaanan ko din naman ang paaralan nila papunta sa school ko

"Mahal late nako kailangan konang umalis yung kiss ko!!?" sigaw naman ni papa

"Haynako Eldefonso aalis kana nga lang lalandi kapa ito baon mo yan ang hingiin mo saken dahil baka mamaya manigas ka sa gutom!!" inis naman na sigaw ni mama "Eh mahal naman kahit hindi nako kumain basta e kiss moko mabubuhay ako hanggat gusto ko"

Proud na saad ni papa napailing nalang ako sa kalandian ni papa sanay nako sa mga ganiyan eksina tuwing umaga hinayaan ko nalang sila saka nagpatuloy kumain

Nang matapos akong kumain ay agad kung niligpit ang pinagkainan ko saka pumasok sa banyo para mag toothbrush

Pagkalabas ko naabutan ko si mama na hinahanda ang lunch box ko "Ito anak baon mo nasa sala na mga kapatid mo hinihintay ka" turo ni mama sa kapatid ko na nakabihis na ng maayos agad kung kinuha ang bag ko saka lumapit sa kanila

"Tara na baka ma late kayo" aya ko sa dalawa "Alis napo kami ma" paalam ko kay mama

"Oh siya sge na hatid ko kayo sa gate"

humarap ako kay mama "Oh Ely ikaw na bahala sa mga kapatid mo magiingat kayo" bilin samen ni mama tumango nalang ako saka humalik sa pisnge ni mama

Huminto muna kami saglit ng mga kapatid ko dahil natanggal ang sintas ni Alyssa

"Ate natanggal yung sintas ko" agad akong yumuko para ayosin ang sintas niya "Oh ayan na okay na"

*beep*beep*beep

napatingin ako sa kotseng huminto sa may likod namin

"Kuya Dwayne!!" sigaw ni Alyssa at tumakbo sa lalaking nagmamayari ng kotse na iyon saka saka nagpabuhat

"Hello Alyssa papunta na kayo sa school?? hatid kona kayo??" nakangiting saad ni Dwayne habang karga karga si Alyssa napunta naman ang tingin niya saken kaya nginitian ko naman ito

"Sigurado kaba??" paninigurado ko dito "Ano akala mo saken Ely di sigurado sa buhay?? syempre naman oo para namang first time ko magaya tara na"

Napahinga ako ng malalamin saka pumasok sa kotse nasa likod namin ang dalawa kung kapatid habang ako nasa tabi niya agad kung sinabit ang seatbelt saka niya ito pinamaneho

YOU BELONG WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now