Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

CHAPTER 5

136K 4.4K 509
                                    

CHAPTER FIVE

THE moment she lied about her age and job, Zakia knew she was already fucked up. Sa kagustuhang paluguran si Luke, nagawa niya pang gumawa ng kwentong barbero. Ano na ang gagawin niya sa oras na magtanong ito tungkol sa trabaho niya? O kaya'y hanapan siya ng katibayan tungkol sa edad niya?

After their lunch date or if it was a date, Zakia went back home. Si Paloma kaagad ang sumalubong sa kanya.

"Senyorita, kumusta ang date ninyo ni Sir Luke?"

Zakia tiredly sit on the sofa. "It was fine."

"Ah, ano, mauulit ba?"

Inirapan niya ang kasambahay. "Can you give me something to drink instead of being nosy, Paloma?"

Mabilis itong tumango at tumalima na. Paloma was always nosy. Ngunit kahit pa gano'n, hindi naman talaga nakakairita. Alam din naman kasi nito ang hangganan sa pagtatanong. Medyo nasasanay na siya lalo at matagal niya na rin naman itong kilala simula pa noong sa hacienda ito naninilbihan sa kanila.

Sa tuwing naiisip ni Zakia ang mga sinabi niya kay Luke, parang sumasakit ang ulo niya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan upang mapatunayan na may trabaho pa talaga siya. Para kung sakaling magtanong si Luke, may isasagot siya.

"Where's Zalanna, by the way?"

Inilapag ni Paloma ang orange juice sa lamesa bago siya sinagot. "Lumabas lang po, Senyorita. May bibilhin daw siya sa mall."

Mabuti pa ang kapatid niya, hindi namomroblema sa lalaki. Palibhasa, sobrang pihikan. Magtatangka pa lang mangligaw, basted na agad. Samantalang siya, kapag tipo niya ang nanliligaw sa kanya, sasagutin niya. Kung gaano niya kadaling sinagot, gano'n niya rin kabilis hiwalayan. Walang nagtatagal sa kanyang relasyon. Kaya naman mas pinili niya na lang ang fling. Sa tingin niya kasi ay mas okay 'yon.

Sa sumunod na imbitasyon sa kanya ni Luke, gumawa siya ng dahilan para hindi ito paunlakan. Zakia was not ready to face him especially when she thinks about her lies. Wala pa siyang nakukuhang trabaho at baka maging iyon pa ang topic nila kapag nakipagkita siya.

Umuwi na lang lahat-lahat si Luke sa kung saan ito nakatira nang hindi siya nagpakita. Ang tanging komunikasyon lang sa pagitan nila ay sa pamamagitan ng text messages or tawag paminsan-minsan.

It was one of their friend's birthday, Aron, and she really wanted to party. Kaya lang noong sinabuhan niya si Zalanna tungkol doon, kaagad itong umayaw.

She kinda knew why her sister doesn't like to party anymore. Ilang beses niya na rin itong inaya sa D' Club pero labis ang pagtanggi. Zalanna was not really open about her reason, but she knew there was. Nariyan si Paloma para pagkuhanan niya ng impormasyon na piniling ilihim sa kanya ng kapatid.

"The man in D' Club? What about him?"

"Basta, Senyorita. Hindi mo ba napansin na simula noong nagpunta kayo sa D' Club para sa welcome back party, hindi na umulit si Senyorita Zalanna na sumama sa inyo?"

Parang bubuyog si Paloma habang nagkukwento at sumasagot sa mga tanong niya.

"'Yon bang binigyan niya ng lap dance? That man?"

"Oo. Siguro." Medyo lito ang kausap. "'Yong guwapo at matipuno."

"So, my sister is avoiding parties because of that man? Hmm..."

"O baka abala lang talaga si Senyorita Zalanna dahil naghahanda sa pasukan sa unibersidad."

Hindi niya na pinakinggan si Paloma. Ang isip niya ay nilukob na ng mga ideya tungkol sa kapatid niya at sa lalaking binigyan nito ng lap dance noon. Hindi naman gano'n kadali maging apektado si Zalanna patungkol sa mga lalaki, pero mukhang kakaiba itong nangyayari sa kapatid. She seemed affected with that man.

Territorial Men 11: Luke FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon