Prologue

199 8 2
                                    

"That's all for today's class and see you next month, enjoy your semester break!" malawak ang ngiting pamamaalam ng aming propesor bago naglakad palabas ng silid.

"Zahra, join us! We're having a party at Jen's house later," Anne invited as she approached me. Ginawaran ko siya ng pilit na ngiti at marahang umiling.

"Hindi ako pwede kasi may part-time job pa ako at kailangan ko ring umuwi ng maaga dahil siguradong mapagagalitan ako ni Tita," pagdadahilan ko sa kaniya.

"Don't tell me na magtatrabaho ka lang buong bakasyon?" usal na tanong ni Jen.

Napaiwas ako ng tingin at kumilos nang ilagay sa loob ng bag ang mga gamit kong nasa lamesa. "Parang gano'n na nga," sagot ko at kaagad nang tumayo.

"Dapat lang, dahil kung hindi, mapapalayas ka sa bahay at mapipilitang tumigil sa pag-aaral kung wala kang pera." Nilingon ko si Amaris na lumapit sa aming pwesto habang nakakrus ang dalawang braso at nakataas pa ang kilay na tumitig sa 'kin. Ang gaspang talaga ng ugali niya kahit kailan.

Hindi ko na lang siya binigyang pansin. "Mauna na ako," paalam ko kina Jen at Anne bago naglakad paalis sa kanilang harapan.

Amaris is my cousin and we're both living under the same roof since I'm staying at their house. It's not for free, because I had to pay my Auntie for letting me stay with them. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanawin 'yon na utang na loob.

Pinili ko lang nama'ng manatili dahil dati ay hindi rin naman gano'n kalaki ang sinisingil ni Tita sa 'kin kumpara kung mangungupahan pa ako. Pero ngayon ay masyaso na nila akong inaabuso, kalakip  pa n'yon ay ang pagturing nila sa 'kin na isang katulong, That's why I'm planning to leave their house as soon as possible.

Nang tuluyan akong makalabas ng unibersidad ay dumaretso na ako sa coffee shop, one of my part-time jobs. At the age of twenty-one, I have to work harder every passing day to support myself because I have no one else to rely on.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas nang mamatay si Mama dahil sa breast cancer. She kept it from me for so long until it was too late, it got worse and we couldn't send her immediately to the hospital because of a lack of money for her treatment.

Nakalulungkot lang isipin dahil kung may pera lang sana kami noong mga panahon na 'yon, buhay pa sana si Mama hanggang ngayon. But that's the reality, if you're weak and poor then you have to struggle to survive.

"Good afternoon, manager!" masigla kong pagbati kay Ate Cecile na nasa counter, she's the one who runs the coffee shop.

"Mabuti't nandito ka na. I have to attend my niece's birthday party kaya ikaw na muna ang bahala rito," saad niya na mabilis kong tinanguan.

Pumasok ako ng stock room para ilagay ang gamit ko bago kaagad na nagpalit ng uniporme at lumabas. Nadatnan ko si Ate Cecile na nakahanda na at hinihintay ako sa tapat ng pinto.

"Wala naman tayong masyadong kustomer ngayon kaya maiwan na muna kita. Just close the shop before taking off, okay?" habilin niya pa sa mahinahong boses.

"Ako na ang bahala, manager. Don't worry about the shop and just enjoy the party!" I responded heartily to make her feel at ease.

"Kid's party 'yon kaya paano naman ako magsasaya," natatawang sambit nito kaya napakamot na lang ako ng batok.

"Siya sige, aalis na ako. Just call me if something happens," dagdag niya. Nakangiti akong tumango at kumaway bago siya tuluyang lumabas ng shop at mawala sa aking paningin.

Napabuntong-hininga pa ako bago kumilos nang magbantay sa counter. Mabuti na rin 'yong wala pang masyadong kustomer dahil magagawa ko pang makapagpahinga kahit saglit lang. Nang makaupo ay naisipan kong kuhanin ang remote control sa drawer at binuksan ang TV ng shop.

Babysitting The Mafia's Daughter (Boss Daddy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon