Chapter 3: Inescapable Dilemma

68 2 0
                                    

ZAHRA VICTORIA

It's already past midnight yet I'm still wide awake while staring at the ceiling, lying on the bed beside Stella.

I can't stop thinking about what just happened. It keeps messing up with my head. How did I end up here?

Bahagya akong humilig paharap kay Stella at pinagmasdan siya habang tahimik at mahimbing na natutulog. May kung anong tumutusok sa aking dibdib hanggang sa kusa na lang kumibo ang aking kamay at hinaplos ang kaniyang malambot na mukha.

Magaan ang bawat paghinga niya ngunit pagkaraan lang ng ilang sandali ay napansin kong unti-unting bumibigat ang kaniyang paghinga.

"Mommy... Daddy..." bulalas niya habang nangangapos ang hininga na para bang humahangos.

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa pagkabahala. She's having a nightmare.

"Stella... Stella, wake up!" natataranta ko pang impit na sigaw habang tinatapik ang kaniyang braso.

Pinagpapawisan ang kaniyang noo at tila nabalot ng karimlan ang kaniyang mukha dahil sa panghihilakbot. Kasabay no'n ay ang pagtulo ng namuong luha sa kaniyang mata.

Hindi ako mapakali. Nagising na lang sa ulirat ang diwa ko dahil sa labis na pangamba.

"Stella... Please, wake up!" natatakot na pakiusap ko rito habang patuloy siyang ginigising.

"M-Mommy..." Nangilid na lang ang luha sa aking mga mata nang mapagmasdan ko pa ang paghikbi nito na patuloy pa rin sa pag-ungol.

"Daddy!" humihingal pa niyang sigaw kasabay nang pagdilat ng kaniyang dalawang mata at tuluyang nagising sa masama nitong panaginip.

Napahagulhol na lamang siya nang mabilis ko siyang higitin at yakapin habang hinahagod ang kaniyang ulo at likod.

"It's okay, it's okay, Stella," pag-aalo ko sa kaniya na pilit pa siyang pinatatahan.

"I-I'm scared..." mahina at nangangatal na tinig nito saka napahigpit ang pagyapos sa'kin.

"It's okay... I'm here, no one is gonna hurt you," dagdag ko pa sa mahinhing tono ng boses.

Nadudurog ang puso ko sa kaniyang bawat paghikbi na may mapanglaw na tinig at kung paano niya ako yakapin na tila nanginginig sa takot.

Kung ano man ang bangungot na 'yon, siguradong may kinalaman 'yon sa kaniyang masamang nakaraan. I feel so sorry for her. She's just a child and she doesn't deserve to suffer like this.

"Go back to sleep, I'll be just right here. Hindi ako aalis sa tabi mo..." saad ko habang nakatitig sa namumugto niyang mga mata.

"Promise?" tanong niya pa na may nagsusumamong mukha.

I gently nodded my head. "I promise," tugon ko sa mahinang boses bago hinaplos ang kaniyang buhok. Kasabay no'n ay ang pagpikit ng kaniyang mga mata.

Matagal ko rin siyang binantayan at pinagmasdan hanggang sa lumipas ang ilang oras. Inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya pagkatapos ay marahang idinampi ang aking labi sa kaniyang noo.

Umalis ako sa kaniyang tabi at magaan ang bawat paghakbang na nagtungo sa pintuan ng kwarto niya. Dahan-dahan kong pinihit ang busol ng pinto at binuksan 'yon.

Sandali ko pang nilingon si Stella na ngayon ay natutulog na muli nang mahimbing. Napabuntong-hininga pa ako bago tuluyang lumabas ng silid.

Nang makalabas ay tahimik at maliwanag na pasilyo ang bumungad sa'kin. Naglakad ako papunta sa malaking hagdan pababa sa gitna ng hall. Masyadong malawak ang mansyon at hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Maliban sa kusina na nasa kaliwang bahagi ng bulwagan at mga silid sa ikalawang palapag ay hindi ko na alam kung saan matatagpuan ang ibang bahagi ng mansyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Babysitting The Mafia's Daughter (Boss Daddy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon