Soulless Chapter 66: Stained Soul

238 7 3
                                    

Soulless Chapter 66:
Stained Soul
~♛♛♛~

Ranks eyed me as i step out of that room.

Walang nakasunod sa akin ngunit ang bawat hakbang ko ay binabantayan nila. Alam kong wala silang tiwala sa akin, at tiyak na tumatakbo na sa isip nila na baliw ang aking ama upang magtiwala sa akin.

Pero wala silang magagawa, dahil ako parin ang anak ng pinuno nila.

Dumiretso ako sa parehong pinto kung saan ako pumasok kahapon. Pagbukas pa lamang ay ramdam ko na ang bigat ng problemang hinaharap nila. Naroon ang hari, nakatayo sa gitna nilang lahat, ang mga matataas na ranggo, si Athalia, at si Ren. Lahat sila ay nakapalibot sa malaking mesa at lahat rin ng mga mata nila ay matalim na nakatingin sa akin maliban kay Athalia.

Kahit pagod ay kitang kita ko sa mukha niya na masaya siyang narito ako.

"Pinuno, Sigurado na ba kayong dapat nating pagkatiwalaan ang prinsesa sa planong ito? Nasa panig parin ng mga konseho ang kaniyang ina!"

"Tama! Tingin ko ay makagugulo lamang kung isasama pa natin siya. Hindi rin malayo na traydurin niya tayo para lamang iligtas ang kaniyang ina."

Halos lahat sila ay sunod-sunod na nagsalita upang sabihin lamang ang posibilidad nang pag-tatraydor ko. Iba't-ibang dahilan ang naririnig ko, at wala ni isa sa mga iyon ang nagtangkang itago ang pagkadisgusto sa akin. Ngunit isang malakas na hampas lamang ng hari, ay tumahimik kaagad ang lahat.

"Siya ang kusang sumali sa planong ito, walang pumilit sa kaniya at walang pipilit. Kung gagawin niya ang mga sinasabi niyo ay isasama rin natin ang prinsesa sa mga tiga hariliang dapat burahin sa bayan natin." Diretso ang tingin sa akin ng hari, at alam kong sa mga oras na iyon hindi isang ama ang kaharap ko kung hindi isang pinuno na gagawin ang lahat, manalo lamang sa isang digmaan. "Maliwanag ba iyon Eloisa?"

Dahan-dahan akong tumango bilang tugon. Nagpatuloy sila sa pagpaplano habang ako ay nakikinig lamang. May malaking pagitan mula sa akin at sa kanila. At hindi ako maaaring lumapit dahil wala akong magiging papel sa digmaang iyon kung hindi ang manatili sa manor upang gamutin ang sinumang makakabalik sa bahay na ito.

Nanliliit ako habang tinitingnan at pinakikinggan silang lahat. Ganitong ganito ang palaging ginagawa ng reyna sa bawat lakad ng hari. Nakatayo sa malayo, habang nakikinig sa mga planong hindi naman siya kabilang. Ang kaibahan ko lamang ay masaya ang aking ina sa mga oras na iyon habang ako ay halos mamatay sa bawat salitang naririnig ko sa kanila.

Tila walang buhay na nakataya sa bawat planong ginagawa nila. Walang dugong dadanak at walang inosenteng pamilya ang mawawalan sa bawat pag-uusap nila.

Hindi ako isang anghel upang sabihin na hindi na bago sa akin ang pumaslang, parte iyon ng naging buhay ko bilang anak ng hari, ngunit ibang usapan ang harilia. Hindi na mga baliw na bampira na nawala sa pag-iisip ang haharapin nila. Kahit sinong haharang upang depensahan ang konseho, ay madadamay sa gulo.

At marami sa kanila ay gagawin lamang ang tungkuling protektahan ang Harilia sa oras na iyon. Tungkulin na mismong ang aking ama ang nagbigay.

Tahimik lamang akong nakinig, itinatanim sa isip ang bawat planong iyon at minamarkhan ang bawat lugar na itinuturo nila sa mapang nasa gitna nilang lahat. Malayo man sila ay nagagawa kong sumabay sa bawat planong iyon. Walang wala ang mapang iyon dahil buong buhay kong iniikot ang Harilia. Bawat sulok noon ay alam at kabisado ko. Kaya't walang parte ng plano nila ang hindi ko pinalampas.

"Gagawin natin ito sa gabi matapos lumitaw ang pulang buwan, sa oras kung kailan tiyak na magiging kampante silang lahat, matapos ang kasiyahan. Mananatili tayo sa bahay na ito upang paghandaan ang gabing iyon. Bibigyan natin sila ng sorpresang hindi nila maaring kalimutan."

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon