Unwicked guy #1

8K 106 0
                                    

Natalie's POV

This was my first day of school here in this university,Isa lang akong transferee dito sa school na ito,kaya naisipan kong magikot-ikot na lang muna dito sa malaking campus na pinapasukan ko,para naman kahit papano ay may alam na ako sa mga pasikot-sikot dito,Since tapos nanaman yung klase namin kaya naisipan kong ngayon toh gawin.

Ilang oras na ang nakalipas nung nagsimula akong magikot-ikot dito pero hanggang ngayon ay hindi parin ako natatapos dahil sa sobrang laki nang campus ng paaralan  na ito. Habang naglalakad ako sa hindi ko alam na direksyon ay napansin kong napadpad na pala ako sa likod ng eskwelahan namin. Pinagmasdan ko ang lugar at napansin kong madaming puno at medyo madilim-dilim ang paligid dahil natatakpan ang araw nang matataas na gusali na nakaharang dito. Nung natapos akong tignan ang paligid ay aalis na sana ako nung biglang may narinig akong malakas na sigaw ng isang galit na lalaki.

"ANO?!LALABAN KA!!"

At dahil chismosa ako ay agad akong lumapit sa lugar kung saan ko narinig ang sigaw at sa hinding inaasahang pangyayari ay may nakita akong grupo ng magkakaibigan na may binubogbog ng isang kawawang lalaki.

Gusto ko man siyang tulungan pero hindi ko magawa,sa dami ba naman nang nambubugbug sakaniya na baka kapag gagawin ko yun ay magmumukha lang akong isang latang tinupi nila sabay tinapon sa malayo. Dahil dito ay parang natatakot na tuloy akong pumasok sa paaralan na ito,ang daming gangster.

Habang nakatingin ako sa kawawang lalaki na ngayon ay ginawang punching bag ay hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko dahil sa awa at takot nung bigla akong may naramdaman akong humihinga sa may likuran ko kaya biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

"What are you doing here?!"walang emosyon na binulong ng isang lalaki sakin.

At dahil sa sobrang gulat ko ay agad akong napaharap sa taong may ibinulong sakin at sa hindi ko inaasahang magagawa ko ay bigla ko na lang siyang nasuntok deretso sa mukha niya na yun naman ang ikinagulat ko ng sobra-sobra. Kaya sa sobrang takot ko sa pwedeng mangyari sakin ngayon ay pagkatapos ko siyang tignan at makita ang kaniyang reaksyon na halatang-hatala na hindi makapaniwala sa ginawa ko sakaniya, ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo palayo sakaniya at siguraduhin ang kaligtasan ko. Dahil ayokong mangyari sakin ang nangyari nung kawawang lalaki na nakita ko.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung malalaman mo na ang taong sinuntok mo sa mukha ay isang matangkad at may napakalaking katawan na lalaki. Tapos yung suot ay pa niya ay isang V-neck black shirt na may nakapatong na leather jacket sabay ipinares ng isang itim na ripped jeans.

At dahil sa sobrang pag-iisip ko sakaniya ay hindi ko namamalayan na nasusundan na niya pala ako hanggang sa nahawakanna niya ang aking mga kamay. "HULI KA!!"at mas lalo pang humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.

Sinubukan kong kumawala pero ang lakas lang niya sobra,first day ko pa lang dito sa school na ito pero ang dami ko na kaagad naransan at natuklasan,wala na rin akong nagawa dahil kahit anong pang gagawin ko ay hindi parin niya ako binibitawan at mas lalo lang humihigpit ang mga hawak niya sakin.

Kaya nung napagtanto ko na wala na akong kawalan ay dahan-dahan na lang akong humarap sa kaniya at sabay nagmamakaawa."SORRY NA HINDI KO SINASADIYA,NAGLALAKAD LANG AK-"napatigil na lang ako sapagsasalita nung bigla lang niyang tinakpan ang bibig ko

Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin pero wala akong nagawa dahil sa sobrang lakas niya,kaya dahil sa sitwasyon na ito ay na nginginig na ang mga tuhod na halos hindi ko na kakayaning tumayo pa. Dahil lang naman sa pagkahawak niya sa bibig ko at bewang na nagbibigay suporta kaya ako nakatayo parin ngayon.

Un-wicked guy Part-ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon