Unwicked guy #49

691 18 0
                                    

Natalei's POV

"Mahal na mahal din kita Natalei"at dahil sa sinabi niya ay nagalit ako kaya bigla ko siyang tinulak palayo sakin.

"mahal!?wow huh?kung mahal mo talaga ako bakit ganun-ganun ka na lang nung iniwan mo ko wala ka man lang iniwan na kung ano at hindi mo man lang ako ipinaglaban at agad ka nang bumitaw hindi mo muna sinubukang pilitin si mama!!"
Galit kong sabi sakaniya sabay tinulak-tulak siya.

"sorry na,sorry kung naging duwag ako nang una at hindi man lang kita pinaglaban pero ngayon Natalei"sabay hinawakan niya ang balikat ko"gagawin ko na ,ipaglalaban na kita Natalei kahit pa magkamatayn pa kami ni daddy hinding-hindi na kita iiwanan ulit,sorry kung hindi ko natutupad yung mga promise ko sayo pero ngayon sisiguraduhin ko sayo na magagawa ko"sabi niya habang inaalog-alog ako.

"WAit nga!bakkt mo ba ako palaging inaalog,kanina pa ako nahihilo kakahanap sayo tapos dadagdagan mo pa!!"sabay tinanggal ko ang kamay niya sa pagkahawak niya sa balikat ko.

Pero hindi lang niya ako sinagot at nginitian na lang niya ako nang nakakaloka sabay niyakap na lang niya ako nang mahigpit at sabay initaas ako at umikot-ikot siya,at dahil nga nahihilo na ako ay hinampas ko ang ulo niya dahil nasusuka na ako nung bigla na lang siyang natumba siya sa buhangin kaya napasigaw ako nang malakas at ngayon ay nakapatong na ako sakaniya.

"Aray!!"sabi ko sakaniya,ang lapit na nang mukha namin ngayon at amoy na amoy ko ngayon ang mabango niyang hininga.

Tumawa lang siya nang malakas then sabay sabi"I love you my bae and im sorry"sabay nagpavute at bigla na lang akong hinalikan.

Kaya agad ko siyang sinampal nang mahina sa.mukha at nagmadaling tumayo"ang bastos mo!!"sabay bumalik ako sa kubo at kinuha ang heels ko na basang-basa at madaming buhangin.

"Oy!!sorry na naglalambing lang naman ako eh"sabi niya na parang bata.

Pero hindi ko lang siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa kubo,nung bigla akong nagkasipun.

"AHTSHUU!!"sabay nagtakip sa ilong ko.

"bae okay ka lang"sabay tumakbo siya papalapit sakin at hinawakan ako sa bewang.

"Tseh!!may kasalaSHUU"sabay pinunasan ko ang sipon ko.

"Wait ka lang"sabay tumakbo siya papasok sa kubo at hindi nagtagal ay lumabas naman kaagad siya na may bitbit na kumot.Inilagay niya sa katawan ko ang kumot at sabay niyakap niya ako nang mahigpit"magbihis ka na lang muna." sabay pinapasok niya ako sa kubo.

Pagkapasok namin dun ay inalalayan niya akong paupuin,samantalang siya ay nababaliw na sa kakahanap nang kung ano.

"Wait lang pupuntahan ko lang si manong"tatayo na sana ako nung bigla niya akong tinulak paupo.

"wag ka munang makulit,oh ayan"sabay inabot niya sakin ang damit"dito ka lang huh!bibili lang ako nang noodles at ano nga yung pupuntahan mo kanina?"nagmamadali niyang sabi.

"ah si manong,yung nagdadrive nung bangka,pinahintay ko pa kasi siya eh"nahihiya kong sinabi habang nilalamig ako.

"o sige ako na lang ang magsasabi sakinya dito ka na lang muna huh dahil bibili pa ako"sabay lumabas na siya"AT MAGBIHIS KA NARIN!!"natawa na lang ako sakaniya.

Kahit masaya na ako dahil nakita ko na siya ay in the same time ay natatakot ako dahil walang ilaw at ang tanging gamit lang ay lampara at isa pa wala masyadong tao dito at nasa likod to nang bundok at maraming mga puno dito kaya mukhang nakakatakot dito dahil napakadilim lang talaga at baka may aswang dito.

At dahil sa takot ko ay niyakap ko ang sarili ko at pumikit na lang dahil sa takot na takot na talaga ako sobra.

Neighthan's POV

Pagkadating ko sa kubo ay nakita ko na lang si Natalei na nakaupo habang yakap-yakap niya ang tuhod niya at nakalagay din ang ulo niya sa tuhod niya habang natutulog,ayaw ko naman siyang gisingin dahil parang pagod na pagod na siya sobra at isa pa ayoko ding magkasakit siya kaya kailangan na niyang magbihis dahil basa yung damit na suot-suot niya.

Kaya ang ginawa ko ay nagpatulong ako sa mga babae dito sa isla para bihisan siya at bumili na lang sin ako nang damit niya.

"dahan-dahan lang po ah baka kasi magising"sabay nginitian ko siya"salamat po"

Pumasok na siya sa kubo at hinintay ko na lang siyang matapos,hindi naman nagtagal ay natapos na rin siyang bihisan si Natalei kaya lumabas na siya sa kubo,binigyan ko na lang siya nang pera bilang papasalamat at pumasok na rin sa kubo.

Nung nakita ko siya ay nakita ko na siyang nakahiga sa banig kaya hinayaan ko na lang siyang matulog,umupo na lang ako sa tabi niya at tinitignan siyang natutulog,pero kahit natutulog siya ay mukha parin siyang anghel pero napatawa na lang ako nung narinig ko siyang humilik nanaman nang napkalakas kaya napatawa na lang din ako pero mahina lang ang pagtawa ko.

Nilaguan ko siya nang kumot"sana mapatawad mo ko"kaya lang naman akong umalis dun sa bahay dahil napipikon lang ako kapag palagi kong nakikita si papa at sa mga sermon niya,lalo na nung pinipilit niya talaga akong magpakasal kay Synthia.

Pero sa ngayon itutupad ko na talaga ang pangako ko sakaniya at bukas na bukas ay uuwi na kaming dalawa at ihaharap ko na siya kay daddy,magalit man siya o hindi hindi ko parin hihiwalayan si Natalei at ipaglalaban ko na siya.

At dahil mukhang naiinitan na siya ay kinuha ko yung pamaypay na gawa sa karton at pinapaypayan siya para hindi din siya lalamokin dahil for sure ay hindi to sanay matulog sa isang maliit lang na kubo at at walang aircone or something kaya paypayan ko na lang siya kahit hanggang bukas pa akong maggaganto.

Nilagay ko ang dalawa kong braso ko sa tuhod ho habang nakaupo ako at ipinatong ko ang ulo ko dun at tinititigan na lang nang maayos ang napakaganda niyang mukha.

Un-wicked guy Part-ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon