Chap 1

24 0 0
                                    


|Amica|

Bumalik ang mga senses ko nang ha-

HALIKAAN AKOO NG LALAKINGG TO!!?

Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa pero kumilos ng kusa ang palad ko at nag-iwan ng isang malakas at kadeserve-deserve na sampal sa makinis niyang pisngi sabay tulak ko narin sa kanya na may inis at galit.

"SIRAA KA BA??! BAT MO AKO HINALIKAN, WALANG HIYA KAA! BASTOS! WALANG RESPETO! ARGHH!! IBALIK MO YUNG FIRST KISS KO!! ANG LAKAS NG LOOB MO MAGNAKAW NG HALIK!! NI HINDI NGA KITA KILALA!?"

Pinaghahampas at pinagpapalo ko siya ng kamao at pilit naman niya akong pinigilan sa paghawak sa mga braso ko.

At dahil hindi ko na makaya ang lakas niya, tinuhod ko ang kayamanan niya na dahilan para mamilipit siya sa sakit at nagawa ko na siyang patumbahin sa lupa at pinagsusuntok at hampas ulit habang nakaupo na ako sa may bandang tiyan niya.

Matapos ko siyang turuan ng leksyon at dahil napagod na rin ako, napasandal nalang ako sa pinakamalapit na puno at pinagmasdan ang nakahandusay na taong to. Nakatabon ng kanan niyang braso ang mga mata niya at nakailang hinga ng malalim habang iniinda ang pasa at sakit na ibinigay ko sa kanya.

"Tsk~"

Hindi parin ako makapaniwala na hinayaan ko siyang mahalikan ako ng ganun-ganun lang??

Kairitaaa!!

"Hh~"

Napakinggan kong may maikli siyang tawa at sinundan ito ng halikhik.

"Kaasar~ Hindi ko alam na magagawa mo to sakin... Nakakahiya~"

Sa tono ng pananalita niya, hindi ko alam kung tumatawa siya o umiiyak pero namuo na ang mga munting luha niya sa mata at sumilip ang mga ito sa akin na para bang nangungusap.

"Kung ganyan ka, bat di mo nagawang matigil yung Jayo na yun na suyuin at ligawan ka??"

Napairap ako ng mata at binato siya ng maliit na bato na napulot ko lang rin.

"Ano bang pakialam mo?? Kulang pa ba yang pasa at ginagalit mo ako? Bakit mo ako hinalikan, ha?? Nananadya ka ba??"

Ngumiti lang siya at sobrang nag-init ang dugo ko sa ngiti niyang yun.

Bumangon na rin siya at hinimas ang braso saka nagpagpag ng mga dumi at alikabok.

Umupo siya na nakaunat ang kaliwang binti habang ipinatong niya ang kanang braso niya sa kanan niyang tuhod at tumingin sa akin.

Hinagod niya pa ang namamawis niyang buhok saka siya nagsalita.

"Kailangan mo ng dahilan para tigilan ka na ni Jayo diba??"

Hindi agad ako nakasagot at umiwas siya ng tingin.

"Tanggapin mo na ang alok ko. Tutulungan kita dahil matutulungan mo rin ako. Promise, hindi na ako magnanakaw ng halik sayo~"

Binato ko na siya ng mas malaking bato kaso nagawa niyang umilag.

"Eh sira ka pala kung iniisip mong maniniwala ako sayo!"

At pinagbabato ko ulit siya. Natamaan rin siya sa wakas. Deserve ng isang katulad niya!

"Aray ko! Maawa ka naman! Humihingi lang naman ako ng tulong at gusto rin kitang tulungan. Magtulungan nalang tayo, pwede ba?"

"Tse! Tulungan mo sarili mo! Hindi kita kailanman kakailanganin para sa problema ko! At wag mo akong idamay sa pagiging babaero mo!"

Kumunot siya ng noo at bigla nalang napatawa. Nababaliw na ba siya??

"Nagkakamali ka... Ayaw ko sa mga babae..."

"So bakla ka pero ang lakas ng loob mong manghalik? Huwag mo akong lokohin..."

Napatawa lang ulit siya at tumayo na.

Napatayo na rin ako at may inihagis siya sa akin na nagawa ko namang saluhin.

"Hindi ako tatakas kung gusto mo akong idemanda o baka ipakulong pa. Sa iyo na muna yang ID ko para alam mo kung sinong hahanapin mo. At kung magbago ang isip mo, humingi ka ng tulong sakin~"

At umalis na siya at tumalon sa bakod ng school kaya hindi ko na siya napigilan pa.

Ang naiwan sa akin ay ang ID niya with his picture and his name, Yanjeol Amorsolo.

-/-/-/-

My Not So Perfect Love Partner Where stories live. Discover now