Chap 4

9 0 0
                                    

|Jayo|

"Kssshaaaaa~! Palpak na naman~! Ano na, Dave?!" Sigaw ko sa sobrang inis at hinablot ang kwelyo ni Dave dahilan para matapon yung iinumin niya sana na milktea.

"Wahh~! Yung milktea kooo!" Tinabig niya yung braso ko kaya nakawala siya sa pagkakahawak ko.

Tapos sinamaan niya pa ako ng tingin na para bang isang asong ninakawan ng pagkain.

"Ano bang problema mo, Jayo? Baka nakalimutan mo na IKAW ang dahilan kaya pumalpak na naman yung planong pinaghandaan ko para sa iyo~  Ks~ Your impatient gut! Kung hindi ka kasi lumabas agad dun sa kahon eh di sana hindi ka kaagad nakita ni Amica at iniwasan ka~!"

That struck me like an arrow in my heart and in my head.

Tsk~ Sino ba naman kasi ang makakatagal magtago dun sa kahon na yun na puno ng mga bulaklak eh konting hinga pa ay hinika na ako for sure~

Pero ano pa nga ba... It's because I am always impatient kaya laging nagiging palpak ang mga proposal schemes namin para kay Amica.

Guhhh~! Bat ba kasi ayaw mo pang tanggapin ang di kumukupas kong pag-ibig, Amica??

Tunay, totoo, walang katulad, hindi kumukupas, at natatangi lamang na iaalay para sa iyo~ Ahhh... Amica, pakasalan mo na ako, aking sinta...

"Yo~ Busy kayo mamaya? May irereto ako... May nagyaya sakin eh. Humiling na magsama pa daw ako ng mga additional dudes-" Dumating bigla si Raven at ipinatong ang braso niya sa leeg namin ni Dave.

"Ano? Arat mga pre?" Dagdag pa niya kaya tinabig ko na yung braso niya.

"Pumunta ka mag-isa~ Hindi ako interesado na makipag-hangout sa ibang mga babae... Ts~ Alam mo naman na meron na akong pinopormahan, diba?" Bulyaw ko kay Raven and he gave me a smirk at napataas pa ang kilay.

"Hayy~ Si Rebuela na naman?? Okay then. Pass ka. Eh, ikaw Dave? Oh, baka naman may pinopormahan ka na rin?? Hm." Raven crossed his arms and scrutinized Dave with his gaze.

"I just remembered. Kamusta yung proposal scheme niyo which is #Attempt795?"

Parang may tumusok na tinik sa ulo ko nang marinig yun. Etong mokong na to, kung makatanong naman eh kala mo may naitulong.

"Silence means Yes? Or the other way around??" Sambit ni Raven at humikbi pa ng tawa.

"Ahahaha~ Okay. I get it. I heard these Marites in school talking about this giant, fancy-looking box in front of the ND department ngayong hapon. Idea mo na naman ba yun, Dave?? Batang to, malamang iiwas si Amica makita palang ang anino nung box..." And there he goes again. 

With his laughter na nakakairita pakinggan.

Hinatak ko yung kwelyo niya at inihagis sa surface ng billiards.

Agad namang napasigaw si Dave shouting that his dad might kill him kapag nasira yung billiards nila.

"Ack~ What the f*ck, Avelino... Doing that while I'm off guard? Ah~ Parang nagkapasa ako... Dave, did I got a bruise somewhere?" Inda nitong si Raven at nanliit lang ang paningin ni Dave sa kanya.

"Get that a*s of yours off our billiards, Raven Cornelio! Argh! Bat ba lagi kayong sakit sa ulong dalawa?!" Here comes the untamed Dave Cuenca.

Para siyang kamatis sa pula ng mukha dahil ang kanyang galit ay tunay na di na mapakalma.

"I'm done with you two for today! Lumayas na nga kayo mga kutong lupa!"

And because of that, Dave chased us both out. Humirit pa nga itong si Raven na dapat daw may entitlement na 'mga maginoong kutong lupa'.

Sus! Ang pangit pa rin naman ng pahiwatig nun eh!

"Tsk~ That hothead dude... Walang pakundangan na naman tayong pinagtabuyan palabas ng bahay nila."

"Tumahimik ka na. Ikaw ang dahilan..."

"Nakita kong natapon yung milktea niya kanina dahil sayo tapos binalibag mo pa ako sa billiards nila eh alam mo namang million dollars yun. Sheesh~ This impatient guy..."

"Nang-iisulto ka pa ba??"

Ku-kwelyuhan ko pa sana siya habang naglalakad na kami when he halted and bigla nalang napaturo sa kabilang kanto.

"Ey~ Dude... Pinagpalit ka na ata ng pinopormahan mo~"

I didn't like the way he said it at nanlaki ang mata ko looking at the direction he pointed.

-/-/-/-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Not So Perfect Love Partner Where stories live. Discover now