[KEN'S POV]
Hoping na hindi pa itong yung pagtatapos ng story namin. Kung gusto niya si Xavier edi sige.. Hindi ko na naman siyang kayang ipaglaban kung may ipinaglalaban na siyang iba. Siguro kailangan ko na lang tanggapin na hanggang Friends nalang kme. :(
KINABUKASAN...
3 Missed Calls
1 New Message Receive.. (Roaming Number?)
"Son, This is your dad. Kukunin muna kita ngayon dito sa States. Kailangan ko kase muna magpahinga this week. Can you help me muna? Naipaalam na kita sa Mommy mo kanina. Bukas ang alis mo."
O_____O Wah?! Kukunin agad ako? Pero pasukan pa lang namin e. Hayaan na. :(
Agad agad akong bumaba para kausapin si Mommy.
"Mom, pero pano yung school ko? Tapos bukas na agad ako aalis?" Tanong ko kay Mom.
"Yes anak, Kailangan na kse muna magpahinga ng dad mo a week. Busy din kase sa Company nila. " Sagot ni Mom.
"Okay fine. :(" Sagot ko.
Parang ayaw ko pumasok.. Tsk! Badtrip e dahil sa nangyari kahapon. :/
Tsaka para makapaghanda muna para bukas..
"Mom hindi muna ako papasok ngayon ihahanda ko yung gamit ko para bukas." Sabi ko kay Mom.
"Okay anak just take your time. Ipapaalam nalang kita sa Tito mo tutal siya naman may-ari ng school na pinapasukan mo." Sagot ni Mom.
Umakyat ako sa Kwarto ko.. At binuksan ang computer..
Nakita ko yung dati kong minahal sa isang social site.
Jena Pastrana likes your photo.
Jena Pastrana messages you.
Jena Pastrana commented in your photo.
Clinick ko yung message niya para sakin.
"Hi Ken! Sinabi ko kay mommy na diyan na ako mag-aaral sa pinapasukan mo. Ever since kse na nagbreak tayo parang nalungkot din si Mommy, kase alam mo naman na ligal na tayo pero anong ginawa mo iniwan mo'ko? It's okay. Tanggap ko naman. Oh btw, Magkaklase pala tayo! Haha! See yah! Iloveyou! :*"
Yes Ex ko si Jena. Hindi naman sa naging bitter ako. Kase parang nanlamig na yung relation namin e. Nagtagal lang kame ng 4 Months. Tsaka hindi ko na rin kaya. :( Kaya itinuon ko yung atensyon ko sa iba para makamove on. Yeah guys ituon niyo lang yung atensyon niyo sa iba, Promise very effective yan. Okaya hayaan mo nalang na sumuko ang puso mo kakapantasya sakanya. Hayaan mo nalang, never-ever unfriend her/him kase pag ginawa mo yun BITTER ka. Hindi mo kailangan maging Bitter para makalimutan mo siya. Ang kailangan lang naman para makalimot ka, Patience at Tiwala sa sarili. Haba ng sinabi ko iisa lang naman ang point ko. :|
Nahiga muna ako saglit at nag-isip isip.
Pano kung magkabalikan kame?
Pano ? Pano ? Pano?
Sabi niya mahal niya pa rin ako?
Parang bumalik yung nararamdaman ko sakanya pero hindi ako sure.
Pano na si Lalaine? Tsk! Bat ko ba iniisip yun? eh wala naman pakeelam sakin yun.
Parang naglalaban ang puso at isipan ko.
Puso: Kamusta na kaya siya?
Utak: Ano ka ba?! Wag mong isipin yun.
Puso: Pano hindi ko iisipin eh mahal ko yun. Ikaw naman utak kumokontra ka nanaman.
Utak: Ang sakin lang naman, Takot na kong masaktan ka ulit.
Puso: Pero mahal na mahal ko yun eh. Wala kang magagawa..
Utak: Mahal mo nga? Mahal ka ba?
Puso: Hindi? :(
Utak: Oh yun naman pala eh. Wag ka nang umasa sakanya. May Xavier na yun!!
Puso: Saklap naman. Pero kailangan ko siyang ipaglaban!!
HAYYY! GULONG GULO NA'KO. :( Ano na kaya ginagawa nilang dalawa? :(
Tssss..
Sabay may kumatok sa pintuan..
"Pasok." Sabi ko.
"Sir may naghahanap po sainyo sa baba, Babae po." Sabi ng isa sa Maid namin.
Sino naman kaya yun?
"Osige susunod ako." Sagot ko.
Pagkababa ko.. Nakita ko si Jena..... ... . Anong ginagawa niya dito? :/ Hindi siya pumasok?
Anong gagawin ko?
Anong sasabihin ko sakanya??
Gulong gulo na'ko.
-