1

29 4 5
                                    

I was just writing on my notebook, taking notes, and listening to the teacher discuss. Then, I heard the school bell ring, signaling that class is over.

"And that concludes our lesson. Thank you, class!" Ms Nicole said, grabbing her things at lumakad na siya patungo sa pintuan para umalis.

Nagsimula na rin ako gumayak ng aking mga gamit, may practice pa ako mamaya kaya kailangan ko pumunta sa banyo para magpalit ako sa aking jersey.

Habang nilalabas ko ang aking damit, may pumasok na tao sa aming room. Nung tinaas ko ang aking ulo para makita kung sino ito, nakita ko si Elyse na naglalakad patungo sa aking direksyon.

"Uy, Liz, bakit ka nandito? Tapos na klase mo?" Tinanong ko, pareho kami ni Elyse na STEM, 'yung dalawa naman ay HUMSS kaya nasa kabilang building pa sila. Pero kahit magkatulad kami ng strand, magkaiba kami ng section. Kaya nagtaka ako kung bakit pumunta siya nandito, kasi magka iba kami ng room at floor.

"Bakit, masama ba?" She jokingly said, umupo siya sa bakanteng upuan, sa katabi ko kung saan naka upo dapat ang aking kaklase. Nakita ko na tumingin siya sa aking nilabas na jersey at tumayo bigla. "May practice ka nga pala. Tara, ihahatid ka namin. Papunta naman kami sa library eh." Inakit niya ako, tiningnan ko siya na parang hindi ako makapaniwala. "Himala, mabait ka for today."

"Lagi naman" Tsaka niya nilabas ang kaniyang cellphone, nahulaan ko na sasabihin niya sa dalawa na sumama sila, kaya hinayaan ko na lang siya at tumayo para makapunta ako sa banyo. Nakatingin pa si Elyse sa kaniyang cellphone habang nagta-type, pero tumayo rin siya nang hindi tinanggal ang kaniyang atensyon dito at nagsimula na rin lumakad at sundan ako.

Binuksan ko ang pinto at lumabas na ng room, pero bago ko ituloy ang aking lakad, may narinig ako na kumalabog. Gago, si Liz ba 'yun? Tumingin ako sa likudan ko at nakita ko si Elyse na hinihipo ang kaniyang noo. "Anyare sa'yo?" Tinanong ko habang pinipilit ko ang aking tawa, "Akala ko sa labas ako naderetsyo, sa tabi pala ng pintuan ako dumaan."

Hindi ko na napigilan ang aking tawa at inilabas ko ito, 'yan kasi. "Kaka cellphone mo 'yan, Liz." Sinabi ko habang tumatawa pa rin, nagsisimula nang sumakit ang aking tiyan kakatawa kaya pinigilan ko ang aking sarili. Nung tumingin ako kay Elyse, Masama tingin neto, pero alam ko na hindi niya ito sineryoso.

"Tara na nga lang" Bigla siya naglakad ng mabilis, atleast hindi siya naka cellphone this time.

-

"Ayaw ko na mag HUMSS, gago." Nagrant si Brynn sa amin, pababa na kami ng building ng HUMSS at papunta na sa court kung saan mag pa-practice ako ng volleyball.

"Ayaw ko na maging senior high." Dinagdag ni Caryle, umagree naman ako sa kaniya dahil ayaw ko na rin. Ang daming pinapagawa, alam ko naman na mahirap ang senior high, pero mas maganda kung mamatay na lang ako.

Nagkwentuhan na lang kami habang naglalakad, at makalipas ng ilang minuto ay nakadating na kami sa court.

"Oh sya, alis na kami, Ysa. Nasa library lang kami, ha? Baka hanapin mo kami." Pina alala sa akin ni Elyse, "Yeah, we'll wait for your practice to end there." Dinagdagan ni Brynn. Um-oo na lang ako at nagpaalam, umalis na rin sila at binaba ko ang aking bag sa bench at nagsimula na mag warm up.

Habang nag s-stretch ako ay may narinig akong yabag ng paa, hinting na palapit na dito. Mga ilang segundo, bumukas na ang pintuan at ipinakita kung sino ang nagbukas nito. Ay, si coach lang pala 'yun. Natakot ako sa wala. Lahat ng nasa court ay binati siya.

"Oh, ready na kayo?" Lahat kami ay nagsi-oo, mas maagap pa kami dumating kesa sa kaniya kaya nakapag ready na kami bago pa siya dumating. "Okay, let's start our training."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Genuinely Fake (Landas ng Oras; Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon