A/N
Ang chapter na ito ay tungkol lamang sa nararamdaman ni Elijah tungkol sa kanyang kasal. Sana kahit papaano ay may mapulot kayong aral :)
ELIJAH MARIE POV.
Habang papalapit ang kasal namin ni Prince , mas lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ganto talaga kapag alam mong ikakasal ka na at iiwan mo na ang buhay dalaga. Na hindi na lahat ng mga ginagawa mo ng dalaga ka ay magagawa mo pa kapag kinasal ka na, alam kong marami ng magbabago kapag kinasal na ako at maraming responsibilidad ang papasanin ko , pero don't get me wrong wala akong mga pinagsisihan sa naging desisyon ko na pakasalan ang lalakeng mahal ko at alam kong hindi ako sasaktan, na alam kong kahit anong mangyare at kahit gaano pa kabigat ang mga problemang kahaharapin naming dalawa ay hindi ako iiwan.
Isang linggo. Isang linggo bago ang kasal, Lahat kami ay abala para sa paghahanda sa pagdating ng isang pinakaimportanteng araw sa buhay naming dalawa ni Prince. Ang mga abay, bestman,flowergirl at ringbearer ay ayos na lahat. Ang paglakad ko nalang papunta sa altar ang hinihintay. Ang mga kaofficemate ko mga kaibigan sa office lahat sila masaya para sa akin, at ang sarap sa pakiramdam na lahat ng mga tao sa paligid mo ay masaya at suportado ka.
Naalala ko pa nga ang seryosong usapan namin ni Mommy tungkol sa bagay na ito " Baby , Ang pagpapakasal ay hindi isang parang kanin na kapag sinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo " ang mga salitang iyon ang talagang tumatak sa isip ko, alam kong kapag pumasok na ako sa isang sagradong bagay na ito ay hindi na ako maaring tumakas at umalis pa. Si Mommy, sinabi niya sa akin na ang pagiging isang maybahay ay panghabang buhay na responsibilidad , walang retirement. Kaya kailangan mong pag-isipan at piliing mabuti ang taong pag aalayan mo ng responsibilidad na ito.
Kahit gaano pa kakumplikado at kahirap ang pagiging isang maybahay ay sigurado na ako sa naging desisyon kong pumayag na ibigay ang buong buhay ko kay Prince , hindi dahil sa mahal ko lang sya dahil alam kong kaya niyang tumayo ng isang pamilya at magiging isa syang responsableng Padre de Pamilya. Hindi lang dapat puro pagmamahal kailangan mong maging praktikal at pag isipang mabuti ang pagpasok sa isang sagradong bagay tulad ng kasal.
Prince Gabriel Parker, ang lalakeng pinangarap kong makasama hanggang sa aking pagtanda , ang lalakeng kasama kong bumuo ng mga pangarap , magiging Ama ng aking magiging mga anak , ang lalakeng ipagkakatiwala ko ang lahat lahat sa akin ang lalakeng ninais kong mahaling sumunod sa Panginoon at sa aking Ama at ang lalakeng gusto kong pagsilbihan at makasama habang buhay.
Isang linggo , isang linggo na lamang at iiwan ko na ang pagiging isang dalaga ko, hindi ko kailangang magliwaliw at sulitin ang pitong araw na iyon. Dahil alam kong sa paglipas ng pitong araw at dumating na ang araw ng aking kasal ay mas magiging masaya ako ...
Mas masaya , lubos na kasiyahan ang aking madarama sa piling ng lalakeng labis kong minamahal at ibinigay ng Panginoon para sa akin.
A/N - I'm sorry guys for the long wait. I just spend my vacation with my family.

BINABASA MO ANG
Where are you? My prince?
RomanceI thought it was perfect, A princess that has a perfect prince. A castle that full of love and happiness. A princess that has a happy ending. Then, maybe it just a dream that can never be happen because my prince is now became a beast.