ELIJAH MARIE POV.
Time check : 10:00 am in the morning, ang aga aga nandito na agad kami sa sasakyan ni Prince papunta kami dun sa wedding designer namin. Hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na ako. Kasama namin ngayon si Ate Sabrina gusto niya ding sumama kasi gusto niya na daw makita yung wedding gown ko. Adik talaga to si ate. Hahaha. 1 month , isang buwan nalang at marami ng magbabago sa buhay ko. Magkakaroon na ako ng asawa at syempre mga anak, sana lang talaga walang maging problema at kung meron man sana malampasin namin ni Prince lahat ng yun. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa. Wala naman na akong mahihiling pa kay Prince halos nasa kanya na ang lahat , I'm sure hindi ako magsisi sa desisyon kong maging asawa sya
" What's wrong babe? " napatigil ako sa pagmumuni-muni ng magsalita si Prince. Lumingin ako sa kanya " Ha? ano yun babe? " tanong ko sa kanya kasi hindi ko narinig yung tanong niya , alam niyo na busy sa pag-eemote ate niyo eh hahaha. " I said, What's wrong " eto talagng boyfriend ko hindi talaga sanay na tahimik ako, ay hindi na pala boyfriend soon to be husband na pala. Ang landi ko hehe. " Nothing babe " nakangiti kong sagot sa kanya. " Hindi ka ba masaya , Oh baka nabibilisan ka kasi next month na tayo ikakasal. Kung hindi okay sayo babe ipaparesched ko. " hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. Eto namang magiging sawa ko masyadong mag-isip " Babe, Una sa lahat masaya ako , sobrang saya ko saka hindi problema sakin kung next month na ang kasal natin as long as ikaw ang pakakasalan ko " nakangiting kong sabi sa kanya. Sa wakas ngumiti nadin ang loko.
Binato kami ni Ate Sabrina ng unan -___- Anong problema ng babaeng to. " Ang kokorni niyo. Prince, Wag mo ng intindihan yan si Elijah. Kinakabahan lang yan at fitting na ng gown niya ngayun. May kasabihan kasi na kapag sinukat na ng bride ang gown niya bago makasal hindi raw matutuloy ang wedding , kaya tahimik yan kinakabahan na yan haha " lah. Baliw talaga to si Ate , eh hindi ko naman naiisip yun. " Don't worry babe , Walang makakapagpigil sa kasal natin. Haha , alam mo namang ikaw lang mahal ko. Kaya kalma ka lang dyan " Natatawang sabi ni Prince. Eto namang maokong nato naniwala kay Ate. " Babe, Hindi ko naman iniisip yun. Saka minsan lang ako manahimik ayaw mo pa? Haha. Anyway thanks. Natouch naman ako dun sa sinabi mo haha " and then kiniss ko sya sa cheeks. " Hoy , Mahiya nga kayi. Kasama niyo ako ohh. Yuhooo May kasama kayo. Tama na muna sa PDA na yan haha " natatawa akong lumingon kay Ate Sabrina " Alam mo Sis ang bitter mo. Hahaha , Ewan ko ba sayo Ate ang dami daming nanliligaw wala kang sinasagot " pabiro kong sabi kay Ate " Sometimes it"s better to be choosy , Para hindi ako magkamali sa lalakeng pipiliin ko. Saka alam mo naman na wala sa mood ko ang magjowa ngayon " Hahaha loka loka talaga tong ate ko. " Someday , Makikita rin ni Ate Sabring yung lalakeng mamahalin niya talaga ng sobra at aalagaan sya. Antay antay lang " napapangiting sabi ni Prince " Tama, Apir nga tayo dyan brother " Nagtawanan nalang kaming tatlo at nagpatuloy sa pagmamaneho si Prince.
Ilang minuto pa ang lumipas nakarating nadin kami sa botique na pinagpatahian ng gown ko. I'm so excited. Pumasok na kami sa shop at may sumalubong samin na isang bading , nag shake hands sila ni Prince at pinakilala niya ako pati narin si Ate Sabrina , nakakatuwa kasi yung design ng shop hello kitty halos. Parang bata naman ang may ari ng shop nato haha anyway hindi ko na problema yun. Nag-usap pa sila Price at si Mr. Sy ng ilang minuto sya yung bakla haha sa una nga hindi halata na bakla sya kasi lalake pumorma saka pogi din , oy don't get me wrong mas pogi padin si Prince.
" Elijah ,Iha come here " Mr. Sy said siguro isusukat ko na yung gown. " Look Iha , Okay na ba sayo yung gantong design" Natulala ako at napatitig sa gown. Shet lang ang ganda , simple but fabulous. May pearl sa mga gilid yung gown and sexy style sya. " Yes Mr. Sy , Ang ganda ng gown nato. Simple but Fabulous " NAKangiti kong sabi sa kanya " NAku iha. Nung una naghehesitate pa ako na gawin yan kasi baka hindi mo magustuhan pero sabi ni Price magugustuhan mo daw ang ganyang style. Youre fiance really know you well " I looked agt Prince and said " Thanks babe, Thank you so much " he just smile.
Dinala na ako sa fitting room ni Mr. Sy para sukatin ang gown. Nakaharap ako sa salamin ngayon , tinitignan ang sarili ko habang suot ang wedding gown ko. Dati pangarap ko lang ang magsukat ng wedding gown iniisip ko kung ano ba ang magiging itsura ko kapag sinuot ko na yun , pero eto na ako ngayon , Ikakasal na ang sarap sa pakiramdam.
" SIs , Ang ganda mo. Sana pala lagi kang nakasuot ng wedding dress " Ate sabrina said. " Loka-loka ka talaga ate " shet lang ang ganda talaga ng gown.
" Babe, ganda mo ' Prince said.
" Naku Iha , For sure napakaganda mo sa wedding mo. Ang ganda mo tapos ang pogi ni Prince naku magandang lahi " Nag-smirk naman si Prince , Jusko ano ba tong pinagsasabi ni Mr. Sy "
" Naku Prince , Hindi ako papayag ng dalawa lang ang anak niyo Hahahaah " Ate Sabrina said. Owmygad hindi ko matake pinagsasabi nila. Natatawa naman si Prince at lumingon sakin.
" Be ready for the basketball team babe " He smirk at nagtawan silang tatlo nila ate sabrin. Samantalang ako heto pinagpapawisan. Lord maawa ka sa akin , hindi ko kaya ang basketball team.
----
A/N.
Hi guys. Sorry matagal akong nakapag-update. Busy kasi ako sa thessssis. :(((( Sorry. Babawi ako next time. :)
Look for the picture above. Ganda ni Elijah diba? Hahaha. :D thank you sa lahat ng nagbabasa.Vote. Comment and be a Fan.

BINABASA MO ANG
Where are you? My prince?
RomanceI thought it was perfect, A princess that has a perfect prince. A castle that full of love and happiness. A princess that has a happy ending. Then, maybe it just a dream that can never be happen because my prince is now became a beast.