PROLOGUE

1.5K 13 2
                                    

Sa mga libro na nababasa natin, sa bawat nobela, kahit sa mega teleserye at pelikula, laging may tinatawag na "The End". Said bawat ending, palaging may dalawang pinagpipilian, it's either 'they lived happily ever after' o ang tragic ending kung saan may namamatay o nagkakahiwalay. Sa kaso namin ni Timothy, hindi ko pa masasabi na may happy ending na kami. Gustuhin ko man na gawing Disney and ever after namin dalawa na may kissing scene at fireworks pa sa kalangitan, hindi ganon ang ending na nakatadhana para sa amin. May mga bagay pa kaming kailangang ayusin sa buhay namin. Katulad na lang ng pagkabulag niya dahil sa isang aksidente at pati na rin ng pagiging engaged ko sa ibang lalaki.

Nang binalikan ko siya, akala ko okay na lahat. Pero hindi lahat ng bagay ay nananatiling katulad noon. Kahit ang mga gamit,naluluma sa pagdaan ng panahon. The only constant thing in the world is change. At sa tingin ko...gaano din kami ni Timothy. May nagbago sa kanya... at pati na rin sa akin.

Sa ngayon, mag-uumpisa uli kaming dalawa makalipas and dalawang taon. Magiging mas matatag kaya ang relasyon namin o kagaya ng ibang bagay, maluluma at hihina rim and pagmamahal namin para sa isa't isa?

Never Talk Back To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon