Chapter One

1.3K 12 2
                                    

Summer. Ang sarap ng simoy ng hangin na nagmumula sa direksyon ng dagat! Kulay asul ang malawakan na kalangitan. Ang ganda ng panahon. Ano kaya magandang gawin ngayon araw? Magbabad sa beach? Gumawa ng sand castle? O mahiga sa duyuan katabi ang taong mahal mo katulad ng ginagawa namin ngayon? Ano pa nga ba? Ang obvious naman ng pipiliin ko.

Ako si Miracle Samantha Perez, ang mapapangasawa ng lalaking natutulog ngayon said tabi ko,si Timothy Odelle Pendleton.

Two years na ang nakakaraan nang magkahiwalay kami, Hindi ko inaasahan na tatanggapin niya akong muli kahit na kailangan niya akong hintayin ng napakatagal na panahon. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to na sobra namang nagmamahal sa akin.

"Sir Timothy! Sir Timothy!"

Anak ka ng pusa! Mula sa beach house narinig ko ang pagtawag ni Ami. Gumalaw si Timothy sa tabi ko. Humigpit ang yakap niya sa'kin.

Gising na siya. Simula nang bumalik ako, hindi na kami mapaghiwalay. Palagi kaming magkasama. Magkatabi. Magkahawak ng kamay. Magkayakap. Basta hindi kami pwedeng paghiwalayin.

"Miracle..." bulong niya.
"Hubby,I'm here," sagot ko nang nakangiti.

Ipinatong ko and ulo ko sa dibdib niya. Siguro nagkaroon na naman siya ng masamang panaginip. Palagi niya akong hinahanap kapag nagigising siya. Palagi rin niya akong niyayakap pagkatapos. Sa tingin ko nagkaron ng malaking epekto sa kanya ang pag-alis ko, hindi lang emotionally. Hanggang ngayon natatakot pa rin siyang maiwan. Siguro iniisip niya na mawawala ulit ako, na iiwan ko uli siya. Kahit na sinabi ko na sa kanya na wala akong planong umalis sa tabi niya, natatakot pa rin siya.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ko sa kanya. Inangat ko nang kaunti ang ulo ko para tingin siya.

"Yes,thanks to you," sagot niya bago dumampi ang labi niya sa noo ko.

"Hinahanap ka na ng nurse mo."

"Medicine again," bulong niya na halatang pagod na.

Private Nurse niya si Ami. Si Ami ang nag-alaga kay Timothy simul a nang ma-confine siya sa hospital hanggang sa makalabas ito. Hindi naiwan na mag-isa si Timothy sa beach house.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Talk Back To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon