CHAPTER 1

8 0 0
                                    

TATE'S POV

4 YEARS LATER

It's been 4 years since that tragedy happened to my life at hindi ko inaakala na kambal pala ang ipinagbubuntis ko.Napadpad naman kami sa isang tagong lugar dito sa Samar.

Hindi ko naman alam bakit dito ko naisipang magtago mula sa mga Arcego.Magmula ng umalis ako ay wala na akong balita sa mga taong iyon at sa siyudad.Mas mainam na rin siguro iyon para wala nang madamay pang mga taong nakapaligid saakin

"Mama!"napalingon naman ako ng may sumigaw mula sa sala ng bahay na inaakupa namin ngayon at ang sumigaw na iyon ay si Tianna Jade ang bunso kong anak na babae.

Mabilis kong pinahinaan ng apoy ang linuluto ko para puntahan ang kambal.

"Why?"tanong ko dito ng madatnan kong umiyak habang nakaupo sa sahig kaya naman ay kinarga ko na ito.

"Kuya Tantan don't want to play with me anymore and I think he hate me na." sumbong nito saakin habang humihikbi at nagpupunas ng luha sa mga mata tinignan ko naman si Tantan o Tristan Jake ng nagtatanong na mga tingin.

"Ayoko lang maglaro ng doll mo Tia you know naman na kuya is a boy."paliwanag nito habang nakatingin sa kakambal.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pinag aawayan ng dalawang ito.

"Tia alam mo naman na mas gusto ng kuya mo ang mga truck hindi ang doll diba.Saka nagsabi na siya sayo na isasakay nya lang ang mga doll mo sa truck nya pero hindi sya maglalaro ng doll kagaya ng gusto mo."mahaba kong paliwanag na siyang ikinatingin nito sa kuya nito at nagpababa na mula sa pagkakabuhat ko

"I'm sorry po kuya I forgot about that thing,I thought kasi you hate me na."paghihingi nito ng sorry sa kapatid habang nagpupunas parin ng mga luha

"It's ok Tia but please don't cry na, well watch spongebob nalang and before that ligpit muna natin itong mga toys natin."

" Ok po kuya."nakangiti na sagot naman ni Tia sa kuya niya at nag umpisa na nga silang magligpit ng mga pinaglaruan nilang dalawa

"Tatawagin nalang kayo ni mama kung kakain na ng lunch."sabi ko sa mga ito at sumagot anamn sila ng "ok po mama" kaya naman bumalik na ako sa kusina para taposin ang naudlot kong linuluto na sinigang na hipon ang favorite ng kambal.

Matapos kong magluto ng lunch namin ay tinawag ko na ang kambal para kumain.

"Mama kelan po tayo pupunta kela ante Daui? " Tanong ni Tia saakin sa kalagitnaan ng aming pagkain

"Tomorrow pa po". sagot ko naman dito.

Ang ante Daui na sinasabi ng kambal ay ang babaeng tumulong saakin noong makarating ako dito sa Samar.Hirap na hirap ako noong una mag adjust dahil narin sa lenggwaheng kanilang ginagamit.May halong waray at bisaya kasi ang ginagamit nila.

Siya din ang tumulong saakin mag alaga sa kambal.Si ate Daui at ang anak nilang lalaki lang ang nasa bahay ngayon dahil ang asawa nito ay nasa Manila at doon nagtatrabaho.

Sa pamamagitan naman ng pagtitinda ng mga kakanin at meryenda ko naitataguyod ang kambal.Wala akong tinda ngayon dahil nangako ako sa kambal na pupunta kaming bayan ngayon para mamili ng mga gamit nila sa pagpasok sa eskwelahan.

Matapos namin kumain ng tanghalian ay pinaakyat ko na ang kambal sa kanilang kwarto para magbihis ng kanilang damit.Hinugasan ko muna ang pinagkainan namin saka naman ako pumunta saaking kwarto para mag palit ng damit.Isang tshirt na puti ang isinuot ko at pantalon.Pinaresan ko naman ito ng sandal.

Matapos kung magbihis ay nadatnan ko ang kambal na abala sa pag aayos ng kanilang sapatos.Sa edad na tatlong taon ay gusto nilang maging independent kaagad.Ayaw nilang tinutulongan ko sila sa mga bagay na kaya naman nila.Gaya ng pagbibihis ng kanilang damit at kahit sa pagkain ay mas gusto nilang gawin iyon mag isa.Ang dahilan naman nila saakin ay malaki na daw sila at hindi na baby.

"Let's go na mga babies ni mama."aya ko sa mga ito ng matapat ako sa pwesto nila.

Sabay naman ang dalawa na napalingon saka bumusangot.

"Mama we're not baby anymore."magkasabay na bigkas ng dalawa kaya naman napatawa ako.

"Ok ok hindi na po, let's go na mga palangga."nakangiti kong aya sa dalawa.Lumiwanag naman ang mukha ng dalawa saka nauna pang lumabas saakin sa bahay.

Linock ko muna ang pinto ng bahay namin at siniguradong nakasarado lahat ng pwedeng pasokan.

------------------------





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE NIGHT MISTAKE Where stories live. Discover now