Chapter 1

13 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

Shit! I'm gonna be late. Kung bakit kasi mas pinili kong manood ng k-drama kesa matulog ng maaga. It's your own fault Amber kaya tama na ang reklamo mo at bilisan mo na lang.

Buti na lang at mabait si manong guard kaya naman nakapasok pa rin ako dito sa loob ng school kahit late na late na ako.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng campus ay nilingon ko muna ang guard bago ako tuluyang tumakbo. Oh my god late na late na talaga ako mapapagalitan nanaman ako nito ng professor at ni Alleah, ang pinsan ko. Ngunit pagliko ko sa hallway ay hindi ko inaasahang may makakasalubong ako. At dahil nga tumatakbo ako ay parehas kaming natumba sa sahig. Nabitawan ko rin ang mga dala ko dahil doon.

"A-aray ko." Mahina kong sambit at agad na pinulot ang mga dala kong ngayon ay nagkalat na sa sahig.

Maya-maya naman at may tumulong sa aking magpulot ng mga gamit ko kaya naman nag-angat ako ng tingin. Oo nga pala may nakabanggaan ako.

"Sorry hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako-"

Ang tangi kong nasabi dahil pag-angat ko ng tingin ay tila bumagal ang takbo ng oras. Ito na ba ang sinasabi nilang love at first sight? Erase, erase hindi yan ang tamang oras para magpantasya ka Amber. Pero ang gwapo niya ha in fairness.

"No it's fine Miss. Here's your things." Wika nito ngunit hindi ko siya nasagot kaagad.

"Uhh... Miss? Are you okay?" Tanong nito sa akin at iwinagayway sa harap ko ang palad niya.

Doon lang ako napakurap ulit. Nakakahiya natitigan ko na pala siya ng hindi sinasadya. Jusko lord! Pwede bang lamunin na lang ako bigla ng sahig na kinatatayuan ko?

"Ay halla s-sorry." Paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko.

Bahagya naman itong tumawa dahil doon. Gusto ko na lang maging bato sobrang nahihiya na talaga ako. I'm signing off as a human, I'm a rock now.

"Here. Mukhang nagmamadali ka." Sabi nito ulit at muli ay iniabot sa akin ang gamit kong pinulot niya kanina mula sa sahig.

Agad ko naman itong inabot habang nakayuko pa rin.

"Th-thank you." Pagpapasalamat ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa sahig.

"I'm Maverick. Nice to meet you." Pagpapakilala nito sa akin nang tuluyan na kaming makatayong dalawa.

Iniabot nito sa akin ang kamay niya sign na nakikipagkilala nga ito. Agad naman akong nataranta dahil dito. Teka baka marumi ang kamay ko o ano jusmiyo. Ano na nga ba ang pangalan ko? Ahh Amber! Oo Amber ang pangalan ko. Jusko ha nakakita ka lang ng gwapo nakalimutan mo na ang pangalan mo.

"A-Amber. Ikinagagalak kong makilala ka Maverick." Sabi ko at inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Amber... what a pretty name. It suits you." He complimented.

Nag-angat naman ako ng tingin dahil doon. Muli, nasilayan ko nanaman ang taglay niyang kagwapuhan. No kidding everyone he really is handsome.

"You should get going Amber. Time's ticking." Maya-maya at sabi nito. Doon ko lang naalala na late na nga pala ako.

"Shit! I'm really dead now the prof's gonna kill me." Nasabi ko na lang at dali-dali ng umalis sa harapan ni Maverick.

Pero bago pa man ako makalayo sa kinatatayuan nito at huminto pa ako ulit at hinarap siya.

"Thank you for helping me pick up my things Maverick. See you around!" Malakas kong sabi at tumakbo na papunta sa building namin.

As I walk closer in our classroom my heart keeps beating  so fast. First because I'm about to get scolded because I was late and second IS because of Maverick.

RejectionWhere stories live. Discover now