Chapter 6

3 1 0
                                    

"What if umamin na ako?" Tanong ko sa pinsan kong busy sa tabi ko.

"I'm telling you, kapag umiyak-iyak ka dyan talagang tatamaan ka sa akin."

Humarap naman ako sa kanya at sumimangot.

"He's been giving me mixed signals for days! Gawd I need to know kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin!" Protesta ko sa pinsan ko.

"Right, malalaman mo ang sagot niya through confessing to him. But you'll end up happy or sad based on his answer to you." Wika naman nito.

Sumimangot naman ako ulit dahil doon. Pero tama naman siya, it's either magiging masaya ako kasi parehas kami ng nararamdaman o malulungkot ako dahil hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayos lang naman pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan dahil sa ideyang iyon. Anyways determinado talaga akong umamin sa kanya. It's now or never.

"Kahit na! Aamin pa rin ako!" pangangatwiran ko naman.

I heard Leya sigh and looked at me with a poker face.

"Isa pang iyak mo sa akin talaga Amber kahit pinsan kita tatamaan ka talaga sa akin." Pagbabanta pa rin nito sa akin.

Magsasalita pa sna ako nang biglang dumating si Luan.

"Morning Amber! Hi frog!" Pagbati sa amin ni Luan. Nasa likod niya naman si Maverick.

"Why hello there ugly horse." Walang emosyong wika ni Leya.

"What are you guys talking about? Who's confessing to who?" Tanong naman ni Maverick.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Narinig niya 'yon?

"N-no one?" Patanong kong sagot dito.

Nagkatinginan naman si Luan at Leya dahil sa naging sagot ko.

"Are you sure?" Hindi pa rin kumbinsidong tanong nito sa akin.

"Ye-"

"Actually balak ng pinaka-mamahal kong pinsan na umamin sa taong gusto niya." Pagsingit ni Leya.

I thought ayaw niya akong masaktan? Why is she telling Maverick that now?

"Really? Who's the lucky guy?" He looked interested now. Great.

"Ika-" Hindi natuloy ni Luan ang sasabihin niya dahil agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Luan walang bukingan please." Sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang tumango kaya binitawan ko na siya.

"Secret muna baka ireject rin ako eh." Pagsagot ko sa tanong ni Maverick kanina.

"Why would he reject you though?" Muli ay tanong nito.

"Because I get this feeling that he won't be able to reciprocate my feelings for him." Diretso ang tingin kong sabi kay Maverick.

Matamaan ka na please. Napaka-manhid mo eh tapos nagbibigay pa ng mixed signals. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-assume.

"Kung ako yan Amber ikakain ko na lang." Maya-maya ay sabi ni Luan na siyang nagpangiti sa akin.

"Puro ka kain Luan." Pangongontra naman ng pinsan ko dito.

And they butted heads again. Naku talaga ang dalawang ito. Natigil lang sila sa pag-aasaran nang tumunog ang bell.

"Halina kayo at baka mahuli pa tayo sa klase." Pagyaya ko na sa kanila at kinuha na ang bag ko.

"Mamaya ka lang sa akin Luan." Narinig ko pang sabi ng pinsan ko tsaka sumunod sa akin sa paglalakad.

Tumabi naman sa akin si Maverick.

"Let me carry your bag for you." Gentleman na sabi ni Maverick sa akin at mabilis na nakuha ang bag ko mula sa balikat ko.

Ayan nanaman po siya sa mga ganyang galaw niya. Sinong hindi mahuhulog sa kanya kung ganyan siya diba?

"B-but you don't have to." Pautal-utal kong usal.

"Pero gusto ko." Sabi niya naman.

Natahiik naman ako dahil doon. Ano ba talaga ako sayo Maverick?

"Ano ba talaga ako sayo Mavey?" Wala sa sarili kong nasambit.

Napatingin naman siya sa akin.

"Did you say something?" Tanong sa akin ni Maverick.

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil doon. Did I say that out loud? What if he clearly heard what I said? Jusko muntik ka na Amber.

Hindi naman ganon kalayo ang classroom namin sa lagi naming tinatambayan ni Leya tuwing break kaya naman hindi ri kami masyadong natagalan sa paglalakad. Malaki ang pasasalamat ko at wala pa ang professor namin kaya naman hindi kami nasermonan dahil nalate na kami ng ilang minuto paa sa klaseng ito.

"Here's your bag Amber. Doon na kami sa likod ni Luan." Sabi ni Maverick at iniabot sa akin ang bag ko.

"Th-thank you." Wala sa sarili kong sabi 'cause once again I was starstrucked by him.

"Hoy! Baka matunaw!" Pagpukaw ni Luan sa akin.

"Ay sorry! I didn't mean to stare to Mavey that long." Wika ko t nag-iwas na ng tingin.

Narinig ko namang tumawa si Maverick dahil doon. My ghad nahalata niya na ba ako? Pwede bang maglaho na ako kahit ngayon lang at mapunta sa Lireo?

"Shut up ugly horse and don't tease my cousin. Doon ka na nga sa likod." Pagtataboy naman ni Leya kay Luan.

"Sungit." Mahina namang sabi ni Luan tsaka nagpunta sa likod kung saan sila pu-pwesto ni Maverick.

Naiwan naman si Maverick na nanatiling nakatitig sa akin. Halla mga bhie! Nakakakaba na siya jusko!

"Uhm... may mali ba sa mukha ko? May dumi ba?" Maya-maya ay hindi ko napigilang itanong.

Kasi naman kanina pa siya nakatayo dito sa table namin tapos nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maconcious dahil sa ginagawa niya.

He then laughed again as his response to my question and slighty shooked his head. And then once again he looked at me as if he's memorizing every detail of my face and patted my head before going to Luan.

Pag-alis niya sa harapan ko napatunganga naman ako. What was that for? Nakaka-frustrate na this ha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RejectionWhere stories live. Discover now