Chapter one: "IN THE BEGINNING"

1 0 0
                                    

Humahangos ang tibok ng puso ng isang babaeng hindi nakikilala dahil sa kadiliman ng gabi. Tanging anino lamang niya ang mapapansin dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo na parang may tinatakbuhang kung sino man. Bumubuhos man ang malakas na ulan ay patuloy ito sa kanyang pagtakbo. Ngunit naharang siya ng hindi maaninag na mga nilalang, kaya't siya'y huminto. Ngayon ay masisilayan na ang kanyang mukha na kasing puti ng isang nyebe ngunit balot ng pulang tela at sa kanyang likuran ay matatagpuan naman ang sanggol na balot ng puting tela na kasalukuyang natutulog ng mahimbing. Nagliwanag ang kanyang mga mata at unti unting nabuo ang mga nilalang na hindi mawari, humugis ito ng kanyang anyo at unti unti itong nagsidilat. Unti unti itong nagsikilos at nilabanan ang mga nilalang na handang harangin ang babae upang kunin ang nakatagong sanggol sa kanyang likuran.

Isang sanggol na walang kaalam alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Tahimik itong natutulog sa likuran ng babae.

Ilang saglit lang ay huminto siya at inalis sa kanyang likuran ang sanggol para yakapin dahil unti unti ng lumabas ang kanyang malaking pakpak na kasing puti ng isang magandang gansa. Sinimulan niyang ipagaspas ang kaniyang pakpak ngunit dahil sa matinding pagbuhos ulan ay hindi niya magawang makalipad ng mabilis. Ngunit sa hangarin niyang makarating sa isang lupaing matatanaw sa kalangitan ay ininda niya ang kabigatan ng kaniyang mga pakpak at pilitang lumipad hangang makarating sa itaas.

Pabagsak siyang lumapag kaya't nagising ang sanggol na kaniyang hawak. Isang matinding pagtataka sa mukha ng sanggol na parang nagtatanong sa nangyayari. Muling nagliwanag ang mga matang ng babae at unti unting lumitaw ang baging nahumigis sa isang marka ng bituin na may maliit na hugis ng buwan sa gitna nito at isang liwanag ang lumitaw.

Ngunit biglang nangamba ang babae pagkat naramdaman niya ang pagdating ng kung sino man. Lumapag ang isang lalaking may itim na pakpak na parang isang uwak. Balot ng kadiliman ang buongg pagkatao at namamatay ang mga mahihinang nilalang na lumalapit rito.

"ibigay mo ang bata sa akin" utos ng lalaki nilalang.

Mula sa kanyang palad ay unti unting nabuo ang yelong palaso.

Tinusok niya ang palaso sa kanyang dibdib at agad hinagis ang sanggol sa gitna ng marka.

"Hindi!" sigaw ng lalaki.

Mabilis ng lumutang paakyat ang sanggol sa gitna ng marka at unti unting lumalakas ang liwanag. Kasabay ng pagdaloy ng dugo ng babae na sumusunod sa markang gumuhit kani kanina lamang. Hinabol ito ng lalaki palipad ngunit huli na ang lahat. Kahit pa inilabas na niya ang kanyang itim na espada at inihagis sa sangol ay tumilapon lamang ito. Unti unting naglaho ang bata at ang liwanag mula sa marka. Kasunod nito ang pangingitim ng baging at unti unti nitong pakadurog hanggang maging abo na tuluyang nabasa ng malakas na ulan.

Wala ng nagawa ang lalaki kaya't binalikan niya ang babaeng nauubusan na nang dugo dahil sa pagtusok niya sa kanyang sariling dibdib.

"Hahanapin ko ang iyong anak! Tandaan mo to, kung nagawa kitang hanapin ng hindi nagigising ang iyong pagiging hinirang. Kayang kaya ko ring hanapin ang pinakamamahal mong anak! Hindi na ako muling papayag na mangyari ito. Hinding hindi na madudugtungan ng bagong propeta ang iyong anak. Walang sino man ang tatapos sa aking buhay! Nakakalungkot isipin na masasayang lang ang inyong sakripisyo ninyong magina." Sambit nito at tuluyang lumisan.

Ngumiti ng nakapikit ang babae at sinambit sa kanyang isipin, "siya ang tatapos sa iyong kasamaan, isinilang na ang totoong hinirang at propeta ng aultheorah!".

Bumagsak at dumausdos ang lalaking may itim na pakpak sa isang mansyon na napapaligiran ng mga nilalang na nakaitim na kasuotan. Sinalubong siya ng mga ito at binuhat upang dalhin sa isang bakal na kahong nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng isang markang hindi mawari ng paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phrophecynne ThoeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon