May pinagkakaguluhan sila mukang si E.J. yata ang pinag-uusapan nila..
Nung dumaan ako sa Harap nila nahakot kong atensyon nilang lahat....
"Anong Meron?" Nagtanong ako pero walang sumasagot nagtitinginan lang sila............
"Hindi mo pa ba alam?" Sabi sakin nung isa kong classmate...
"Ang alin?" Tanong ko ulit sa kanila...
"Hindi mo alam kung anong nangyari sa boyfriend mo ?Naaksidente si Jamiel nasa ospital siya ngayon"
"Saang ospital?" bigla akong kinabahan non iniisip ko kung anong nangyari Kay E.J.
Pumunta ko sa ospital na sinabi ng classmate ko ..nakita ko sa labas ng ospital yung cousin ni E.J. nakita niya ko agad .....
"Alexa pano mo nalaman ?" Hindi pa siya nakakatapos magsalita sumingit na ko agad....
"Sinabi ng classmate ko.Si E.J. ?" Hindi ko alam kung bakit pero nag-aalala ko sa kanya o Baka naman baguguilty lang ako kasi iniwan ko siya.......
"Nasa kwarto"
"Anong nangyari?" Pumasok na kami sa loob at nangunguna pa ko...at kitang kita ni Brent ang pag-aalala sa muka ko....
"Relax ka lang he's okay" pagpapakalma niya sakin.
"Anong sabi ng doctor ?"
"Minor injuries lang daw at magpapahinga lang siya para maka recover siya agad.." Hinawakan pa nga niya ko sa magkabilang balikat .
"I'm sorry Alexa" biglang nagsalita si E.J.
"E.J.? Anong okay ka lang ba ? Gusto mo tumawag kami ng doctor ? "
"No need.gusto kitang makausap Alexa"
"Jamiel wag mo munang isipin yon ang importante maging okay ka kaya please lang makinag ka muna sakin kahit ngayon lang."tinitigan ko siya at binalingan ko naman si Brent..
"Tumawag ka ng doctor "pag-alis ni Brent hinawakan ni E.J. yung kamay ko.
"Bakit mo ginagawa to? Diba dapat galit ka sakin dahil anak ako ng lalaking nanakit sa Nanay mo." Natahimik ako at napaupo na lang sa tabi nya.
"Oo tama ka,pero na realized ko na hindi mo naman kasalanan na naging anak ka nya." Hawak pa din niya yung kamay ko at nginitian niya ko....
"Willing akong magapologized sa mama mo"
"Hindi na kailangan E.J. Matagal ng tapos yon nangyari ng nangyari hindi na natin maibabalik pa"

BINABASA MO ANG
Can this be love?
RomanceCan this be love? Kapag masaya sa tuwing nakikita mo sya? Can this be love kapag hindi buo ang araw mo Kung Hindi mo makikita ang ngiti nya? But can this be love kahit na sinusungitan ka nya at ipinapakita nya na inis na inis na sya sayo kahit wala...