CHAPTER 19 __Vows

45 8 0
                                    

Chapter 19

May pagtatakang palipat-lipat ang tingin ni Wynne sa kanyang mga magulang habang naglalakad sila patungong wedding venue, busy kasi ang mga ito sa kanikanilang cellphone.

"Oi, Ma, Pa! Baka po matisod at madapa kayo n'yan, hindi na kayo tumitingin sa dinadaanan n'yo,"

Nagring pa ang phone ng Mama n'ya na kaagad naman nitong sinagot. Huminto ito sa paglalakad at sininyasan silang mag-ama na mauna na.

"Sino naman kaya ang kausap ni Mama?" Tanong ng isip n'ya. "At sino din kayang ka chat ni Papa?"

Napano ba 'tong mga magulang n'ya? Mukhang nahawaan na ni Bryle, ganyang ganyan din ang ikinilos no'n kanina.

Pagkatapos ng Mama n'yang makipag-usap sa phone,nagmadali na ito upang maabutan sila ng Papa n'ya sa paglalakad,. Nang maabutan sila nito, ay sabay na isinilid sa bulsa ng mga ito ang kanikanilang phone.

Medyo malayo pa sila pero tanaw na nilang nagsimula nang mag march ang mga flower girls at ang ring bearer, kasunod ang mga abay na babae't lalake.

Tanaw na rin ni Wynne ang groom na nakatayo ng paharap sa maliit na lamesang naroon sa flower arch.

Ngayon ay nakaupo na ang lahat sa kanikanilang pwesto. Pero hindi pa niya nakikita ang bride na nag march patungo sa kinaroroonan ng groom. "Nasaan pa kaya 'yon?" Ang tanong n'ya sa sarili.

Three steps na lang at tatapak na sila sa aisle, tumunog ang musical instrument. At na amaze pa s'ya dahil ang kantang tinutugtog nito ay ang A thousand year's, napa Wow pa s'ya sa sa isip dahil, gandang ganda din talaga siya sa kantang ito.

"Ma, Pa, wag tayo dito dumaan sa aisle, nagmimistulang ako ang bride na ini-scort n'yo para ihatid sa altar." Sabi n'ya sa mga magulang sabay hinto sa paghakbang.

"At saan mo naman balak dumaan? Nakita mo naman na wala nang ibang daanan kundi dito lang, kita mong ang mga upoan ay halos nakadikit na sa stand ng mga disinyong bulaklak at ribbons." Sagot ng Papa n'ya.

"Si Papa kasi eh, bigla pang nasira ang t'yan kanina, yan tuloy huli na tayo!" pagmamaktol n'ya.

"Hoy bata ka! wag kang magrereklamo sa'kin, Hindi ko naman sadyang sumakit ang t'yan ko kanina," Sagot naman ng Papa n'ya, inabot nito ang kanyang kananang kamay at pinahawak siya sa braso nito. Habang ang Mama n'ya naman ay hinawakan ang kaliwa niyang kamay, at iginiya na s'ya ng mga ito, para lumakad sa aisle.

"Ano ba 'to? Mas lalong nakakahiya 'tong ginagawa n'yo sa'kin Ma, Pa, tingnan n'yo oh! Ang mga tao, sa atin na lahat nakatingin. Nagmumukha tuloy na ako ang bride nito." Patuloy ang reklamo n'ya.

"Tumahimik ka na lang, mas lalong nakakahiya kung naririnig nila tayong nagtatalo dahil lang sa paglalakad natin dito sa asile." Saway naman ng Mama n'ya.

"Sige na ayusin mo na ang paglalakad mo, wala na tayong ibang choice kundi dito lang talaga tayo sa aisle dumaan.," Pabulong na paliwanag sa kanya ng Papa n'ya.

Nagmistula na talagang siya ang bride. Napapagitnaan siya ng kanyang mga magulang habang nag-lalakad sila sa aisle, nakahawak pa s'ya sa braso ng Papa n'ya, at nakahawak naman sa kaliwang kamay n'ya ang Mama, at sabay silang naglalakad sa Aisle.

"Ano ba 'to Ma, Pa, masyado na talagang nakakahiya-eh! Lahat ng tao sa'kin, sa'tin nakatingin, akala na yata nila ako na ang bride." Panay pa rin ang reklamo n'ya. "Kasalan talaga 'to ng panirang tiyan ni Papa eh! Dapat sana naroon na tayo ngayon nakaupo sa pwesto natin."

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon