Happy birthday

96 6 2
                                    

A/N: HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY LIAM! MAHAL KA NG KULTO. ALAMOYAN! HAHAHA <3

**

"Saranghae Jiyeon noona~"

"Saranghae!" At nakita ko muli ang isa niyang pamatay na ngiti. Naiinlove ako sa tuwing ngumingiti siya lalo na pag sumisingkit ang mga mata niya. T*ngina! Ang bading lang!

Unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Teka.... Lumalapit siya?! Hahalikan ba niya ako? Ayan na... Konti na lang. Malapit na...

"LIAM JOSEPH! SINABING BUMANGON KA NA DYAN!!" Teka... Bakit biglang nawala si Jiyeon? Anong nangyari? Bakit ganito?

Hinanap ko siya pero nawala na talaga siya. Saan siya nagpunta? May powers ba siya at nagawa niya yung ganon? "ISA LIAM! BUBUHUSAN KITA NG TUBIG PAG HINDI KA BUMANGON, HAYOP KA!!"

Biglang naalarma ang tenga ko sa narinig ko kaya dali-dali akong bumangon. Nakita ko ang nanay kong may matalim na tingin sakin, "KAILANGAN MO LANG PALANG TAKUTIN PARA MAGISING KA. ILANG BESES BA KITA DAPAT GISINGIN HA? LAGI KA NA LANG GANYAN. ANG TANDA-TANDA MO NA PERO HINDI KA PA RIN MARUNONG GUMISING NG MAAGA! *blah blah*" At eto na naman po ang mahabang speech ng nanay ko. Hindi ko na siya pinakinggan pa at bumangon na para makaligo.

Sasabak na naman ako sa mala-sardinas na buhay sa LRT. T*ngina naman kasi. Fresh ka pagpasok tas paglabas, akala mong ginahasa ka. H*yup na buhay.

Natapos na kong mag-ayos kung kaya't kinuha ko na ang bag ko para makaalis na, "Ma! Baon ko!" Hiyaw ko sa nanay kong nasa kusina. Kumuha na lang ako ng tinapay at itlog.

"Baon na naman?! Naubos naba yung perang binigay ko sayo ha? Anong akala mo sakin, nagtatae ng pera?! Aba Liam! Magtipid ka naman! *blah blah*" Eto na naman si mama. Araw-araw tong may speech sa bahay e. Hindi ba siya nauubusan ng sasabihin?

"Ma, dalian mo na. Male-late na ko"

Lumabas siya sa kusina at inabot sakin ang 500 peso bill, "Oyan! Matuto kang magtipid ha! Sinasabi ko sayo! Hindi tayo mayaman para bilin lahat ng luho mo" Umagang-umaga nag papaka-rapper tong nanay ko. Tsk. Nag-mano na lang ako at umalis na para makapunta sa LRT.

Nang makarating ako sa LRT, laking pasasalamat ko dahil konti lang ang tao. Yes! Sa wakas!

Pero syempre, sa kabaliktaran. Asa naman ako. Akala mong may bigayan ng NFA dito sa haba ng pila. Sasabak na naman ako sa sari-saring amoy sa loob ng LRT. Wala nabang iluluwag to?!

Maya-maya pa'y nakasakay na ko. Tulad ng dati, nakatayo na naman ako. Naka-earphones lang ako habang nakikinig ng mga kanta ng T-ara ko. Kung hindi nyo alam, isa akong fanboy. Solid Queen's to! Hindi halata? Gwapo ko kasi.

Nililibot ko ang paningin ko ng makita ko na naman yung babaeng naka-shades, mask at cap. Ang init-init sa loob ng tren pero laging ganyan ang ayos niya. Ako ang naiinitan para sa kanya e. Lagi ko siyang nakakasabay dito. Kasabayan ko nga rin siyang bumaba sa destinasyon ko at sa pag-uwi rin ay nakakasabay ko siya, hindi ko naman makita ang itsura niya dahil nga sa balot na balot nga siya. Teka nga, pake ko ba dito? Tumingin na lang uli ako sa labas habang nakikinig.

Maagang natapos ang klase ko ngayon, wala daw kasi ang prof ko. Kung sineswerte ka nga naman! Makagala kaya muna? Pero h*yop, ano to? Solo flight? Pero pwede na rin. Titingin ako ng bagong sapatos. Tama tama! Pumunta na uli ako sa LRT para sumakay. Syempre, alangan namang bumaba noh?

Hindi ganon karami ang tao kumpara kaninang umaga pero nakatayo pa rin ako. Napalingon uli ako sa paligid at nakita ko na naman siya. Maaga rin ba ang uwian niya? Bakit nakasabay ko pa siya? 8:30 ako sumasakay dito ng kasabay siya at 2:45 pa lang ngayon. Hindi kaya stalker ko to? Ay ang assuming mo, Liam. Pakamatay ka na.

Happy birthday, Liam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon