Chapter 1

13 0 0
                                    

SHIN KYUBIN

Inaawat ko si Nine at Mill na kasalukuyang nag babangayan dahil lang sa walang kwentang dahilan. Simula pa lang sa elementarya ay magkakaibigan na kami at ngayon lang sila nag away ng ganito na nauwi pa sa sakitan. Pareho silang duguan ang bibig at may mga pasa sa mukha.

"Bakit kailangan mong sabihin yan? Wala ka bang respeto sa tao?! Hindi porke kaibigan mo ay may karapatan ka ng kwestiyunin ang kasarian ng iba!" Sigaw ni Mill kay Nine.

"Hindi ko kinukwestiyon! Ang tanong ko lang naman ay kung gay ba si Yoojung o hindi! At wala akong problema kung ano man ang isasagot nya! Anong problema mo doon?!" Sigaw pabalik ni Nine. Napatampal na lang ako sa noo at hindi ko alam na mauuwi itong truth or dare naming laro sa away. Hindi biro itong nangyari dahil nasaktan nila ang isa't isa.

"Itigil nyo na yan, hindi naman importante kung ano ako, ang mahalaga naman ay kasama ko kayo." Tugon ni Yoojung sa kanila pero hindi pa rin talaga natatapos ang tensyon sa pagitan ni Nine at Mill.

"Hindi natin ito dapat pinag aawayan, we're friends and brothers here." Si Jisung.

"Nine, halika at bumalik na tayo sa room mo. Doon ka muna magpahinga at magpahupa ng galit mo." At hinila ni Rie si Nine sa kanyang silid. Hindi naman ito nagpapigil at sumunod na rin ito sa kanya.

Hinila naman ni Jisung si Mill sa kanyang silid upang hindi magtagpo ang landas nila ni Nine. Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa couch. Si Junji naman ay tahimik at itong si Yoojung ay humihikbi. Tumingin ako sa kanya at may namumuong luha sa mga mata nya. Tinapik ko ang balikat nya at tuluyan na syang umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung bakit nagkaganito ang masaya naming paglalaro. Wala naman dapat pikunan pero nangyari na.

Kumuha ng tubig si Junji at ibibigay yuon kay Yoojung. Marahan kong hinihimas ang likod nya at patuloy pa rin sya sa tahimik nyang pag iyak. Wala namang kaso sa aming lahat kung itong si Yoojung ay hindi tunay na lalaki. Biruan lamang pero ang isa sa amin ay napikon ng tanungin ni Nine si Yoojung kung sya ba ay bakla o hindi.

Umalis si Yoojung at nagtungo sa kanyang silid at naiwan kami ni Junji sa salas. Nagtitigan lang kami at parehong humugot ng malalim na hininga.

"Ano sa tingin mo? Bakla ba si Yoojung?" Tanong ni Junji at napangiti na lang sa sarili nya at ako naman ay napailing na lang sa sinabi nya. Hindi ko alam kung sya ba ay binabae o hindi. Malimit syang malambot sa pangangatawan. Kahit gaano siya kagaslaw ay makikitaan mo sya ng kalambutan, madalas sya ang may pinakamaraming skin care sa amin at pinaka maingat sa lahat. Mahinhin rin siya kung minsan at sobrang sweet na tao. Hindi mo mabakas sa kanya kung ano o sino ba sya talaga pero para sa amin ay wala naman iyon. Masaya kami kung saan sya masaya. Pero ano nga ba si Yoojung? Bakla ba o hindi?

**********

AN:

* Maigsi lang po palagi ang update ko.
* May mga vulgar words rin po akong gagamitin kagaya ng bakla at kung ano ano pang cursing words. (Baka lang naman po hehe)
* OnlyOneOf Fanfic po ito kaya kung pamilyar kayo sa pangalan ay masaya po ako.

Enjoy!!!

The BetWhere stories live. Discover now