NINE
Mahapdi ang mukha ko sa ginawang suntok ni Mill, dalawang beses rin yun bago kami naawat sa pagbubuno. Bakit ba s'ya ang mas affected kaysa kay Yoojung e hindi naman sya ang tinanong ko?
"Tumingin ka dito, gagamutin ko yang sugat mo." sabi ni Rie at lumingon sa kanya. May dala syang kit para gamutin ang sugat sa aking mukha. Masakit man pero kailangan 'kong tiisin. Matapos nyang malinis ang mga sugat ko sa mukha ay binalik na nya ang kit para naman daw si Mill ang gamutin ni Jisung. Napabuntong hininga ako at muling inalala ang nangyari. Hindi ko akalain na sa simpleng laro lang ay nauwi kami ni Mill sa suntukan. Sa aming pito, kaming dalawa ang pinakabata at pinakamagaslaw sa lahat, pero hindi ko na-imagine na mag aaway kaming dalawa na mauuwi pa sa sakitan.
Bumalik si Rie na may dalang baso ng tubig. "Uminom ka muna." Inabot nya sa akin ang baso at ininom ko iyon. "Ayos ka na ba? Hindi ka na ba galit?" Tanong nya. Tumango ako at nahiga. Galit pa rin ako pero hindi sa puntong gusto kong matapos ang pagkakaybigan namin ni Mill. Para ko na syang kapatid at hindi ko gugustuhin na mag away kaming dalawa. Pero nangyari na.
MILL
Gusto ko sanang mag sorry pagkatapos kong suntukin sa mukha si Nine pero dalawang araw na ang lumilipas na hindi pa rin nakikipag-usap sa akin, hindi man lang nya ako tinitignan at sa tuwing sinusubukan kong lumapit sa kanya ay lumalayo lang sya. Bumuntong hininga na lang ako at hihintayin ko na lang syang humupa hanggang sa lumambot ang puso nya at makapag sorry sa kanya.
Nag iwan ako ng favorite nyang bulaklak sa pinto ng kwarto nya at naglagay ng notes na 'Sorry, Nine. Love you.' Sana ma-appreciate nya kahit hindi nya agad ako patawarin. Hindi nya yun matitiis dahil Daisy yun at siguradong tatanggalin nya yun. Ngunit dumaan ang buong araw na hindi lumalabas man lang si Nine ng kwarto nya at kahit yung pagkain sa pintuan nya ay hindi nya man lang ginalaw. Nag aalala ako, oo mali ako at nasaktan ko sya pero sana huwag nyang parusahan ang sarili nya dahil lang sa nag away kami.
Kinabukasan ay nag iwan ako ng cake na may Daisy design sa pinto ng kwarto nya at hinintay syang buksan ang pintuan nya para makita ang cake at hindi naman ako naghintay ng matagal at binuksan nya rin ang pinto. Nakita ko na pinulot nya sa sahig ang cake at binuksan yun. Lumingon sya at nagtago ako. Para akong tanga pero masaya akong makita syang kinuha ang cake. Pumasok sya ulit at di na muling lumabas ng kwarto. Nakangiti ako na bumaba at tumabi kay Yoojung. "Kinuha nya yung cake, hyung." Masaya kong bati sa kanya. Tumingin lang sya sakin at ngumiti. "Pasensya na nga pala sa nangyari, hindi na mauulit yun." Ngumiti sya sakin at tumango. "Okay lang yun, Mill. Naiintindihan ko kayo ni Nine." Tumango ako at niyakap si Yoojung.
Mas lalo akong naging masaya ng gabing iyon dahil sumabay na sa amin si Nine na kumain ng hapunan. Gusto ko sana syang kausapin pero baka mawalan ng ganang kumain ang lahat kaya hinayaan ko na lang silang lahat na kumain. Nag uusap usap sila maliban sa amin ni Nine na hindi nagsasalita. Pagkatapos naming kumain ay susundan ko sya para manghingi ng sorry.
Hawak hawak ni Mill ang mga kamay ni at may namumuong luha sa mga mata nya. Hindi alam ni Nine ang mararamdaman dahil hindi nya kailanman nakitang naging ganito ka emosyonal si Mill. "Sorry Nine." Salita nya at naiyak na sya. "S-Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko na yun uulitin." Muli nyang sinabi at hindi na napigil ni Mill na yakapin si Nine at humagulgol ng iyak. Naging emosyonal sya sa paghingi ng tawad kay Nine. Iyon ang unang beses na nag away sila at nagkasakitan kaya marahil ay iyon ang unang beses na talagang nanghingi ng tawad ni Mill. Hinahod ni Nine ang likod ni Mill para pagaanin ang nararamdaman nito. "Sorry rin Mill. Hindi na rin mauulit." At tumingin si Mill sa kanya na may pagningning sa mga mata. Kahit umiiyak ay hindi nya napigilan ngumiti sa sinabi ng kaybigan na tinuturing na rin nyang kapatid.
YOOJUNG
Nakatingin ako sa labas ng bintana at walang kahit na ano ang pumapasok sa isip ko. I don't know what to feel about what happened. Alam kong maayos na si Nine at Mill pero parang ako naman yata ang may sariling mundo ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako pero para saan? Humugot at ng malalim na hininga at parang aatakihin ako sa sikip ng nararamdaman ko. Bukas ay may pasok na kaya dapat na akong mag move on. Baka bukas wala na itong nararamdaman ko. Baka bukas maging maayos na ako.
Sabay sabay kaming pumasok nila Junji, Rie, Jisung, Kyubin, Nine at Mill sa university kung saan kami nag aaral. Iba iba ang kurso namin kaya pagdating namin sa University ay iba iba na ang tinatahak naming landas. Si Junji ay kumukuha ng Civil Engineering, si Jisung ay Music, si Nine ay Nursing, si Mill ay Fine Arts, si Kyubin ay kumukuha ng kursong Teacher. Ako naman at si Rie ay nasa kursong Culinary dahil ang pangarap naming dalawa ay magluto ng masasarap na pagkain. Ngunit magkaiba kami ng section ni Rie kaya hindi rin kami sabay pumasok.
Pagkatapos naming maghiwa-hiwalay ay pumunta ako ng canteen para bumili ng maiinom at tumuloy sa Auditorium ng building at doon magpapalipas ng oras. Wala akong ganang pumasok ngayon at parang gusto ko na lang rin magpahinga. Sana pala ay hindi na ako pumasok. Nag stay na lang sana ako sa bahay. Umupo ako sa sahig at dito ko na lang gugugulin ang oras ko hanggang sa matapos ang kalahating araw at uuwi na lang ako. Wala namang estudyante na pupunta dito ng ganitong oras kaya solo ko ang lugar. Saktong mahihiga na ako ay nakaamoy ako ng pabango ng babae at para pa akong kinilabutan dahil ako lang mag isa rito at may maaamoy akong pabango. Tumayo ako at nag lakad at inaamoy kung saan iyong nanggagaling. Mabuti na lang at aircon ang building kaya madali ko syang mahahanap.
Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa bintana malapit sa lugar kung saan ako umupo. Nakatalikod sya at naka uniform ng pang Nursing. Tinitignan ko sya mula sa likuran nya, multo ba sya?? Magsasalita ba ako o tatakbo?? Tatalikod na sana ako ng makita ko naman ang pagharap nya at medyo nagulat pa sya ng makita ako pero ngumiti rin naman sya agad sa akin. "H-Hello." Bati nya. Nagpawis naman ang katawan ko, hindi ako sanay kumausap ng hindi ko kilala. Hindi ko rin naman sya classmates. "H-Hello rin. Hehe." Bati ko rin sa kanya. Ngumiti sya at lumagpas sa akin.
Huminto sya sa pag lalakad at lumingon sa sakin. "Palagi ka bang nandito?" Gulat kong tanong nya, tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo, kapag ayokong pumasok sa klase, dito ako nagpapalipas ng oras. Wala rin naman palaging tao rito at tahimik kaya, nandito ako palagi." Tumango sya at ngumiting muli sa'kin. "Kung ganun, pwede bang dito muna ko? Ayos lang bang pumunta rin dito kapag ayokong pumasok sa mga subjects ko?" Tanong nya at natawa naman ako. "Oo naman! Welcome ka dito!".
"Ako nga pala si Film."
YOU ARE READING
The Bet
RomanceWhat if the person you love for the first time fool you? What are you going to do?