CHAPTER 3

5 0 0
                                    

YOOJUNG

It's been 3 weeks since I met Film and I felt so happy and glad to meet new friends. Hindi ko sinabi sa kanila na may nakilala akong babae at palagi kaming nagkikita sa Auditorium ng school. Madalas kaming kumain doon pagkatapos ng klase at nag k-kwentuhan. Masaya syang kasama at hindi ko in-expect na magiging magkaybigan kami. Nagpalitan rin kami ng social media at kahit doon ay nag uusap kami. Hindi kami nawawalan ng topic at hindi kami nauubusan ng oras sa pag uusap.

"Yoojung, gusto mo bang magdala ako ng lunch bukas?" Tanong ni Film sa akin sa videocall. "Wag na. Kasama kong mag lunch ang mga kaybigan ko." Napangiwi sya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Napabuntong hininga ako at nag isip ng paraan para naman maging okay sya kahit hindi nya ako kasamang mag lunch bukas. "Gusto mo bang magkita tayo sa weekends? Treat kita kahit saan mo gusto." Tanong ko at nakita kong nagningning ang mga mata. Mabilis syang tumango at ngumit na parang walang nangyari. Napangit ako nang makita ko ang ginawa nya. Mabuti naman at nagustuhan nya yung offer ko.


"Yoojung tara sa Tagaytay?" Si Film habang kinakain nya yung dala dala kong waffle dito sa Auditorium. Tumango ako at ngumiti. "Sige, pupuntahan natin yan." Napangiti sya ng maluwang at pinisil ko naman ang mga pisngi nya. "Alam mo, ang gwapo mo. Kaso mukha ka pang mas maganda sa'kin." Natawa ako sa sinabi nya. Expected ko na yata na sasabihin nya yan dahil marami na ring nagsabi sa'kin nyan. "Pero alam mo mas gusto kong sabihin na mas gwapo ka kaysa sa mas maganda ka." Napa hinto naman ako sa pag ngiti. "Bakit naman?" Tanong ko pero hindi naman sya sumagot. Hindi ko na rin sya kinulit, baka sa paningin nya magandang lalaki talaga ako.

Dumaan ang buong linggo at nagpaalam ako sa mga kasama ko sa bahay na aalis ako ng weekend. "Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Kyubin. "Siguro kasama mo yung babaeng nakilala mo sa Auditorium?" Si Rie na nakangisi na para bang nang aasar. Sa kanya ko lang sinabi ang tungkol kay Film pero heto sya ngayon, looks like someone is spilling the tea. As always, spoiling everything. Napakurap na lang ako at hindi ko alam ang sasabihin. "May nakilala kang babae? Are you guys dating??" Tanong ni Kyubin kaya naman napailing ako ng husto. "Hindi ganon yon, walang ganon Kyubin. Magkaibigan lang kami at wala pa sa isip ko ang makipag relasyon." Paliwanag ko at mukha namang naniwala si Kyubin.


Kyubin is the oldest one in my circle of friends. Kuya namin sya nila Junji, Rie, Nine, Jisung at Mill. Lahat naman kami ay malapit sa kanya at gustong gusto ko ang pag aalaga nya sa aming lahat na para bang responsibility nya kaming lahat. Nagluluto sya para sa amin at minsan ay nag g-grocery sya para sa aming lahat ng walang reklamo o hinihingi na kapalit. Mahilig syang mang spoil lalo na sa pinakabata sa aming lahat, kay Mill at Nine. Gustong gusto naman nung dalawa dahil para na rin silang nagkaroon ng totoong kapatid dahil unfortunately lahat kami ay solong mga anak. Nagkakilala kaming lahat noon elementarya kami at consistent kaming magkakaklase. Kaya ganun na lang ang pagiging malapit namin sa isa't isa.

Matapos kong ihatid si Film sa kanilang bahay ay dumiretso na rin akong umuwi. Pagod ako sa pag d-drive at paglalakad kung saan saan. Sobrang likot ng paa ni Film at parang hindi sya nauubusan ng lakas, ako naman ay pakiramdam ko isa akong Lolo na may masakit na katawan. Napailing na lang ako habang nakangiti at napaupo sa aking kama. "Ngiting ngiti ah, mukhang may naka score sa date?" Si Rie na para bang nang aasar. "Hindi nga sabi date yon, at hindi kami magkarelasyon." Nakangiti pa rin si Rie at hindi mawala wala sa mukha nya yung pagdududa. Tumango tango sya at naghalukipkip ng kamay. "Sige, naniniwala ako, sabi mo e." Sabay tawa nya at alis sa pintuan. Umiling na lang ako at wala na talaga akong magagawa sa taong yan. Hindi ka naniniwala, then be it. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nag asikaso ng sarili para matulog.

KYUBIN

Malayo ang tanaw habang may hawak na alak, hindi ko alam ang nararamdaman ko, simula ng malaman ko kaninang umaga na may nakilala si Yoojung na babae sa school ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may milyong milyong karayom sa dibdib ko. Parang gusto kong bantayan si Yoojung at ikulong na lang sa mga bisig ko. Over protective ba ako o ano? Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Buntong hininga na lang ang tanging nakakapag bigay ng luwag sa aking dibdib. Inubos ko ang laman ng bote at nagbukas pa ng isa. At ng isa pa. At ng isa pa. Hanggang sa naubos ko na pala itong alak na nandito sa aking silid. Nilukot ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay at napa upo na lang sa lapag. "Yoojung...." ungol ko at tuluyan ng nakatulog.

Pagdilat ng mata ko, pakiramdam ko ay may kakaiba akong nararamdaman na ngayon ko lang naranasan. Hindi ko gusto ito at hindi ko kailanman hiniling. Kahit mabigat ang mga paa ay pinilit ko pa rin na gumayak. "Good morning, Hyung." Bati ni Mill at Nine na naghahanda ng mga pinggan para sa umagahan. "Good morning, Kyubin Hyung." Bati naman ni Jisung sa akin na may daldalang fried rice. Tumango lang ako at naupo at walang ganang kumain. "Hyung, okay ka lang ba?" Tanong ni Mill, tumango ako at tumingin sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang inoobserbahan ako. "Naparami ako ng inom kagabi, kaya parang may hang over pa ako." Paliwanag ko. Tumango naman sila tanda na naniwala sila sa sinabi ko. "Dapat uminom ka ng hot coffee." Tumingin ako sa likod at nakita si Yoojung, nakangiti sya sa akin. "Good morning sa inyong lahat." Bati nya. Hindi naman ako kumibo at syempre masayang bumati si Nine at Mill sa kanya. Bumuntong hininga ako at tumayo. "Hindi pa ako gutom, magbibihis na muna ako." Tahimik silang pinagmasdan akong umakyat ng hagdan.

Sorry, I can't explain myself, I can't even understand myself either.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The BetWhere stories live. Discover now