Chapter 10
Ahlyanna P.O.V
pagkapasok ko sa loob nakita ko kaagad si kuya
"Princess Bakit ngayon kalang? Akala ko ba nakauwi kana?"Tanong ni kuya
"Next time nalang tayo mag usap kuya inaantok na ko"Sabi ko at dumiretso na paakyat ng hagdanan pero nang nasa pangatlong baitang ng hagdanan palang ako nag salita si kuya
"Saglit lang Yanna, Gusto kitang kausapin bakit ka nag sinungaling sa akin"Sabi ni kuya
Tumigil ako sa pag lalakad at humarap sa kanya
"Yang Saglit mo kuya tatagal yan kaya bukas na tayo mag usap"Sabi ko
"Ano ba naman yanna Sabihin mo nga sa akin ano bang nagawa ko sayo?"Sigaw sa akin ni kuya
Bigla naman tumaas sina Cassie at pumunta sa Room nila
"Anong nagawa mo? Nagsinungaling ka sa akin ang sabi mo mag babonding tayo! Pero saan napunta kayo ni ate alexandrea ang nag date tapos sabi mo Treat mo ko pero nagutom ako doon, At sabi mo maguusap lang kayo ni ate Alexandrea saglit lang pero di ka na bumalik ang tagal kong nag antay doon kuya para akong tanga kuya"Sabi ko at naglakad pataas pero nag salita ulit sya
"Sorry Princess"Sabi ni kuya
Humarap naman ako sa kanya
"Sorry? Sorry lang kuya? Minsan lang tayo mag kita mag sama mag bonding pero yung pag kakataon na yun napunta sa wala ang hinihingi ko lang naman sayo konting oras mo tapos bukas babalik kana sa Korea"Sabi ko
Oo magkasama si kuya at yung Girlfriend nya sa Korea one month sila doon umuwi lang si kuya dahil gustong makausap si mama at papa
Pumunta na ko sa Room ko at doon umiyak ng umiyak
Alexander P.O.V
Monday nanaman tsk tsk
"Tol, Dota tayo mamaya"Sabi ni Trade
"Lol laos na dota"Sabi naman ni Tyrone
"COC nalang"Sabi ni Tristan
"Laos na rin yan"Sabi ko
"Ano ba yan Wala namang magawa Fluppy Bird nalang"Sabi bi Tyrone
Nandito kami ngayon sa Rooftop ng Campus
"laos na yan Angry Birds nalang"Sabi ni Trade
"Tsk baliw kaba? Mas nauna nga ang angry Bird sa Fluppy bird tapos ang uso parin Angry Bird? Nagpapatawa kaba?"Sabi ni Tyrone
"Eh mga Sira naman ang utak nyo eh! Kung ang COC nga Laos na Yan pa kayang sinasabi nyo"Sabi ni Tristan
Wala akong ginagawa kung di nakatitig sa kwintas na suot ko Yung bigay sa akin ni Anna Habang sila nag tatalo talo doon kung anong magandang laruin tsk tsk
"Hoy pareng Xander anong magandang laruin?"Tanong ni Trade
" Scrabble"Mabilis kong sagot sa kanya.at tumingin ulit sa kwintas
"Ha? Scrabble nakakaNose bleed yun"Sabi ni Tyrone
Nasan na kaya si Anna, May Boyfriend na kaya sya, Takot pa kaya sya sa multo kahit dalaga na sya? Sabagay si Yanna nga takot sa Multo kahit malaki na, May bago na kaya syang bestfriend? Apat na taon na kami dito sa pilipinas pero di ko parin sya nakikita, Sya lang yung babaeng Pinangarap ko yung pinangakuan ko ng Kami ang ikakasal! Haaay Nasan kana ba Anna Mendez, Oo parehas sila ng Surname ni Ahlyanna,!! Aha baka kilala ni Yanna Si Anna but its Impossible kung kilala nya si Anna sana bagong kita palang nya sa Necklace ko na may pangalang Anna kilala na nya haaaaayy,!! Oppps pero pwede din naman na kilala nya kasi Pangalan lang yung alam nya hindi ang Surname,, Oo Tama
"Mga Tol tara na sa Room"sabi ko sabay kuha ng bag at baba sa Rooftop sumunod naman sila habang nagtatalo parin kung anong laro ang gagawin nila tsk tsk tsk
Nandito na sa Room sila Yanna nandito din si Nerd
Si Denise lang talaga ang nakilala kong Nerd na malakas ang loob, na minsan sumasabay sa kalokohan yung nakapag Bati sa amin Ang Nerd na malakas mang Trip ayan si Denise pero minsan inaasar namin yan kay Kean eh!
umupo na kami sa arm chair namin sa likod nila Yanna
"Yanna"Tawag ko sa kanya pero lahat sila nakatingin sa akin Kami kami lang naman nandito pati sina Michelle,Kean at Denise tapos may konti ding Classmate namin
Tumingin ako sa kanilang lahat at sinabi sa kanila
"Ilan ba Yanna dito? Pati ba lalaki Yanna narin pangalan, bakit kayo nakatingin lahat?"Tanong ko sa kanila
Napaiwas naman sila ng tingin at napangisi nalang si Yanna
"Ba-Bakit ba?"tanong ni yanna habang nagpipigil ng Tawa
"May kilala ka bang Anna Mendez?"Tanong ko
"ANNA MENDEZ? ANNA TALAGA?"pasigaw na tanong nila Cassie,, silang Tatlo sumigaw maliban kay Yanna kaya napatingin ako sa kanilang tatlo
"Oo bakit? Kilala nyo sya?"masayang tanong ko sa kanila
Nagtinginan muna silang tatlo at parang nag sisinyasan
"Kilala nyo ba sya?"tanong ko ulit
"Oo aba Hindi"Sabi nilang tatlo
"parang may mali ? Parang may di kayo sinasabi sa akin?"Sabi ni Yanna
Naguguluhan nadin ako sa kanila! Sa tingin ko kilala na nila si Anna, Makikita ko naba si Anna?
Nasan kaya sya
~~~
#BITIN
Hahaha okay lang yan may next Chapter pa naman eh! Makikita na kaya ni Xander si Anna?

BINABASA MO ANG
First at Fight, Last at Love
Novela JuvenilAnyeong Haseyo Read the BOOK 2 Kamsahamnida ^_^