2- Royals and Scholars

3 0 0
                                    


Unedited

Erin's POV

"Erin!" Lumingon ako sa may likuran ko. Walang tao. Weird.

"Nandito ako sa taas!" Tumingin ako sa taas. Papunta kasi ako sa may lounge kasi ng utos ng VIP. Rule number one sa pagiging slave nila: don't EVER complain and do the things they want you to do or else...

"Uy Matt" walang gana kong sabi kay Matt.

Matthew Alexander Lightwood. Pang prinsipe ang pangalan, pang prinsipe ang dating, pang prinsipe din and kagwapuhan. Isang Royal at Royal Academy's 'Prince'. In short, isang taong di ko reach at di ko kauri pero kung umasta naman parang best friend kami.

"Ang daming bags mo naman. Anong meron?" tanong niya sabay talon mula sa taas. Pang prinsipe din ang talon niya. Ano kaya ang di pang prinsipe sa taong toh?

"So ano na? Bakit ang dami mong bags?" Napatingin naman ako sa mga dala kong bags. Kailangan ko pa pala dalhin ito sa may lounge area.

"Di mo pa alam?"

Naglakad na ako papasok sa lounge area ng mga Royals habang naka sunod sa akin si Matt.

Napahinto naman ako kaagad sa may bukana ng lounge. Hindi pa rin ako nasasanay sa structure ng lounge. Isa ito sa mga favorite kong lugar dito sa Royal Academy kahit di naman ako palagi nandito. Pinto pa lang talagang mapapahinto ka na sa ganda ng design lalo na ang loob.

Magnificent, amazing, wonderful, artistic, well thought off..lahat ng magagandang pwedeng idescribe sa isang structure yun na ang description ng lounge.

"Ano bang meron ang lounge at parang manghang-mangha ka sa tuwing nandito ka?"

Napalingon naman ako kay Matt na nakalimutan ko nasa likuran ko pala. I scoffed at his question.

"Ano bang meron sa inyo at parang di ninyo appreciate ang lounge?" pabalang kong sagot sa kanya.

Tch. Typical royals. They never appreciate anything given to them kahit gaano pa kaganda ang bagay na yun.

Pumasok na ako ng lounge and as usual crowded ito. Mga royal girls na hawak-hawak ang mga phones at make-ups nila habang ang mga Royal boys naglalaro ng soccer kahit bawal. Kelan ba sumunod ang mga royals sa mga rules sa RA? Never.

Dumiretso na ako sa 'place' ng VIP. May isang malaking couch kasi na reserved lang para sa kanila at well kay Matthew at sa boyfriends ng VIP.

"Hindi naman sa di ko appreciate ang lounge, OA lang kasi talaga palagi reactions mo"

Di ko pinansin si Matt. Ayokong may makakita sa akin na kausap si Matt, mahirap na baka isumbong ako kay Victoria tapos ma extend pa yung pagiging slave ko. Ang pagkausap pa naman kay Matt ang dahilan kung bakit na slave ako ng VIP two months ago.

Mabilis akong lumabas ng lounge para di nako mahabol ni Matt. May pagkakulit yung isang yun.

Lumingon ako ulit sa lounge. I sighed. Kung pwede lang ang scholars dun, kung pwede lang sana kami dun any time..kaso hindi pwede. Bawal kami sa lounge. Di naman sa rule yun ng school, sadyang naging rule na lang yun all of a sudden. Discrimination tss.

"Erin!!!!!"

Lumingon na naman ako for the second time this morning. Si Samy lang pala. Actually Sam Cojuanco is his real name pero Samy ang gusto niya. As you can guess, he or she is something.

"Oh Sam?" bati ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo Erin! Samy hindi Sam!"

Napatawa naman ako sa outburst ni Sam. Sensitive kasi siya sa name niya. Nakaka degrade daw ng kagandahan ang Sam.

"Okay Samy na sige. Huwag ka ngang nguwa ng nguwa diyan" natatawang sabi ko. Mukha na kasi siyang ewan sa ginagawa niya, OA masyado ang reactions kahit kailan.

Pumasok na kami ni Sam este Samy sa room ng scholars na nasa may west wing ng school. Trivia! Anim lang kami na scholars sa Royal Academy. Ako, si Alice, Sam (Samy), Fred, Chloe at Luis. Mahirap makapasok sa school na ito kaya anim lang kami. If you try to look like it kami pa nga dapat ang mga privileged kasi we were really chosen by Royal Academy hindi katulad sa mga rich brats na mga royals na pera ang pinapagalaw.

"Erin what happened?" bungad na tanong sa akin ni Chloe. Bestfriend ko siya at May friend team kami na ChloRin-.- siya nag gumawa nyan. I'm innocent.

"Wala naman" sagot ko. I went to my usual place sa room at inilapag ang bag ko sa desk.

"Anong wala, eh bakit iyak ng iyak si Alice? Di namin siya makausap ng maayos" I sighed.

"Oo nga Rin, what happened?" tanong naman ni Luis sa akin.

"Asan siya?" They all pointed sa labas ng room. Ah, typical Alice.

Lumabas na ako ng room at pinuntahan sa may garden si Alice. Mahilig kasi sa halaman si Alice kaya naman kung nag-iisip siya, di mapakali, stress o kahit masaya nasa garden siya. Plants makes her feel relaxed daw.

Nakita ko siya na nakatulala sa may pond ng garden habang nakaupo sa isang bench malapit doon. I seated beside her. Walang kumibo sa amin for minutes. We just stayed there sitting.

"Di mo kasalanan yun" I said breaking our silence. Narinig ko naman ang mahinang paghikbi niya.

"Kasalanan ko yun Erin! Kung sana sumunod ako sa sinabi mo sa amin na huwag dadaan sa main entrance di sana natapon yung kape ni Victoria. Hindi ka sana...di ka sana slave ulit nila ngayon"

Tumayo ako at hinarap si Alice sa akin.

"Alice it's not your fault. Kung mapagpatawad lang sana si Victoria di na sana hahantong sa ganito ang sitwasyon. Tsaka, I did it for you kasi alam ko na madali kang magkasakit at may trabaho ka pa Saturdays at Sundays."

"Rin naging slave ka nila two months ago! I know how hard it is to be their slave dahil I saw how you struggled. Kahit sinabi mo sa amin kaya mo, alam namin you're near to giving up. Tapos sa bahay niyo pa..."

Pinunasan ko ang mukha ni Alice and cupped her face.

"Kaya ko sila okay? Kaya ko. You don't need to feel guilty kasi you guys are like family to me. Besides, mas okay na rin ang ganito. While I'm their slave, di na nila kayo guguluhin." I said and hugged her.

The scholars had been like a family to me ever since pumasok ako sa RA two years ago and those royals had been the people who always try to ruin that family. Hanggang kailan kaya ang division na royals and scholars? Forever? I hope not.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon